CARMELLA
Kinabukasan maaga kaming pareho ni David na gumising dahil sabi ni Dr Ramirez ay pwede na akong umuwi ngayon.
Sabi pa nito iwas iwasan ko daw ang ma-stress dahil makakasama daw saakin yun.
"Carmella, let's go?" tanong ni David ng makasakay na kami sa kotse niya.
Tumango lang ako at ngumite.
Habang kasalukuyang nagmamaneho si David tahimik lang naman akong nakatingin sa labas.
Nadaanan namin ang isang park sa tabing gilid.
At nakita ko ang isang masayang pamilya habang nag lalaro sila sa park. Mahahalata mo ang saya at pagmamahal nila sa isa't isa.
Napangite nalang ako ng mapait.
Kami kaya ni Ivan? Kailan kaya kami makakabuo ng masayang pamilya?
Natawa pa ako sa isipan ko ng maalala ko ang sinabi ni Ivan noon.
Na alam kong para kay Sandra lang..
•••
Flashback ~~
'Kung ako magkaka-anak gusto ko anim'
'Ang dami naman..' natatawang sabi ko.
'Shempre, tapos gusto ko puro kambal. Pero gusto ko dalawang babae lang at apat na lalaki.' nakangusong sabi niya.
'Aba! Edi grabe naman. Kayo na ng magiging asawa mo ang masipag!' natatawang sabi ko.
Pero ngumisi lang siya. Yung ngisi na parang may mali sa sinabi ko. Kaya napakunot ang noo ko sakanya.
Tama naman ahh! Ang sipag naman nila mag-alaga ng bata kung ganon!
Yun ang ibig kong sabihin. Wala namang mali dun ehh bakit ngumingisi ngisi tung baliw na ito.'Talaga! Aaraw-arawin ko siya!' pagmamayabang niya.
Pero nanatiling naka-kunot lang ang noo ko. Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin.
Napansin niya ata na nakakunot noo lang ako kaya natigil ang ngiti niya at napalitan ng pagtaas ng kilay saka umiling.
'Hay! Hindi ko alam Ella kung innocente ka o slow kalang talaga.' nakakamot ulong sabi niya.
'Ehh! Sa hindi ko na gets ehh! Slow agad hindi ba pwedeng hindi lang na gets? Ang harsh mo talaga saakin Vanvan. ' pout na dipensa ko.
'Wag ka ngang mag ganyan mukha kang pato!' pang-aasar niya kaya binato ko siya ng notebook.
'Hindi ako pato!' sigaw ko pa sakanya..
End of flashback ~~
•••
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko ng maalala ko ang isang masayang alaala namin nuon ni Ivan.
Kaya napangiti nalang ako ng mapait saka pinahid ang mga luha ko.
Kung pwede lang ibalik ang oras at maitama ko pa lahat ng pagkakamali ko.
Gagawin ko...
"Umiiyak ka nanaman ba Carmella?" nagulat ako ng magsalita si David sa gilid ko.
"Ahmm wag mo ng isipin yun. M-may naalala lang ako..." sabi ko at nginitian siya ng pilit. Saka ko binalik sa bintana ulit ang paningin ko at hindi na siya pinansin.
"Andito na tayo." dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sakanya.
"Ahmm thank you David ahh..." nahihiyang sabi ko saka siya nginitian.
BINABASA MO ANG
Tears of The Unwanted Wife
Ficción GeneralIsang kwento tungkol sa isang babae at lalaking nagkaroon ng isang matibay na ugnayan sa isat isa dahil sa isang arrange marriage na ang mismong Lolo ng lalake ang may gawa. Ng dahil sa arrange marriage na ito ay maraming nagbago. Galit at pagkasukl...