"Do you have plans for new year?" He asked in the middle of eating lunch.
Ngayong itinanong na niya, naalala ko na magbabagong taon na pala sa makalawa. Ilang araw na rin ang nakalipas noong nilagnat ako.
Hindi ko alam kung bakit nandito siya lagi, wala ba siyang lakad? He was taking care of me and all my possible needs. Until I'm all good. Wala na akong lagnat, tanging mga bakas ng pasa na lang na mabilis ring naghihilom dahil sa kung anu-anong nilalagay niya.
"Matulog," sagot ko at nagpatuloy sa pagkain na pinaluto niya pa sa mansion nila. He even steamed vegetables for more nutrients daw.
"Hah?! Bawal 'yan!" exaggerated na hindi niya pagsang-ayon.
"Anong bawal? Sino nagsabi?" masungit na sambit ko.
"Ako! Sasama ka sa akin!" he declared. "Duke will held a countdown party somewhere. We should go. So you could meet new people. Masaya 'yon, promise! May live band tsaka buffet 'yon," suhol niya pa. He was anticipating. Naningkit ang mga mata ko.
"Hindi ka ba magne-new year kina Tita Caroline?" tanong ko.
"We'll greet them, then maybe dinner as well. Pero sasalubungin natin ang bagong taon doon sa party," sabi niya na parang pumayag na ako. Pero bilang pasasalamat ay sasamahan ko siya. Fine, Connor.
Pinagbihis niya ako dahil may pupuntahan daw kami pagkatapos namin kumain kaya nagbihis ako ng white tank top at mom jeans na pinatungan ko ng malaking jacket ni Connor para matakpan ang katawan ko. Ngumuso siya para pigilan ang ngisi nang makitang naglabas na naman ako ng gamit niya mula sa cabinet.
"Pahiram?" I asked, kahit na nakalabas na at nakapatong na sa balikat ko. He just smiled and nodded. I wore my sandals and we're okay. Lumabas na kami sa apartment complex at bumiyahe patungo sa kung saan niya binabalak.
"Sino kasama sa sinasabi mo?" I asked along the way.
"Just friends. And friends invited by friends."
Tumango ako. Connor is a good guy, it means he also has good friends. Right? Like Isla. I didn't realize how we were on the way to my condo tower. He parked on the basement and sabay kaming lumabas. Halos hindi ko na maalala na nakatira nga pala ako rito dahil napapasarap ang buhay ko sa apartment ni Connor. It's comfortable and cozy, unlike my place.
"It's not completely finished, may mga gamit pa na hindi nalagay sa taas pero hindi na siya amoy pintura. Tsaka pwede na matulog doon." Pintura? Mga gamit?! Dios ko, ano itong ginawa niya sa condo ko?
He held my hand and we took the stairs. Nagpapahila lang ako sa kanya.
"Alam mo, ayaw kitang pilitin. Pero nabasa ko lang sa Pinterest. Do what you fear and the fear disappears," sabi niya habang umaakyat kami sa palapag ko na hindi masyadong kataasan. Alam kong tinutukoy niya ang takot ko sa closed spaces, tulad ng elevator. Kung saan ako inatake ng panic attack noong mastuck kami.
"Pero hindi kita pinipilit hah? Nasa sa'yo 'yon. Pero kung kailangan mo ng kasama tawagan mo lang ako. G ako always." He wriggled his eyebrows and smiled at me before we started our daily affirmations habang umaakyat sa hagdan. Pasimuno na naman niya habang sumisigaw siya dito sa fire exit ng mga positive na salita na inuulit ko naman habang natatawa. He brings contagious positive vibes.
"Today will be a great day. I have all the strength and confidence within me that I need to succeed and I am awesome!"
Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay agad kong nakita ang ibang lock. It's already a stainless steel pin code lock, just like his apartment's. Doon palang ay napatanga na ako. Ang alam ko ay mahal 'yan!

BINABASA MO ANG
Love Above It All
RomanceSolanna Cariazo is bushed of having to live her life in a hell hole. So she came up with the decision to run away to the city and live like a normal working college girl, not until Connor Hernandez started bugging her nonstop. He changed her life.