SINO BA SILA?PART 42

1.8K 68 9
                                    

Napag usapan na nga ng mga magulang namin ang tungkol sa kasal at napagkasunduan na sa Taiwan kami magpapakasal ni Deanna sya na din daw bahala sa mga tickets ng pamilya ko dahil sinabi ng pamilya ko na wala kaming kakayahan gastusan ang pag punta sa Taiwan kung buong pamilya ko ang isasama..nangako naman ang parents ni Deanna na wla kaming alalahanin sa venue at tutuluyan naming hotel sa Taiwan..at don na din gagawin ang IVF process pagkatapos ng kasal..

Ako naman ang sumagot ng pagprocess ng passport at pocket money ng pamilya ko..Sobrang excited din ng pamilya ko kasi first time na makapagbakasyon sila sa ibang bansa pa pinasama na din ni Deanna ang 2 kaibigan ko na kakuntsaba nya nung ngpropose sya sa akin..

Napag kasundo na din namin na simpleng kasalan na lang namimilit pa ang parents nya na minsan lang ikakasal dapat bonggahan na pero kami mismo ni Deanna ang nagsabi na isang civil wedding na lang wala pa masyadong intourage..

Pagkatapos ng kasal 3 araw lang nagtagal ang kanya kanya naming pamilya at umuwi na din sila sa pilipinas..

Naiwan kami ni Deanna dahil kailangan pa namin dumaan sa proseso para magkaron ng anak

Naging sucessfull naman ang 1st try at 1 month pregnant na ako at nagdecide na kaming umuwi ng pilipinas

Dito muna kami mag stay sa bahay nila ni Deanna habang hindi pa tapos ang bahay na pinagawa ng parents nya bilang regalo sa amin..

Nasa 6 mos na ang tyan ko madalas na ginagabi si Deanna pagtinatanung ko naman sya madami lang daw syang inaayos na papeles sa mga grocery store kung san sila nagssupply sa kanya na kasi pinamanage yong gawaan nila ng processed food..

Madalas na ang pag aaway namin dahil nga din sa nahihirapan na ako sa tyan ko at minsan mas gusto ko sya nag aasikaso sa akin kaysa yaya..pero nahiya ako magdemand dahil bukod sa alam ko na sya ang nagttrabahu nakikitira pa kami sa magulang nya pero minsan napupuno din ako dahil alam nya na buntis ako hindi man lang sya nag eeffort na umuwi ng maaga,madalas si Waller na lang ang kausap ko dahil lahat sila wala maghapon mga katulong lang ang kasama ko..

Umuwi si Deanna na madaling araw na lasing,nagising na lang ako dahil umalog ang kama ng humiga sya amoy na amoy ang alak kahit hirap ako pinilit ko pa ding bumangon para punasan at bihisan dahil galing lang sa lampshade ang liwanag nagpailaw ako para maayos ang pagbihis ko sa kanya,nakita ko my kissmark sya sa leeg at bandang dibdib,sobrang sakit ang nararamdaman ko pagkatapos ko syang bihisan pumasok ako sa banyo at don ko binuhos lahat ng luha ko..andaming pumapasok sa utak ko..
mali ba na nagpakasal ako sa kanya mali ba na sya ang ginusto ko maging asawa mali ba na ito ang pinili kong buhay o mali ba na sya ang minahal ko..

Kinabukasan ginawa ko pa din ang obligasyon ko bilang asawa inasikaso ko pa din sya gusto ko syang awayin pero hindi ko magawa..

Pag alis nya nagkulong na lang ako sa kwarto wala akong ginawa kundi umiyak takot akong awayin sya kasi baka hihiwalayan nya ako kasi nasa isip ko my babae sya o baka sawa na sya sa akin panu kung ang babae nya ang pipiliin..nakatulog na lang ako sa kakaiyak nagising na lang ako ng kumatok si Waller gustong pumasok sa kwarto,pag pasok ni Waller nakita nya siguro namamaga ang mata ko

Waller:
Mommy Jema did you cry?

Ako:
no,nakatulog lang siguro ako ng matagal

Waller:
are you sure?

Para hindi na humaba ang usapan dahil dumudugo din ang ilong sa kakasagot sa kanya ayaw ko ng mangulit sya kaya niyaya ko na syang gawan ko sya ng meryenda..

