THIRD PERSON
Mula sa hindi kalayuan.
Malapit sa malawak river kung saan nasabing tumalon ang babaeng si Carmella.
May tatlong mag-iina ang nagkukulitan sa hindi kalalimang tubig.
Masaya silang nagtatawanan ng mapatigil ang bunsong lalaki at napatanaw sa malayo.
Mas lumapit siya ng lumapit dito.
Kita niya ang isang nakalutaw na katawan.
Ng mapagtanto niya kung ano ito ay agad itong bumalik sa kanyang ina at ate.
"Ma! May patay!" sigaw nito na ikinalingon ng dalawa.
"Huh?" naguguluhang tanong ng ate nito.
Hindi kasi nito alam kung anong patay ang tinutukoy niya.
"Hay! Baka nagtapon nanaman yang mga nakatira diyan sa malapit ng patay na hayop." sabi naman ng kanilang ina.
"Mama! Hindi, tao yun ma hindi hayop!" tarantang sigaw ng batang lalaki na ikinatigil nilang dalawa.
"Diyos ko po! Asaan!" tarantang sigaw ng kanilang ina at agad nilang tinungo ang bangkay na sinasabi ng kanilang bunso.
"Tao nga!" hindi makapaniwalang sabi ng nakatatanda nitong anak.
"Clara kuhanin niyo ni bunsoy iyong nakalutang na tao! Baka sakaling buhay pa!" tarantang sabi ng kanilang ina na agad namang sinunod ng dalawa.
Ng makuha ng magkapatid ang nakalutang na tao ay agad nila itong iniahon mula sa tubig.
"Ohh diyos ko! Kawawa naman itong magandang dalaga na ito!" tarantang sabi ng kanilang ina.
Ng mailapag na nila ito sa grass ay lumapit agad ang kanilang ina para tignan ang pulsuhan nito.
"Ahh! Hindi na siya humihinga! Patay na nga!" tarantang sabi ng babae at nakahawak sa bibig niya at unti unting tumulo ang luha nito.
"Ma! Kawawa naman siya ang ganda pa mandin niya." wala sa sariling sabi ng batang lalaki habang nakatitig sa patay nitong katawan.
"Clara tumawag ka ng pulis kailngan nila itong malaman. Siguro ito na yung babaeng nasa balita kahapon!" tarantang sabi ng ina nila saka ito tunalikod para pigilan ang pag-iyak.
•••
IVAN
Maaga palang ay nandito na kami sa pulisya. Kasama ko sila Shanty at Draven. Ganon din si David pero hindi kami nagpapansinan.
I already hired a private investigator.
Dalawang araw na akong hindi makatulog ng maayos.
Hindi ako mapakali.
"Hindi parin po kami tumitigil sa paghahanap. Pero kahit maghanap kami araw gabi wala parin po kaming nahahanap. Pero wag po kayong mag-alala gagaw-" hindi ko na ito pinatapos at agad kong hinampas ang lamesang nasa harapan nito.
"F*ck that excuses!" agad naman a long hinawakan ni Shanty sa likod.
"Ilang araw na kayong naghahanap! But the result was still question mark!" galit na sigaw ko.
"Tsk! Kala mo naman kung sino ka magalit. Ginagawa lang nila ang trabaho nila Sellivan. Ikaw nga wala kang ibang alam gawin kundi tumunganga, manood at maghintay lang sa meron!" sabat ni David.
Agad ko naman siyang binalingan ng masamang tingin.
"Wag kang magsalita na para bang nakapa dami mong alam Montello. " I said with my emotionless tone.
"Sabagay! Wala ka nga naman palang pake-alam sakanya." sakrastikong sabi nito na mas lalong ikinakulo ng dugo ko.
Agad akong lumapit sakanya saka ko siya kwinelyuhan.
"I said don't talk!" agad naman kaming inawat ni Draven.
Pero ngayon ay hindi na kami nagpa-awat.
"Tama na yan!" sigaw ni Draven ngunit ipinagsawalang bahala lang naming dalawa.
"Sana noon pinaglaban ko nalang siya. Sana noon hindi nalang ako nagparaya!" dahil sa sinabi nuts ay malakas ko siyang sinuntok.
"ANO BA! SABI KO TUMIGIL NA KAYO!" pagkatapos sabihin iyon saamin ni Draven ay pareho niya kaming sinuntok sa mukha.
"Mas lalong walang mangyayari kung pare-paragon tayong magbabangayan!" sabi nito saka kami masamang tinignan.
"Ahmm sir.." tawag pansin ng pulis pero nag-iPad tingin nalang kami ni David at bahagya nalang kaming nakinig sa sasabihin nito.
"May tumawag daw po sa kabilang linya. May nakita nadaw pong bangkay na palutang lutang may kalayuan mula sa Malawak River." dahil sa sinabi ng pulis ay agad akong nag-angat ng tingin.
"WHAT?!/ THE HELL!" sabay naming sabi ni David.
Agad naman kaming nagtinginan at masamang bumaling sa isa't isa bago umiwas ng tingin.
"At ang masama pa dito. Patay na daw ito ng matagpuan.." dahil sa sinabi nito at parang nag echo sa tenga ko ang sinabi niya.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
'Patay na daw ito ng matagpuan..'
'Patay na daw ito ng matagpuan..'
'Patay na daw ito ng matagpuan..'
No it can't be..
CONTINUATION:
Natauhan lang ako ng marinig ko ang sunod sunod na yapak nila paalis.
Agad rin naman akong sumunod sakanila. Kanya sila ng sasakyan kaya kinuha at minaneho ko nalang din ang kotse ko.
Agad kaming nakarating sa malawak river o wide river.
Madami ng taong nagkukumpulan malapit dito. Kaya hindi ko gaano makita kung ano ba talaga ang pinagkukumpulan nila.
Nikita ko ang agad agad na paglapit nila Draven sa nagkukumpulan.
Mabilis namang ipinarada ni David ang kotse niya at agad na bumaba.
Dahan dahan akong lumapit papunta dito. Hindi ko naramdaman ang mga paa ko dahil para akong natuod sa kunatatayuan ko.
Hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko. Kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan.
"CARMELLA!~" rinig kong hagulgol ni David. Para akong nabingi sa narinig ko.
"Carmella please hang on!" rinig ko pang sabi ni David.
Wala sa sarili lang akong nakatitig sa mga taong nagkukumpulan. Mula ng marinig ko ang pangalang Camella ay parang tumigil ang mundo ko.
Maya maya pa ay nakita ko si Shanty na lumabas mula sa kumpulan habang unti unti nitong pinupunas ang kanyang luha.
Sumunod naman dito ay si David na pilit na pinakakalma ni Draven. Inaalo niya ito sa likod.
Mahahalata mo rin ang pag-iyak ni Draven dahil sa pamumula ng mga mata at ilong nito.
Ng tuluyan na nitong natuyo ang luha niya ay agad na napabaling ang tingin nito saakin. Agad nagbago ang timpla nito.
Ang kaninang malungkot ngayon ay galit na galit na ito.
Unti unti itong lumapit habang suot niya ang napaka madilim na awra.
"NAKAPA GAGO MO! DAHIL SAYO NGAYON?! WALA NA SI CARMELLA!" galit na galit nitong sabi saka malakas
na sinuntok ang pagmumukha ko."ANO?! TAPOS NGAYON TITITIGAN MO LANG!" galit na galit niyang sigaw saka ako pina-ulanan ng suntok.
"Tama na!" pag-awat saamin ni Shanty.
"Hindi ba kayo nahihiya pinagtitinginan na kayo ng mga tao!" sabat naman ni Draven.
"At para malaman niyong pareho. Wala tayong karapatan na sisihin ang isa't isa. Because at the first place kasalanan nating lahat naging pabaya tayo at hindi natin inisip ng mabuti ang dapat gawin. Nanatili tayong kampante at wala tayong naging idea na may nasasaktan na pala.."
BINABASA MO ANG
Tears of The Unwanted Wife
General FictionIsang kwento tungkol sa isang babae at lalaking nagkaroon ng isang matibay na ugnayan sa isat isa dahil sa isang arrange marriage na ang mismong Lolo ng lalake ang may gawa. Ng dahil sa arrange marriage na ito ay maraming nagbago. Galit at pagkasukl...