CARMELLA
Napahawak ako sa ulo ko.
Sumasakit kasi ito.
Unti unti kong binuksan ang takulap ng mga mata ko.
Pero isang hindi pamilyar na kwarto ang bumungad saakin.
Nasaan ako?
Napatingin lang ako sa pinto ng bumukas ito.
*Eeikk
At laking gulat ko kung sino ang taong pumasok.
May bitbit itong lalagyan ng pagkain.
"D-david?" wala sa sariling naisawika ko.
"Ohh your finally awake Carmella. By the way here's your food, you need to eat. Nawalan ka ng malay dahil nalipasan ka ng gutom, sabi ng doctor." sabi nito saka inabot ang pagkain saakin.
Nakangiti siya pero bahid parin ang lungot sa bawat pag-guhit ng pekeng ngiti sakanyang mga labi.
Ng mailagay na siya ang mga pagkain sa harap ko ay unti unti kong inangat ang ulo ko para makaupo.
"David..." tawag atensiyon ko sakanya. "Are you still mad at me?" malungkot na tanong ko saka inabot ang kanyang kamay para aking hawakan.
Napansin ko kasi na parang medyo naiilang siya.
Pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Kahit kailan hindi ko nagawang magalit sayo Carmella." nakangiting sagot niya kaya agad ko siyang niyakap.
"Bakit ba sobrang bait mo huh?! Sa lahat ng nangyaring hindi maganda noon bakit ang dali lang para sayo na sabihin ang mga bagay na iyan?!" Umiiyak na tanong ko kaya niyakap niya ako pabalik at hinagod ang likod ko.
"Simple lang Carmella. Dahil hanggang ngayon..." pabitin siyang nagsalita at umiwas ng tingin habang naka guhit parin ang mapait na ngite sa kanyang mga labi.
Hinintay ko siyang magsalita muli pero tila wala na siyang balak na ituloy ito kaya naglakas loob na akong magtanong.
"Kasi ano?" tanong ko.
DAVID
"Kasi...... Mahalaga ka parin saakin."
Isang sagot na puno ng kasinungalingan.'Kasi... Kasi hanggang ngayon mahal parin kita'
Iba ang salitang gustong lumabas sa bibig ko pero pinigilan ko lang.
Alam kong may asawa na siya at kahit alam kong arrange marriage lang yun.
Alam ko na mahal ni Carmella si Ivan.
Kaya kahit masakit susubukan kong magparaya.
Kahit sobrang sakit na susubukan kong paulit ulit na magparaya para lang maging masaya si Carmella.
Dahil kahit na masaktan ako ng paulit ulit ay balewala lang yun makita ko lang ang mga ngite niya na tunay na taong magpapasaya sakanya.
Kahit ako pa ang mas nauna sakanya.
"Kumain kana alam kong gutom ka" sabi ko at agad humiwalay sa pagkakayakap niya.
Pinahid naman niya ang kanyang luha saka nguniti saakin.
"Thank you.." she mouthed.
Ngumiti lang ako sakanya bilang sagot at pinanuod ko nalang siyang kumain.
Napangiti nalang ako.
Walang pinagbago "hanggang ngayon pala, para ka paring patay gutom kung kumain " prangka kong sabi na ikinatigil niya.
BINABASA MO ANG
Tears of The Unwanted Wife
General FictionIsang kwento tungkol sa isang babae at lalaking nagkaroon ng isang matibay na ugnayan sa isat isa dahil sa isang arrange marriage na ang mismong Lolo ng lalake ang may gawa. Ng dahil sa arrange marriage na ito ay maraming nagbago. Galit at pagkasukl...