Pag uwi ni Deanna nung gabi nasa tamang oras ang uwi nya ngayon habang nkahiga na kami sinabi ko sa kanya ang tungkol sa nakita ko malumanay ang pagkasabi ko sa kanya pero bigla sya tumayo..

Deanna:
Wala yon nag inuman kasi kami kasama mga manager ng store naglaro lang kami ng truth or dare nung natapat sa akin ang bote  dare ang sagot ko ang dare na magpahalik ako sa isang manager na babae dahil ayaw ko naman na maging kj sinunod ko hindi ko naman alam na nagmarka pala

Ako:
yon lang sure ka?

Deanna:
anung gusto mo palabasin?

Ako:
Wala sige na matulog na tayo sorry..

Nahiga sya na naktalikod pa sa akin..iniyak ko na lang na walang boses ang ...may naisip akong gagawin na pagsisihan mo halos anim na bwan akong nagtiis isang beses mo lang akong sinamahan sa check up ko ginusto natin pareho na magkaanak bakit ngyon parang pinababayaan mo na ako..Kinabukasan pag alis ni Deanna nakita ko si Mommy Judin

Ako:
Mommy pasyal muna ako sa Tita ko mamaya

Mommy Judin:
sige iha para exercise din yan 3mos na lang lalabas na ang apo ko napa ultrasound nyo ba yan?

Ako:
Hindi pa po pg 7mos na lang sbi Deanna

Mommy Judin:
Napansin ko iha  Deanna always going home late at night hindi nya ba naisip na buntis ka..I will talk to her pls.let me know pag dating nya mamaya

Ako:
yan nga din po ang pinagtataka ko pag sinabihan ko naman nagagalit wag na daw dumagdag sa pagod nya kaya hindi na lang ako kumibo ayaw ko mastress naalala ko anak namin

Mommy Judin:
that's correct iha  bawal syo mastress baka mapanu ang apo ko..let me and your Daddy handle this we will talk to Deanna later..ok bye i may go now..

Pag alis ni Mommy Judin pumunta ako sa Tita ko sa kanya ko binuhos lahat ng sama ng loob ko kay Deanna nag alala naman sya ng iyak ako ng iyak

Tita:
anu ang planu mo..bakit naman ganun akala ko nagbago na sya

Ako:
Nagbago naman na sya hindi nya naman ako inaaway kaya lang parang wala na syang pagmamahal sa akin

Tita:
baka naman dala lang pagbubuntis mo kaya ka nagseself pity..ganito na lang iha kung ok syo..anu kaya umalis ka na lang muna sa bahay nila dito ka na lang muna sa akin tutal malapit lang naman ang bahay nila in case na manganganak ka na tatawagin na lang natin sila andito naman si flora sya na lang muna mg aasikaso syo paalam ka ky Deanna kung papayag sya kailangan pa din kasi natin ipaalam dahil sya ang asawa mo  kung hindi sya papayag wala tayong magagawa hanggat hindi ka naman sinasaktan o inaaway basta andito lang ako tumatayong magulang mo..

Kinagabihan sinabi ko kay Deanna pinag usapan namin ng Tita ko at hindi sya pumayag..nagalit pa sa akin dahil nagsumbong pa daw ako sa Mommy nya kaya pinagalitan daw sya hindi na lang ako kumibo ayaw ko sabayan ang inis nya..

Ako:
Baby my check up pala ako bukas pwede mo ba akong samahan?

Deanna:
Naku baby my meeting ako bukas sa mga staff ko pasama ka na lang ky laura wala naman maghapon si Waller nasa school naman kaya pwede sya sumama syo andyan naman ang driver para ihatid kayo

Ako:
sige baby

Habang tulog na si Deanna nag scroll mo muna ako sa social media hinanap ko pangalan ni kyla ang dating best friend ko sa shipping company nakita ko nga tamang tama online ng mesage ako na kung pwede magkita kami bukas after ko mag pacheck up omokey naman sya..

Kinabukasan nagpahatid ako sa driver sa ospital kung san ako magpapacheck up hindi ko na pinasama ang yaya ni Waller..pagkahatid sa akin pinauwi ko na din ang driver sabi ko magttaxi na lang ako..

Habang inaanty ko sa starbucks si Kyla nag open muna ako ng fb ko my nakita akong picture nakatag ky Deanna..nasa loob sila ng bar kasi medyo madilim ang pagkakuha at nakaakbay si Deanna sa isang babae malabo ang itsura kasi parang naktagilid ang babae habang nakaakbay si Deanna

SINO BA SILA???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon