"Ano itong naririnig ko na kayo raw ni Connor?!"
'Yan ang pambungad na tanong ni Astrid nang unang beses ko siyang makita pagkatapos ng halos ilang linggo. Nakapamaywang siya habang naghihintay sa labas ng classroom ko ngayong ikalawang semester.
"Astrid!" hindi ko pinansin ang tanong niya at niyakap siya agad. Ang tagal naming hindi nagkita! Mabuti at nakauwi na siya mula pa Atlanta. Ngumuso siya at niyakap ako pabalik. Pumuti siya lalo, humaba ng kaunti ang buhok at usual na maganda. I missed her!
"Kailan ka dumating?" tanong ko.
"Kahapon." Wow, kahapon din ang flight ni Calvin pabalik sa New York. Sayang at hindi man lang nila naabutan ang isa't isa. Hindi na ako nagsalita nang kulitin na naman niya ako tungkol doon sa relasyon kuno namin ni Connor.
"Tanungin mo siya!" sabi ko dahil hindi ako sigurado kung gusto bang ipaalam ni Connor ang bagay na ito kay Astrid o hindi.
"So finally, you two met after weeks!" tumigil kami sa paglalakad nang makasalubong si Connor na maaliwalas ang mukha. Nakasuot siya ng simpleng shirt at pants, nakasubkit ang bag niya sa isang balikat. He eyed me before listening to Astrid who's already complaining how did we get in to a 'relationship' without telling her.
Weeks have passed. Pagkatapos ng new year ay tuluyan na akong lumipat sa condo sa tulong ni Connor. The first night I was sleeping there felt like I'm in someone else's room. It's too comfortable and I felt alone, siguro nasanay ako sa mas maliit na apartment ni Connor. At madalas na kasama pa siya.
Ang dami kong naiisip tuwing nag-iisa ako. Tulad nalang ni Deborah at ang mga sinasabi niya. The one she said about my mother's death, at kung bakit hindi pa ako natuluyan. Does that mean she has something to do with my Mama's death or I'm just overthinking? Does that mean she tried to kill me as well?
Iniisip ko pa lang ay kumukulo na ang dugo ko. What the fuck does she mean by that?! I want to know what really happened. Because the only thing I know is that Mama was involved in a car accident and she's dead on arrival. Nothing more. Gusto kong makasigurado pero hindi ko alam kung paano mag-uumpisa.
"First of all, we are really not in a relationship," bulong ni Connor nang maka-upo kami sa dulong upuan dito kila Aling Belya. Magkatabi kami habang nasa harap namin si Astrid na litong-lito pa rin.
I started eating nonchalantly while Connor was explaining the basic details to Astrid about our deal.
"Really? I thought... you're bagay though. I'm not against it." Humagikgik pa siya nang tuluyan nang maintindihan ang sitwasyon. "Anyway, I have pasalubong!" she announced and clapped her hands to support herself.
Balik na kami sa dating gawain namin. I'm working after school and sometimes doon sila magdidinner ni Astrid. Kaway pa ng kaway si Astrid habang nagta-trabaho ako, natatawa nalang ako sa kanila.
Ihahatid ako minsan ni Connor. Minsan naman busy na busy din diya sa mga ginagawa niya sa buhay at lilitaw pagkatapos ng ilang araw o linggo. Tatawagan niya ako tuwing may gusto siyang puntahan na kailangan niya ng kasama at kapag may events na naman.
"Solanna! Tara sa Pampanga bukas!" yaya ni Astrid matapos ang klase. Magpapalusot sana ako namay trabaho pa ako ngunit nunahan niya ako. "Day off mo! Bawal tumanggi!" she said.
"Ano namang gagawin sa Pampanga?!" tanong ko. Nambibigla naman ito! At may plano ako bukas...
"Nood tayo race ni Connor!" Kumunot ang noo ko. Anong race? Nagpapaligsahan ba sila ng mga kaibigan niya kung ano na naman?
The first race I saw was when we were in a restaurant, paunahan sila ni Duke na maubos ang nasa plato nila. Ang mahuhuli ay ang magbabayad. And of course, Connor has a dragon on his stomach so he won.
![](https://img.wattpad.com/cover/237196674-288-k383581.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Above It All
RomanceSolanna Cariazo is bushed of having to live her life in a hell hole. So she came up with the decision to run away to the city and live like a normal working college girl, not until Connor Hernandez started bugging her nonstop. He changed her life.