SINO BA SILA?PART 30

1.6K 69 31
                                    

Nabalitaan ko nga na natapos na ang session na ginawa kay Deanna at malaki din daw ang pinagbago nya sabi ng mommy nya naging katextmate ko kasi ang mommy nya simula ng malaman nya na sinasaktan pala ako ng anak nya..kinakausap na ang mga kapatid nya at masayahin na daw nagtataka lang daw sya bakit hindi na daw ako nababanggit ni Deanna pag tinatanung daw sya  kung dumalaw na sya akin lagi nya daw sinsabi na hindi pa..ang akala nila kumukuha lang sya tyempo para puntahan ako

Minsan pauwi ako ng dumaan ako sa bahay nila ni Deanna nakita ko ang sasakyan nya nakparada sa harap ng gate nila parang kakarating lang nakita ko na lang bumaba si Deanna at my bumaba din na matangkad na babae at maganda nagulat na lang ako humawak sya sa beywang ng babae papasok sa gate nila( my iba na ba sya kaya hindi nya na ako pinuntahan..hindi naman kami naghiwalay nangako ako na antayin ko sya..bakit mahal na mahal kita umasa ako na babalikan mo ako my kapalit na ba ako sa puso mo)

Lumipas ang mga araw walang Deanna na nagpapakita sa akin,hanggang isang araw habang nag aabang ako ng sasakyan papasok sa office nakasabay ko ang isang kaibigan ni Deanna si Kim

Kim:
Jema kumusta ka na?

Ako:
ito maganda pa din..ikaw musta na tagal ko na kayo hindi nakikita pati ang kaibigan nyo

Kim:
oo nga my mga responsibilidad na tayo klangan magtrabahu ako kasi nag papaaral sa isang kapatid ko..oo nga sayang kayo ni Deanna naghiwalay din kayo akla namin hanggang dulo na kayo..pero in fairness ha kasing ganda mo din ang bago nya may lahing hapon yata ang bago nya ngayon(nagulat man ako hindi ako nagpapahalata pero parang sinasaksak ang puso ko habang nagsasalita si Kim hindi ako inform na nagbreak na pala kami ang alam ko lang antayin ko sya hanggang aa gumaling sya)ikaw Jema my bago ka na din ba?

Ako:
wala single pa priority ko muna pamilya ko saka na yan dadating at dadating yan ng hindi mo inaasahan(gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko ayaw ko na makarinig ang sakit sa puso)
sige Kim andyan na ang jeep sakay na ako ingat ka

Pagdating sa office para akong lutang dahil sa mga narinig ko kay Kim the end na ba talaga ng relasyon namin ni Deanna sana kinausap nya na lang ako na wala na akong hihintayin at least prepared ako umasa pa kasi ako na meron pang kami pag naayos nya na ang sarili nya..nahalata ni Ced ang pananamlay ko

Ced:
friend masama ba pakiramdam mo,bat matamlay ka?(bigla ako umiyak ) anu nangyari Friend bakit..undertime tayo gusto mo ng kausap..pag usapan natin yan Friend(biglang pumasok si Sir Ricci naabutan nya hinahagod ni Ced ang likod ko habang umiiyak)

Sir Ricci:
bakit anu nangyari Jema?

Ced:
sir pwede ba kami mg undertime ni Jema ihahatid ko lang sya sa kanila masama pakiramdam nya

Sir Ricci:
ganun ba..yong mga report na kailangan masubmit natapos na ba..if natapos nyo na sige para makapgpahinga na din Jema..kung wala lang sana akong meeting sa head office pwede ko sana kayong ihatid

Ced:
ok lang sir magggrab na lang kami ni Jema..thank you sir

Sir Ricci:
no problem kung para kay Jema..pag ok na pakiramdam mo bukas at makakapasok ka Jem usap tayo

Ako:
opo sir..thank you

Nag undertime kami ni Ced sabi nya sa bahay
na lang daw nila kami mag uusap..
sinabi ko lahat ng mga nangyayari sa amin ni Deanna ngyon lang kasi kami ngkausap ng matagal dahil naging pareho kaming busy sa trabahu kung magkasama man kami pagbreaktime lang hindi naman namin napag usapan ang tungkol sa lovelife ko ang alam nya going strong pa din kami ni Deanna..pati ang pananakit sa akin kinuwento ko din

Ced:
grabe pala si Deanna friend parang anghel ang panlabas na anyo pero pg nagagalit nagiging beast pala sya...anu ang planu mo friend kakausapin mo ba sya para my closure na kayo..friend my pag asa na si sir Ricci syo nag aantay lang na maging single ka..narinig mo kanina usap daw kayo..naku  friend bigyan mo na ng chance si sir Ricci pakita mo kay Deanna na kung kaya ka nya palitan kaya mo din maghanap ng kapalit nya..aba guapo naman si sir Ricci at mayaman din

Ako:
ayaw ko muna isipin yan friend kotang kota na ako sa sakit pgdating sa pag ibig
  

SINO BA SILA???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon