SINO BA SILA?Part5

2K 70 2
                                    

Nakapasa na din ako sa board...isa na akong CPA...dami din nag company nag eemail sa akin para mag alok ng trabahu sa kanila...tuwang tuwa ang tita ko hindi daw nasayang ang pag papaaral nya sa akin mis ko na din family ko sa probinsiya mula kasi ng umalis ako para mag aral dto sa maynila hindi na ako nakakauwi...kaya ng offer ang tita ko na kung dito daw ako magdecide magtrabahu sa manila at gusto nya din dito ako kasi nasanay na sya na magkasama kami dahil bukod wala syang anak na babae tinuring nya din akong anak..kaya ng offer sya na kung gusto ko daw muna magbakasyon sa probinsya bago ako mag umpisa magtrabahu hindi na ako tumanggi...bago ako umuwi sinabi ng tita ko na mamimili daw ako ng mga pasalubong ko sa divisoria para daw madami ako mabibili dahil maraming mura syempre tatanggi pa ba ako...kaya binigyan nya ako ng pera para pambili ko at pinapasama pa sa akin si manang para dw may kasama ako magbitbit hindi na din kasi pwede ang tita ko dahil bukod sa senior na hindi nya din kaya ang lakad ng lakad..kung marunong nga lang daw sana ako magdrive pwede ko daw gamitin ang kotse nya...pero tumanggi ako na samahan ako ni manang sabi ko, kaya ko na hindi na din namilit ang tita ko

Paglabas ko ng gate nakita ko si deanna nakatayo sa harap ng tindahan na pinagtambayan nila ng barkada nya(himala mag isa lang sya hindi kasama ang barkada nya kasing astig nya sabi ng isip ko)

Deanna:jema..san punta mo?
Ako:punta ako divisoria mamimili ng pasalubong ko sa pamilya ko uuwi kasi ako ng probinsya(derecho sabi ko mamaya tanungin pa ako kung anu gagawin ko sa divisoria)
Deanna:talaga divisoria ang punta mo(bat parang ayaw pa maniwala)
Ako:oo sige una na ako baka matraffic pa ako
Deanna:samahan kita alam ko pasikot sikot sa divisoria my pwesto kami don(bakit tinatanung ko ba)
Ako:wag na ok lang ako nakailang balik na din ako don kaya alam ko na din mga bilihan ng mga gusto ko ipasalubong baka mainip ka lang matagal akong mamili
Deanna: ok lang sige na para hindi ka mahirapan magbitbit magdadala ako ng sasakyan
Ako:wag na deanna nakakahiya baka makakaabala pa ako syo at baka hanapin ka din sa inyo
Deanna:sige na jema samahan na kita wag ka mag alala wala sila pakialam sa akin hindi nila ako hahanapin at saka wla ang parents ko dyan busy magpayaman hindi nila ako iniintindi(parang naawa naman ako parang pakiramdam ko ang daming hinanakit nakatago sa puso nya habang nagsasalita kaya pumayag na din ako sayang din pamasahe at baka mabigat din yong mga dala ko pag nakapamili na ako)
Deanna:yehey thank you jema ha..sige ilalabas ko lang ang sasakyan wait mo ko ha wag mo ko iwan iiyak ako(oh abnormal parang natuwa naman ako sa naging geature nya na parang bata takot iwan ng magulang)

Habang nasa byahe kami ang daldal ni deanna parang hindi naubusan ng kwento lalo na pagtraffic kaya hindi din nakkainip kasi nalilibang ako sa mga kwento tapos bigla na lang nagseryoso at tinanung ako..

Deanna:jema anu ba first impression mo sa akin bad girl ba ako?(derecho ko din sya sinagot)
Ako:oo..tapos pinagttripan nyo pa akong magkabarkada
Deanna:pasensya ka na ha nagpapansin lang kasi kami..tambayan talaga namin yng tindahan sa harap nyo kahit hindi ka pa don nakatira..nakita ka pa ng isang barkada ko na si kim yong kumausap syo minsan sya ang nagsabi sa akin na my bago daw katulong si aling norma yong tita mo(gulat ako sa ganda kong to mukha ba akong katulong..yabang no ilonggo kasi hehehe) kaya sinabi namin na pag nakita namin pagttripan namin hindi naman sinabi ni kim na maganda ang napagkamalan nyang katulong siraulo si kim kami pala ang napagtripan nya(sabay tawa pa sya)
Ako:grabe kayo napagkamalan nyo pa akong katulong..pero ok lang yan wala naman masama ang maging isang katulong marangal  naman na trabahu yan
Deanna:oo naman kaya lang nagulat kami nung nagdidilig ka ng makita ka namin ang ganda mo kaya nagpapansin na kami lalo..kaya lang sinusupladahan mo kami pasensya ka na ha kung pakiramdam mo binabastos ka namin nagpapansin lang talaga kami
Ako:oo nga eh minsan tuloy ayaw ko na lumabas pag andyan kayo sa harap ng tindahan tapos ang astig pa ng mga dating nyo

Nawili kami sa kwentuhan habang nagmamaneho sya hindi ko namalayan nsa divisoria na pala kami..sinabihan nya na lang ako na mauna ng bumabakasi aayusin nya lang ang parking mukhang sanay nga sya dito kasi alam nya kung san magpapark na hindi na kailangan pumunta sa parking lot at kilala pa sya ng mga sumesenyas habang nagppark sya

SINO BA SILA???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon