CHAPTER 24: Past #1 (Broken)

1.9K 36 0
                                    

CARMELLA

Hindi ko alam kung kailan.

Hindi ko alam kung papaano. Basta ang alam ko gumising nalang ako isang araw na nagbago na ang lahat.

Nagbago na ang pagtingin ko kay David. Nagbago ang dating pagkakaibigan namin.

"Mahal ko, what are you thinking? Bakit bigla LA nalang natahimik diyan." napangite ako dahil sa sinabi ni David.

Oo, ang dating pagkakaibigan namin ay mas humigit pa sa kaibigan.

Halos tatlong linggo nanligaw Stalin si David. Nung una ayaw ko dahil natatakot ako. But i realized na kung mahal mo hinding hindi ka matatakot na subukan lahat ng bagay na kahit ikasakit mo pa, para lang sa taong mahal no.

Sinagot ko si David at halos mag ta-tatlong lingo palang kami. He is my first boyfriend but my second love.

Ilang araw ko naring iniiwasan si Ivan. Aaminin ko mahal ko pa si Ivan pero mas nasisigurado ko na mas mahal ko na ngayon si David.

"Ahmm ano wala yun, mahal ko." sabi ko dito.

Parang bata naman itong ngumite na ikinatawa ko.

"Pa hug, isa lang.." pagpapa cute niya saka kinuha ang likod ng kamay ko para halikan.

"Ehh paano kung ayoko?" natatawang sagot ko sakanya na sinabayan ko pa ng pagtaas ng kilay.

Bigla naman siyang napasimangot.

"Okay lang, ang empotante mahal ako ng mahal ko." paglalambing niya saka muling hinalik halikan ang kamay ko.

Napatawa naman ako dahil sa mga ina-Asia niya.

"Ano ba ang meron diyan sa kamay ko at lagi mo nalang hinahalik halikan?" natatawang tanong ko. Agad naman siyang napatigil at lumingon saakin.

Three days kasi pagkatapos ko siyang sinagot, lagi nalang niyang hinahalik halikan ang mga kamay ko.

"Ayaw mo ba? Mabaho ba ang laway ko na naididikit sa mga kamay mo?"  agad naman akong napailing.

"Hindi naman sa ganon. Nag tataka lang talaga ako." mahinahon na sabi ko na ikinangite niya.

Sa totoo nga mas gusto kong ginagawa niya yun. Hindi naman kasi mabaho ang laway niya.

Wala sa sarili nga akong inaamoy amoy ang kamay ko sa tuwing naaalala ko ang paghalik halik niya dito. Sa totoo lang amoy menthol nga ang hininga niya. Kaya nga minsan nahihiya ako.

Ano kayang amoy ng saakin?  Hays! Sana lang talaga hindi masama.

"Alam mo may dahilan kung bakit ginagawa ko ito. Napaka importanteng dahilan na alam kong mas ikaka-inlove mo saakin." napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Aba! Ano ba yang dahilan na yan? Bakit parang ang confident mo ata?" napakamot naman siya sa ulo niya.

"Kasi kaya ko hinahalikan ang kamay mo dahil ang bango, ang kinis, at ang lambot." dahil sa sinabi niya ay napa-arko ang kilay ko.

"Yun lang, tapos napaka confident mo pang magsabi. Hindi naman ako natuwa." kunwaring naiinis na sabi ko.

"Sa totoo lang hindi talaga yun ang tunay na dahilan." sabi niya saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Ehh ano?"

"I respect you so much Carmella. I want to kiss you, yes. But i want you to be the one to do that, because if i will be the one who will do that it shows rudeness. So it's better to kiss your hands than to disrespect you by kissing your lips without any permission" dahil sa sinabi niya ay parang may kung anong humaplos sa puso ko.

 Tears of The Unwanted Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon