13.2 I will set you free, Ms. Rooseveltun
"Hey! Pahingi naman ako ng konting toothpaste... tsk... ako ang nag-grocery ng mga essential needs na yan, oy!"
"For your information, si Rainbow ang namimili para sa akin niyan! Asa ka namang bumibili ka nyan."
"A, ganon ha?" pilit siyang lumalayo sa tabi ko nang susunggaban ko siya sa mukha.
"Huwag mo akong subukan, Jianné. Gaya nga ng sinabi ko dati, I will kiss you until you die in suffocation. Kaya pumili ka, aalis ka sa tabi ko o hahalikan na talaga kita?" pinagmamasdan ko lang siyang nanliliit ang tingin sa akin.
"Haist... ito na nga.. I'm going out." napasabi ako ng tsk at lumabas na sa banyo para magbihis.
Hindi ako naligo na kasama siya. Gusto ko lang talagang ibabad ang mukha ko sa maliit na basin para mawala yung hilo ko. Hindi ko na naman alam na matapang pala yung nainom ko kagabi.
"O? Inumin mo... at lumapit ka sa akin." inabot niya sa akin ang nescafé can at sinabuyan ng maraming pulbos sa mukha.
"Kung hindi lang talaga ako tinamaan ng hangover ay malamang sinuntok na kita palipad ng mars."
"Ang halikan mo nga ako ay hindi mo kaya, saktan pa kaya physically?" seryoso niya akong tinignan sa mga mata at ngayon ay magkalevel na kami sa isa't-isa.
"Alam kong nadismaya ka sa naging ipon mo pero mayroon akong naitagong isang ticket. Ugh? Kunin mo na..." Nagaalangan pa akong kunin ang ticket na nasa kamay niya ngayon.
"Huh? VIP ticket? E di' ba, mahal ang ganiyang klaseng ticket?"
"Yup, pero kung hindi mo tatanggapin ngayon ay pupunitin ko nalang." ngumisi siya at akmang pupunitin yung ticket pass na nasa kamay niya.
"Haistt... teka nga lang... hindi ka ba nanghihinayang sa mga bagay na sinasayang mo?"
"Bakit? Pinaghinayangan mo rin naman ako ah, so I will teasing it para hindi kana makapunta sa concert and you know the feeling of not getting what you want." Inirapan niya ako at pinigilan ko siyang makaalis.
"Ano bang problema mo? Alam mo ang gulo-gulo mo kausap! I got what you mean before but my expectation is really far from reality. Sana maintindihan mo rin kung ano ang nararamdaman ko!"
"Walang oras, araw, linggo at buwan na hindi kita inintindi, Jianné. Pumayag na nga akong patirahin kita sa dorm na 'to at magmula nang napalapit ka sa akin ay hindi mo na ako nababayaran, at ano sa tingin mo ang ambag mo, huh? Utak?"
"Bakit?! Mabibili ba ng mga tao yang utak mo? Jianné, wag puro utak ang puhunan, matuto ka rin sanang gamitin ang puso mo." sumigaw siya sa akin ngunit agad namang kumalma.
"Nagpost sa I.G si Devyn... pwede ka ng umalis anytime. Ikaw na ang bahalang umalam kasi wala akong panahong makipagtalo sa'yo!" padabog niyang kinuha ang phone at gitara niya.
Agad kong tinawagan si Chloe.
Tsk! Ano bang problema noon? Bakit nagiging maiinitin ang ulo niya? Tsk... isa pang malaking problema 'to ayaw na ayaw niyang sagutin yung tawag ko.
———
"Shia! Kailangan ko ang tulong n'yo guys kaya ako nanlibre ng cupcake na galing sa cooking club nila Rodn."
"Hmm... anong tulong? Wait lang... nakita ko yung photoshoot nila Chloe at Top... may bisita nga kanina sa campus at sigurado akong talent agency yon na galing pa sa mayamang probinsya!"

YOU ARE READING
Together With You
HumorCharlotta Embeyr Rooseveltun is the one and only daughter who owned by the most famous and expensive private University in their country. She disliked asking even a bit amount of luxuries to her Dad because himself has lack of support and wants her...