Chapter Fourteen

16 1 0
                                    

Read at your own risk. Medyo SPG.

"Sorry naaaaa, sorry naaa..."

Kantang bungad na narinig ko pagkabukas ko ng gate. Binuksan ko muna 'yon para makalabas ang kotse pero hindi pa ako nakakabalik sa kotse ko ay narinig ko na agad 'yon. I'm sure it's Bon! Agad akong lumabas at tama nga ako. Bon was there, standing right next to his car while holding a guitar. Gusto kong umiyak sa inis dahil niloko niya akong naaksidente siya. Gosh! I was concerned!

"Sorry na talaga... kung ako'y medyo tanga." Kanta pa niya kaya natawa ako imbis na mainis sakanya. Omg, this man! Kahit kelan nakakainis siya.

Tumawa din siya at lumapit sa 'kin. "Iyak ka muna," Pang-aasar pa niya na may kasamang ngisi. Agad kong pinalo ang braso niya at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi nakakatuwa! You don't know how anxious I am! Nakakainis ka," He laughed and strum the guitar and sang a tone that beyond my idea about songs. Ni wala sa tono 'yon dahil gumagawa lang siya ng tono! Gosh.

"Sorry naa..." Nagtakip ako ng tenga kaya natawa siya ulit. "Joke lang, wait."

He went in his car and took something from it. Inilagay na din niya ang gitara niya bago saraduhan yung pinto. Nagulat na lang ako nang may hawak na siyang bouquet ng bulaklak. It was tulips.

My forehead creased. "Anong meron?" He pouted.

"Hindi mo din naalala," Lalong kumunot ang noo ko. "Ang alin?" He pouted more. Iniabot niya sa 'kin yung bulaklak na tinanggap ko naman agad.

"Happy 5th monthsary. Sana next time hindi na natin makalimutan," My eyes widened. Kukunin ko sana ang phone sa bulsa ko kaso naalala kong naiwan ko nga pala sa kakamadali. Natawa naman siya at iniabot ang phone niya. Gosh! 7 pala ngayon?! Today's March 7! Exactly five months since the date started. Sinama na namin sa bilang yung 3 months because it was also the start of our relationship eventhough it's not real before.

"Sorry, naalala ko lang din kanina. Nakakainis," Reklamo niya. I pouted. "Sorry, busy kasi e." He smiled. "Its okay, next time'wag na natin icelebrate every month. Yearly na lang pareho tayong makakalimutin e,"

I laughed. Hindi ko napigilang titigan siya. He never failed me always. Simpleng effort niya pinapasaya niya ako. And I think...

"I love you," I finally told him. His eyes widened and blinked multiples times. "Ha?!" Gulat na tanong niya, nanlalaki ang mata. I looked away and acted like I didn't told anything.

"Uhmm... thank you for this," I said and pointed the flowers. Inamoy ko pa 'yon at nginitian siya. Gosh, it's so awkward! Parang gusto ko biglang tumakbo pabalik sa bahay at magtalukbong ng kumot.

"Wait wait, Engineer. Nagkakalokohan tayo dito, ano muna sinabi mo." Sabi niya at nagpamewang. Inilagay din niya ang kamay niya sa bibig niya, hindi makapaniwala.

I was about to turn around when he grabbed my arm. "Chescka,"

"H-mmm?" Kinakabahang tanong ko. He looked at me intently. "You what?" Inis ko siyang tiningnan. Argh! Ang awkward na, tatanungin pa niya ulit. Huhu.

"Sinabi ko na hindi ko na uulitin, Bonifacio. Gabi na so umuwi ka na at babalik na a--" He cut me off.

"I love you," He replied.

I was about to say something when he grabbed my waist and to my surprised, he kissed me in the lips for the second time. It was soft and gentle. When he let me go, agad siyang ngumiti at hinalikan ang noo ko.

"I love you, Ches. Happy monthsary."

Weeks had passed and things were good. I also finished the construction in Bulacan successfully. I had the chance to rest for a while until the start of the construction of Dmngz Co. building. While Bon and I, were still good. We had nothing to do but enjoy. Wala na akong masasabi kay Bonifacio. He's actually the man of my dreams kung sa totoo lang. I never expected I'll find a man like him. Because the dare I was expecting to end, continues. And I must say, it's amazing.

Probably, A Trip Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon