Chapter 19

14 4 3
                                    


"See you, labidabs." Connor hugged me for the last time before entering his car and waving me goodbye.

He flew to New York right after summer break started.

I spent the rest of my summer working two jobs. I applied a summer job in a cafe. Then the part time work I have in the fast food.

Kung wala naman akong trabaho ay kina Astrid ako natutulog dahil iniimbitahan niya rin ako. Her parents and sister are busy with work so she's bored to death that she even applied to the cafe I'm working in.

Para raw may magawa siya at kasama rin ako. Pero hindi ko na mabilang kung ilang tasa na ang nabasag niya. Parang walang kwenta rin ang sweldo niya rito. But she will just smile at me every time she does something wrong in her work.

"Miss, isang brewed coffee for take out. Pakibilisan, thanks." A guy in a mask and white scrub suit ordered.

Is he a nurse? His hair was longer than conventional, just like Connor's. His face can't be seen fully because he was wearing a mask and wayfarers. But he has an appeal. Pero mas ma-appeal si Connor. He also has tan complexion which caught my attention. But I like Connor's fair skin more.

Bakit ko ba sila kinukumpara? Do I miss him? Ngumuso ako.

"Miss, I'm in a hurry. Stop staring and please do your damn work," he said with an annoyed voice. He even removed his mask to show me that he's irritated. Nilapag niya pa ang bayad niya na parang galit.

"Anong pangalan, Sir?" I asked to write it on his cup since it's for take out.

"Rocco. R-O-C-C-O. Bilisan mo na, I still have work to do." Masungit na saad niya. Pagkatalikod ko ay umirap ako.

"Hindi naman gwapo. Lakas magsungit," I murmured while doing my work. Sisigaw na sana ako para tawagin ang pangalan niya pero naka-abang lang siya roon at mukhang hinihintay talaga ang kape niya. Kinuha niya agad 'yon.

"Hindi ako gwapo sa paningin mo?" he asked and lowered his wayfarers, making me see his almond eyes. Naningkit ako, pero umirap lang siya bago tuluyang umalis. I blew a harsh breath and rolled my eyes.

"Uy type mo 'yon? Tall, dark, and handsome ang peg!" biglang lumabas si Astrid na naghuhugas ng baso, may bula pa sa kamay. Napangiwi ako. Sana hindi niya mabasag.

"Anong type? Sungit. Kala mo naman kung sino," I scoffed and just continued working.

[Hi, hello. How's my Hyena?] Bumungad ang mukha niya sa phone ko nang sagutin ko ang tawag niya.

Parang kagigising niya pa dahil magulo ang buhok at medyo singkit ang mga mata. His voice was hoarse but he's smiling. Samantalang dito sa Pilipinas ay gabi na.

"Are you growing your stubble?" tanong ko at binalewala ang tinawag niya sa akin. Hyena amp. Agad niyang hinaplos ang panga niya na mas nagiging visible ang mga buhok.

[Do you want to? Nakakatamad magshave rito. Ayaw ko magpa-pogi. Wala ka naman,] he chuckled deeply while showing me his stubble.

To be honest I'd like to see him like that in person. He looked more manly with facial hair. Ang playful at active niya kasi tignan kapag wala. But right now, he looks like a serious man.

"It's up to you," bulong ko habang pinagmamasdan siya sa screen ng phone ko. I felt my chest twisting, I surely miss him.

[Kumakain ka naman ba? Baka nagpapakagutom ka na diyan! Kumain ka! Huwag kang mag-alala, samgyup tayo pagdating ko!] He laughed and stood up. Kwinento ko lamang ang buong maghapon ko tulad ng usual habang ginagawa niya ang ritwal niya sa umaga.

Love Above It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon