Agad akong naligo at nagbihis ng damit dahil nga napag usapan namin ni Ivan na magpupunta kami ngayon sa isang bar.
Pagka labas ko ng condo ko ay agad akong pumara ng taxi. Hindi ako nakatira sa bahay ni mama dahil naglayas ako.
Si lola lang ang kasama ko dito kaya lang nasa hospital siya.
Habang busy ako kaka kalikot ng phone ko ay hindi ko napansin ang pagdaan ng nagtitinda ng street food gaya ng mga fishbalk at kickyam.
Ng maamoy ko ang amoy na iyon sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang akong napatakip sa bibig at ilong ko.
"Ang baho!" sabi ko saka ko naramdaman na nasusuka ako.
At hindi nagtagal ay naduwal na nga ako sa gilid ng kalsada. Pero laking pagtataka ko ng tubig lang naman ang dinuwal ko.
Napapansin ko rin na this past few days ay lagi nalang akong naduduwal. Kung minsan ay masyado pa akong nagiging antukin at nagging tamad.
Napansin ko din ang pagdalas ng pagkain ko ng suha. Hindi ko naman paborito ang suha. Pero sa tuwing pumapasok ito sa isip ko ay natatakam ako.
Lalo na kung iniisip ko yung suha na sinasawsaw sa suka na may sili.
"Mhhhhh! Natatakam nanaman tuloy ako!" maktol ko saka ako napahawak sa tiyan ko.
'Gusto ko non..'
"Sana talaga makabili tayo non. Kasi gutom na gutom na ako. Sa pagkain ng suha." wala sa sariling sabi ko habang dahan dahan na hinihimas ang tiyan ko.
'Tayo..'
'Tayo..'
'Tayo..'
Bigla naman akong napatigil ng marealize ko ang sinabi ko.
Bigla naman akong kinutuban ng pumasok sa isip ko ang isang bagay na hindi impossible na mangyari.
Paano kung totoo?
Anong gagawin ko?
Agad naman akong pumara ng taxi saka agad na pumunta sa pinaka malapit na botika.
Ng makarating ako duon ay agad akong bumili ng pregnancy test.
Habang inaabot Stalin yun ng tindera ay mapanghusga akong tinignan ng mga tao sa paligid na kapwa rin bumibili gaya ko.
'Hay! Ehh kay bata pa niya!'
'Iba na talaga ang mga kabataan sa panahon na ito. Kung yaan ang anak ko baka kanina ko pa iyan nasampal.'
'Kaya tumataas ang rate ng teen age pregnancy dito sa pilipinas ehh! Dahil diyan sa mga kabataang hindi mapigilan ang lumandi'
Mapang husgang mga mata ang naka palibot saakin. Pero kahit nasasaktan na ako sa mga naririnig ko ay pinili kong maging matatag.
Nagmamadali akong umalis doon dahil ng tignan ko ang orasan ko ay 7:24 pm na.
Baka malate ako at hindi makarating sa napag-usapang oras.
Nagulat ako ng malaglag ko ang binili ko dahil may nabungo akong isang matandang ale.
"Ahh paumamhin po lola.." paghingi ko ng paumanhin.
"Ay paumanhin din!" sabi nito at dali daling pinag pupulot ang binili kong tatlong pregnancy test.
"PT? Aanhin mo ito iha? Sayo be ang bagay na iyan?" naguguluhang tanong ni saakin saka inabot ang binili ko.
Naiilang ko siyang tinignan bago ako unti unting tumango.
"Ohh bata ka!" gulat na sabi niya.
"Mauna na ho ako!" mabilis na sabi ko saka ko siya tinakbuhan.
BINABASA MO ANG
Tears of The Unwanted Wife
General FictionIsang kwento tungkol sa isang babae at lalaking nagkaroon ng isang matibay na ugnayan sa isat isa dahil sa isang arrange marriage na ang mismong Lolo ng lalake ang may gawa. Ng dahil sa arrange marriage na ito ay maraming nagbago. Galit at pagkasukl...