SINO BA SILA?PART 40

1.9K 82 5
                                    

Pinag usapan na ng pamilya ni Deanna ang pagsama nya sa province namin sila na daw bahala sa ticket at pasalubong ko sa pamilya ko pero tumanggi ako

Mrs.Wong:
Pls.Jema leave it to us pera lang yan madaling kitain basta masipag ka lang kahit ito lang magagawa namin syo ang laki ng pinagbago ni Deanna dahil syo kaya wag ka ng tumanggi..i tell Jia na ibook na kayo ng flight as soon as posible gusto na ng Tito dean mo na makasal na kayo Ly also looking  for a country that legalized same sex marriage..but we have to give respect first  to your family basta kong anu man ang napag usapan nyo ng family mo just let us know
para makasunod na din kami para ma meet na din namin ang family mo

Touch down BACOLOD CITY MY HOME TOWN..

Hindi na kami ng pasundo sa airport kasi sabi ng Tita ko my nakuha na daw syang Van na magsusundo sa amin at maggamit namin habang andito kami nag insist din si Deanna na sya  magbabayad hindi naman na tumanggi ang Tita  ko katwiran nya barya lang naman daw sa mga Wong  yan..

Ako:
baby maliit lang ang bahay namin ordinaryong pamilya lang kami pero medyo napaayos na din namin kasi 3 na kaming magkakapatid ang nagttrabahu

Deanna:
anu ka ba baby alam ko na yon nakuwento mo na akin yan..kinakabahan ako baby matanggap kaya ako ng pamilya mo panu kung ayaw nila sa akin panu kung ayaw ka na pabalikin sa manila kasi paghihiwalayin na tayo(tinakpan ko na ang bibig nya para tumahimik kasi pati ako kinakabahan din kung anu magiging reaction ng family ko)

Ako:
tahimik na baby wag na muna natin isipin yan tanggap tayo ng Tita ko ganun din ang parents ko basta ipaglalaban kita

Sa labas pa lang dinig na ang sigawan ng mga kapatid ko ang lalaki na nila lalo na ang bunso namin elementary lang nung umalis ako ngyon senior high na muntik na akong matumba nung sabay sabay sila yumakap sa akin ganun din sa Tita ko, nasa likod ko lang si Deanna

Pagkatapos kong yakapin ang parents ko pumasok na kami sa loob ng bahay

Mama:
sino ang kasama mo Jessica?

Ako:
Ma si Deanna po girlfriend ko

Mga kapatid ko:
Anuuuuuu?

Ako:
sabay sabay pa talaga?ah baby mga kapatid ko pala si mafe sunod sa akin si carly pangatlo si Justine at si  Shaun bunso

Mafe:
baby talaga ate arte(sabay tawa  pati mga kapatid ko tumawa na din)

Ako:
gusto nyo tapon ko na lang pasalubong nyo(habang nag bibiruan kaming magkapatid nanahimik ang mama at papa ko)

Mafe:
sabi ko nga ate cute ang tawagan nyong baby ang ganda mo talaga ate

Papa:
tama na muna yan kain muna tayo mamaya tayo mag uusap Jessica..anu nga pala ang pangalan nya ulit jessica

Ako:
Deanna po Pa

papa:
Deanna baka mahirapan ka dito kasi sa itsura mo pa lang alam ko mayaman ka wala kaming aircon matigas ang tulugan namin at ang tubig namin dito iniigib sa poso alam mo ba yon binobomba muna saka lalabas ang tubig

Deanna:
ok lang po wala po problema willing naman po ako matuto para kay Jema

Papa:
sige na kain muna tayo saka na tayo mag usap mamaya

Galit galit muna kami tamang tama lunch time na rin ng dumating kami..tahimik lang kaming kumakain pero si Deanna hindi pa yata sumusubo

Ako:
baby bakit hindi ka pa kumakain(pabulong lang sa kanya)

Deanna:
baby sori hindi ako kumakain ng gulay at saka hindi ako marunong magbukas ng crab sori baby..turuan mo na lang ako nakakahiya sa pamilya mo
(kinuha ko na lang ang crab at binuksan hinimay himay ko para makakain na sya..halos lahat ng mata nakatingin sa amin ang Tita ko naman nakangiti lang)

Natapos na din kaming kumain kami sana ni Deanna ang nag volunteer maghugas ng pinggan kaya lang sabi ni Mama bahala na daw mga kapatid ko sinabi nya na lang na kailangan na namin mag usap usap bago kami magpapahinga ang Tita ko naman
mg chechek in sa hotel hindi na kasi pwede ang Tita ko sa hindi aircon  inaatake sya ng asthma sa mainit na lugar..hindi ko alam dito kay Deanna kung makakatulog sya na walang aircon sa bahay kasi nila centralized ang aircon

Mama:
anu nangyari syo Jessica bakit kapwa babae mo babae ang nagustuhan mo tomboy ka ba kasi alam ko hindi ka din nagkaboyfriend nung andito ka pa kahit madaming nanliligaw syo yong kababata mong si Bong hanggang ngayon umaasa pa din panay nga pangangamusta syo tinatanung kung kilan ka daw uuwi engineer na ngyon yan..

Ako:
Hindi naman ako tomboy Mama kasi ngkaron ako ng boyfriend sa unang trabahu ko..siguro tinamaan lang talaga ako kay Deanna kasi mabait naman sya(syempre hindi ko na ikkuwento na nakaranas ako ng pananakit my rason naman kung bakit nya nagawa yon sana lang hindi na ikukuwento ng Tita  ko)mahal ko Deanna Ma sana maintindihan nyo ako ilang beses na din napatunayan ni Deanna kung ganu nya din ako kamahal pati po parents nya minahal din nila ako

Mama:
malaki na ang nagawa mo sa pamilya natin napatapos mo na yong 2 kapatid mo kaya kung san ka masaya at hindi ka sasaktan bilang magulang syempre andito lang kami nakasuporta sa inyo nasa tamang edad ka na alam mo na ang ginagawa mo pero sa pinasok mo na ganyang klaseng relasyon talagang maraming huhusga sa inyo palagay ko nararanasan nyo yan ilan taon na ba kayong magkarelasyon

Ako:
2 years na po marami na din po kaming pagsubok na pinagdaanan pero nalampasan na po namin nagkahiwalay na po kami pero nagkabalikan don ko po napatunayan na talagang mahal ko po si Deanna at ganun din po sya sa akin..tama ka Mama na maraming tao ang talagang huhusgahan kami pero nung una talagang super apektado ako pero sa katagalan balewala na sa amin

Mama:
kunsabagay sino ba sila sa buhay nyo para intindihin ang panghuhusga nila hayaan nyo silang mamaga ang mga bibig nila sa kahuhusga sa inyo..mamaya kayo naman ng Papa po mag usap kailangan andyan si Deanna..asan na nga ba yon

Ako:
andon kina Mafe kausap nila,Ma san nga pala kami matutulog 3 lang kawarto natin

Mama:
yong 2 lalaki dito na lang sa sala maglalatag si Mafe at Carly  magsama na lang sa isang kwarto don kayo matutulog sa isa...sana mabuntis ka na para magkaapo na kami(lakas ng tawa ng Mama ko habang sinasabi nya...salamat naman at tanggap kami kaya mahal na mahal ko sila)

Pagkatapos maghapunan sinabihan kami ni Papa mag uusap kaming 3 si Mama kasi gusto na matulog maaga kasi sya nagbubukas ng tindahan

Papa:
Deanna umiinom ka ba?

Deanna:
Dati po nung hindi pa kami ni Jema pero ngayon hindi na po bihira na lang kung my okasyon lang sa bahay namin

Papa:
ako gusto ko man tumagay ngyon hindi pwede my duty pa ako bukas siguro naman nakwento na syo ni Jema kung anung buhay meron kami medyo nkakaraos lang kami ngyon sa tulong din ni Jema tulong tulong kami napatapos ang 2 sunod sa kanya na babae..hindi na ako magpaligoy ligoy pa nabigla lang ako aa relasyon nyo pero sa nakikita ko na masaya naman si Jema wla na akong magagawa dyan kundi suportahan kayo nasa tamang edad na si Jema matagal na din na puro kami ang priority nya siguro oras na pakawalan na din namin sya para sarili nya naman ang intindihin nya hinihingi ko lang sana wag mo syang sasaktan at kaya nyo lampasan ang mga mapanghusgang mata siguro napaghandaan nyo na din yan basta kung san kayo masaya  suportahan ko na lang kayo..sige bukas ulit tayo magkwentuhan my duty pa ako maaga..

Ako:
salamat Pa mahal na mahal ko kayo sige po goodnight( sabay yakap ko kay Papa ganun din si Deanna)


SINO BA SILA???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon