Ced:
bakit kaya may mga babaeng konting kalabit lang titihaya agad kahit alam naman nila sinaktan pisikal pinagpalit pa pero kinalabit lang bumigay agad anu yon nangangati na kailangan na magpakamot(tumawa pa ng malakas pati mga kasamahan namin na kausap nya nakikitawa din..hindi ko alam kung nakwento nya na din sa mga kasama namin na madalas nya na ngyon kausap ang tungkol sa amin ni Deanna nagsisi tuloy ako kung bakit ko kinuwento ang tungkol sa personal ko akala ko kasi totoo syang kaibigan)Nagmadali akong kumain parang hindi ko na nalalasahan ang kinakain ko gusto ng tumulo ang nagbabadyang luha ko,matapos kong ligpitin ang lunchbox ko pumunta ako sa sink para maghugas at hindi pa pala natapos si Ced
Ced:
masakit marinig ang katotohanan pero ayaw mo harapin kasi mas mahirap ang walang tagakamot sa kati(nagtawanan ulit sila yng ibang kasama ko parang nagccheer pa para lalong kumbinsihin si Ced sa pag paparinig sa akin)Tumalikod na lang ako para magcr saka ko hinayaan tumulo ang luha ko ng maubos na ang luha ko ng retouch ako ng konti para hindi mahalata na umiyak ako saka ako bumalik sa table ko
Hindi pa talaga tapos si Ced pakiramdam ko parang hindi sya professional sa inaasta nya..tinawag pa ang isang kasama namin..
Ced:
Jia pwede tayo palit ng pwesto para medyo malayo sa higad baka mangati din ako pag nadikitan(magkalapit kasi kami ng table at yong isang kasama namin na si Jia malapit sa pinto ng office..deadma lang ako gustong gusto ko na syang patulan pero katwiran ko hanggat hindi nya binabanggit ang pangalan ko magsawa sya at iniisip ko pa din nakakahiya pag pinatulan ko sya baka sabihin pa ng mga boss namin na parang wala kaming pinag aralan)Araw araw na ganun ang tratu sa akin ni Ced pero gaya ng dati wala naman syang binabanggit na pangalan parang nasanay na din ako..hanggang parinig lang naman sya about sa paglipat nya ng table hindi din sya pinayagan ng management sya ang gumagawa ng problema nya magtiis sya dahil ako katabi nya..
Nakakasama lang ng loob dahil ang akala ko na kakampi ko at nakakaintindi sa pinagdaanan ko at higit sa lahat pareho kaming ng karelasyon ay ang una pa manlait at magjudge sa akin nagmahal lang ako naakusahan na akong makati at malandi..
Niyaya ako ni Deanna na mgdinner kami nung sinundo nya ako sa office ibang business na kasi ang minamanage nya hindi na dito sa mall...dito nya ako dinala sa restaurant na pag aari nila pang 2nd na punta ko na dito yong 1st yong kinausap ako ng mommy nya..
Parang sa function hall ng restaurant kami pumasok malawak parang pinaghandaan ni Deanna kasi nakita ko my isang table na nkaready na my wine at my pacandlelight pa first time nadate nya ako na ganitong eksena hindi kasi kami mahilig sa mga ganitong romantic date simpleng kain lang sa type namin restaurant..
Habang kumakain kami nakuwento ko sa kanya ang tungkol sa pagpaparinig sa akin ni Ced pareho lang kami ng sinasabi hanggat hindi binabanggit ang pangalan ko daw wag daw akong kumibo magsasawa din daw yon...malaki na nga ang pinagbago ni Deanna mahinahon na hindi gaya ng dati na konting maya marinig o makita na hindi nya magustuhan nagwawala agad..
Ako:
baby nalulungkot lang ako kasi sya ang pinakaclose ko nammis ko na din yong mga banat nyang joke sa akin...bakit ganun ang akala ko na unang sumaya dahil ok na ako bakit sya pa ang unang magjuge sa akin?(maluha luha ako habang nagkkuwento.. tumayo naman si Deanna para yakapin ako)Deanna:
Hayaan mo na baby hanggat wala tayong tinatapakang tao at nagkakaintindihan tayong 2 pabayaan natin sila kung san sila masaya basta tayo ok...sino ba sila para pakinggan natin..sino ba sila para makialam sa buhay natin hindi tayo humihingi ng pagkain natin sa kanila...baby andto pa ako pamilya mo at si Tita Norma mo..dadating din ang araw makapg usap kayo..baka my pinaghuhugutan lang kaya kung anu anu lumalabas sa bibig ni Ced..Nagbago na nga talaga si Deanna kung noon wala syang pakialam sa nararamdaman ko ngayon lagi nya ako tntext pag hindi kami magkasama kong ok lang ako kung nakakain na ba ako ng lunch ko kinukumusta nya pa din kung nagpaparinig pa ba si Ced ganun pa din nakaplanu na ang pang araw araw ang mga salita na ilalabas nya sa bibig para lang magpaparinig sa akin..tama nga si Deanna...SINO BA SILA?basta ako masaya tuloy nila hangga't magsawa sila..
BINABASA MO ANG
SINO BA SILA???
Fanfictionsino ba sila para pakialaman ka nila...sino ba sila para sundin ang gusto nila...sino ba sila sa buhay mo...