Chapter 20

13 4 4
                                    


"Whoa."

Sabay kaming napatigil dalawa nang mayroong malaking basket na naghihintay sa amin sa labas ng condo unit ko. Nagkatinginan kami bago nilapitan 'yon.

It's almost midnight and we just arrived from our anniversary trip. Naiilang ako tuwing tumitingin siya sa akin o tuwing nagsasalita siya.

We kissed for fuck's sake! Will he act like it's nothing?

Was the kiss nothing to him?! Handa na akong maghasik ng lagim nang makita ko ang laman ng basket.

"Pusa," I mumbled. Nanlalaki ang mga mata ko at lumuhod para tignan ang kulay itim na pusa na natutulog sa basket. It's young. A kitten.

"Wait up, huwag mong galawin. Baka kalmutin ka," pigil sa akin ni Connor akmang hahaplusin ko ang kuting. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ikaw kalmutin ko," sabi ko kaya napatayo siya ng tuwid.

"Ang liit oh! Paanong kakalmot, bata pa ito!" I defended the poor little innocent kitten. Hinaplos ko ang ulo niya at gulamaw ito. Mas isiniksik ang sarili sa kamay ko. I smiled.

"Kaninong pusa 'to?" tanong ko at binuhat ang basket. I looked around to see its owner but maybe it's been here since a while ago. Wala na ring tao sa hallway dahil nga madaling araw na. Poor cat. I punched the code of the door and opened it wide.

"Huy, mamaya robot 'yan. May camera sa mata tapos spy lang sa'yo! Mamaya magsalita 'yan!" Connor looked horrified as he locked the door.

"Kanonood mo 'yan ng Spy Kids. Ano ka ba?! Walang ganoon!" Iritadong baling ko sa kanya.

Ngumuso siya at kinapa ang dibdib.

"Bakit mo ako inaaway?" nagpapa-awang sabi pa niya. Kinunutan ko siya ng noo at inirapan nalang. I heard him tsked before he removed his shirt and went to the bathroom to wash up.

Habang ako ay nagtataka pa rin bakit may pusa sa harap ng pinto ko. I looked intently at the black gorgeous cat then I heard the door opening. Lumabas si Connor nang nakatwalya lang kaya umiwas ako ng tingin.

"Talikod ka lang hah! Magbibihis muna ako!"

"As if namang sisilipan kita," sumbat ko. I heard him inhaled in exaggeration. Siya na mismo ang pumunta sa harapan nang matapos siyang magbihis.

Nakasampay sa balikat niya ang kulay gray na twalya at kulay itim na shorts lang ang suot niya. Basa pa ang buhok niya at tinutuyo gamit ang twalya pagkatapos isampay sa upuan ang sleeveless shirt na suot niya para ngayong gabi.

"Dito ka matututulog?" I asked softly.

"Oo. Bukas kapag umulan wala na ako. Pero kapag umaraw gigisingin kita para panoorin ang sunset sa rooftop." Inilahad niya ang kanyang plano.

Kaya naman inayos ko ang hihigaan namin. May extra unan at comforter na nakatago sa akin just in case gustong matulog dito ni Connor o kaya ni Astrid.

Nasanay na ako, lalo na kay Connor na minsan sa sobrang pagod ay dito na nagpapalipas ng gabi. May unan sa pagitan namin kaya naman dumeretso na muna ako sa banyo para maligo.

I yawned right after I went out of the bathroom. Basa pa ang buhok ko ngunit hindi naman puwedeng matulog na ganito.

Hindi ako aware na nakatingin pala sa akin buong oras si Connor kaya tumayo siya at itinigil ang pagce-cellphone para pumasok sa banyo.

"Come here, bakit hindi mo ito ginagamit? Regalo ni Mama 'to ah?" tanong niya na hawak ang isang hair dryer, galing sa banyo. Kinuha niya ang isang upuan at pinaupo ako malapit sa may saksakan.

Love Above It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon