"What do you want?"
Ibinagsak ko ang paper bag na naglalaman ng pagkain. Take out niya na ibinibigay na naman niya sa akin. Ilang araw na siyang ganito magmula noon, hanggang sa nangyari sa club. Pumikit ako ng mariin at minasahe ang sentido ko. While he gave me a cheeky smile.
"Come on, just accept it. You're so thin, kumakain ka pa ba?" tanong niya. Nag-apoy ang mga mata ko.
"Nandito ka lang ba para insultuhin ang katawan ko?!" tanong ko. Mabilis siyang umiling bilang pagtanggi.
"No! Of course not-"
"E'di bakit mo ako binibigyan nito? Dahil ba hindi tinatanggap ng mga babaeng dinadala mo rito? Kung hindi tinaggap, itatapon mo sa akin, ganoon?" I asked, irritated. He waved his hands, making a gesture na hindi 'yon ang ibig niyang sabihin.
"No, I'm just concerned! I promise, I swear! I want to be your friend, that's all!" he said defensively. Kumurap-kurap ang makapal niyang pilik mata. Mabuti nalang at maaga aking mag-out ngayon, pwede ko na siyang patulan.
"Anong kapalit? Totoo na, lahat ng tao may hidden agenda. What's yours?" tanong ko. His face grimaced with my question. Halatang hindi sang-ayon.
"Lalim naman, wala akong hidden agenda. Gusto lang kitang maging kaibigan, bawal ba?" tanong niya.
"Bawal!" I exclaimed and walked out on him. Pero hinabol niya ako at sinabayan sa paglalakad kaya nakasimangot ako.
"Hyena, take this. Hindi ka pa yata nagdinner. Puro fast food pa, you need vegetables-"
"Susmaryosep Solanna!"
Biglang nanghina ang mga binti ko kaya muntik na akong mabuwal. My vision was spinning so I closed my eyes emphatically. Kumapit ako sa braso ni Connor at nagpapasalamat akong hindi niya naman ako hinawakan. He just allowed me to put my stength on his firm arms.
"Sabi ko kasi kumain! Do you even eat your meals right?! Nagtatrabaho ka pa!" he spat angrily. Hindi alam kung anong gagawin sa akin. I shook my head and regained my strength. His other hand was moving, hindi alam kung hahawakan ako o hindi.
"Can I hold you? Baka matakot ka kasi," he whispered. Nakatingin na ang mga tao sa amin. My legs are suddenly wobbling. Tumango ako, walang maaasahan sa sarili.He carefully placed his arm around my waist, napalunok ako nang maramdaman ang hawak niya. It's so gentle, which is new to me. My parents never handled me with care.
Hinawakan niya ang siko ko para alalayan ako. My spine shivered with his benigh but firm touch. I flinched a bit, napansin niya yata.
"Can you walk? What the freak, should I call a doctor? Should I carry you? Tell me!" natatarantang tanong niya na nakapagpatawa sa akin. He froze when he heard me laugh.
"How can you laugh like that! Are you drunk? You don't reek alcohol! Dios ko!" he said like I'm making him insane. His eyes were full of worry. And I actually felt great. To be cared by someone who's not even close to me. To have someone who worries for me. Natatatanta pa talaga siya.
"Malas ako, huwag mo akong kaibiganin." Inalis ko ang hawak niya sa akin nang maramdaman kong ayos na ako. Nagkatitigan kami, wala na ang nagbibirong mukha niya. He looked serious all of a sudden. Ngumisi ako.
Our gazes met and he looked like he's trying to figure me out, I don't want that so I looked away. Hindi ako pwedeng masanay na may masasandalan dahil malupit ang mundo. Hindi ako sasandal sa taong alam kong panandalian lang. Kailangang masanay na mag-isa, para kapag may nangyari mang katangahan, sisisihin mo lang ang sarili mo at wala ng iba. Gagawa ng paraan ang mundo para subukin at mapaghiwalay kayo, tapos ibabato sa'yo lahat ng sama ng loob. Masakit 'yon. Lalo na kung hindi ka umilag.
BINABASA MO ANG
Love Above It All
RomansaSolanna Cariazo is bushed of having to live her life in a hell hole. So she came up with the decision to run away to the city and live like a normal working college girl, not until Connor Hernandez started bugging her nonstop. He changed her life.