"You worthless child!"
"Wala ka ng inambag sa pamilyang ito kundi malas! Malas! Malas!"
No... no. I trembled in fear when I saw her pulled out a knife and she started closing the distance between us. Umatras ako hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko.
"Bakit hindi ka nalang nagpakamatay?" she handed me the knife, then she smiles creepily. "O baka gusto mong tulungan pa kita?"
Unti-unti siyang lumapit at tanging hiling ko nalang ngayon ay mabuhay, kung anong mang gagawin niya. Naramdaman ko ang malamig na dulo ng kutsilyo sa aking baba. Napapikit ako ng mariin at ang tanging nararamdaman ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko at ang malalamig kong kamay.
"That's enough," pigil ni Papa na lihim kong pinagpasalamat. Nanlisik ang mga mata ng madrasta ko wt marahas na kinuha ang braso ko.
I knew what's going to happen next. Fear consumed me and I started mewling like a child. Pilit kong inaagaw ang braso ko sa kanya ngunit dahil sa panghihina ay hindi ko nagawa.
She pushed me with impact inside the old and tarnished cabinet of my real mother. It was dark in here. And a closed area. My chest was starting to hurt while I cry.
"No.. no... please. Huwag niyo po akong ikulong! Huwag po!" I pleaded loudly. I slammed my hand multiple times at the closet's door but no one came and answered my pleas. It's locked from the outside.
"Tulong!"
Tumatagaktak ang pawis ko nang magising ako mula sa masamang panaginip. My tears won't stop flowing, sinapo ko ang dibdib ko at hirap na humihinga. Tumakbo ako sa bintana at mabilis na binuksan 'yon para lumanghap ng sariwang hangin.
Fuck, another nightmare.
Hindi ko alam kung ilang beses na akong dinadalaw ng mga panaginip na ganoon pagkatuntong ko rito sa Maynila. Hindi lang talaga matahimik ang mga magulang ko, kahit panaginip man lang.
Bumilisbis ang maiinit na luha mula sa aking mga mata habang walang ingay na nakatanaw sa maliwanag na tanawin ng Maynila. Kahit gabi, buhay na buhay. Nandito talaga ako sa syudad.
Alas cuatro palang ng madaling araw ay gising na ako at hindi na makabalik sa tulog. Inayos ko ang comforter na tanging hinihigaan ko roon at kumain ng isang biscuit para hindi kumalam ang sikmura ko. Mag-iilang linggo na nga ba noong napahiya ako sa harap ng maraming tao dahil sa eskandalong ginawa ng madrasta ko? Hindi ko alam.
Normal ang lahat ng nangyayari sa buong maghapon pagkapasok ko. Dinadapuan ako lagi ng kaba dahil iniisip ko baka sumugod na naman ang madrasta ko.
"Sige, Solanna. Kami na ang bahala, ingat!"
Ngumiti ako at kumaway kay Jeoff at Grace na siyang kagrupo ko sa isang proyekto. Nakayuko ako habang naglalakad sa hallway hanggang sa makalabas ako. Feeling ko kapag nag-angat ako ng tingin, mayroong makakakilala sa akin at nakita 'yong nangyari ilang linggo na ang nakaraan.
"Good afternoon! What's your order, Ma'am?" I smiled courteously at the costumer in line.
Gaya ng nakasanayan, dumeretso ako sa isang fast food restaurant kung saan ako nagta-trabaho pagkatapos ng klase hanggang alas nueve ng gabi. Tuwing alas diyes ang oras ko para magbasa at gumawa ng mga assignments. Alas onse naman tutulak na ako patungo sa Smolder, isang superclub para maging janitress hanggang alas dos ng madaling araw. Doon palang ako nakakapagpahinga.
I punched her order on the monitor when I saw a familar guy entered the restaurant. Araw-araw nalang ba siya rito? Kumunot ang noo ko ng panandalian bago binalik ang ngiti at kinuha ang ilang order na available na. Nilapag ko sa tray at binigyan siya ng number para ihatid nalang sa kanya ang mga hindi pa nahanda.
BINABASA MO ANG
Love Above It All
RomanceSolanna Cariazo is bushed of having to live her life in a hell hole. So she came up with the decision to run away to the city and live like a normal working college girl, not until Connor Hernandez started bugging her nonstop. He changed her life.