SINO BA SILA?PART 45

1.7K 74 5
                                    

1 bwan na lang manganganak na ako medyo hirap na din ako dahil sobrang bigat na ng tyan ko..sa umaga naglalakad lakad ako para exercise..
Halos sa loob lang ako ng kwarto buong maghapon..halos araw araw din andto si Waller pinapasundo ko kasi wala din syang makakausap pag galing nya ng school..

Waller:
Mommy Jema are you still mad with Mama Deanna?

Ako:
Not anymore,I just want to learn from her mistake

Waller:
Mama Deanna is always sad I saw her one day crying alone talking to your picture on her cellphone

Ako:
really,I will talk to her when she comes here,but for now i will prepare you snack..ok ba yon
(yumakap na lang sya sa akin at ginulo ko na lang ang buhok nya at lumabas na kami nauubusan na kasi ako ng english)

Waller:
ok..I love you Mommy Jema and to my baby brother on your tummy

Ako:
I love you too my handsome Waller

Lalaki ang magiging anak namin ni Deanna at tuwang tuwa ang parents nya lalo na si Daddy Dean,about sa baby shower hindi na ako pumayag na magkaron dahil alam ko malaking handaan na naman ang gagawin nila ayaw ko naman makipagplastikan sa mga bisita nila na ok kami ni Deanna
nalungkot naman ako sa mga sinabi ni Waller

Pinahatid ko na si Waller pumasok na ako sa kawarto mayamaya kumatok si Laura pagbukas ko si Deanna pinapasok ko na tinatamad na ako lumabas...tahimik lang sya umupo sa kama..

Ako:
Ang aga mo yata umuwi sana dati mo pa ginagawa yan..

Deanna:
Ayusin na natin to baby gusto ko paglumabas anak natin buo tayo nagsisi na ako sa pagkakamali ko bigyan mo ako ng chance na punuan lahat ng pagkukulang ko...malapit na matapos ang bahay na pinapagawa ni Daddy para sa atin gusto ko magkakasama tayo pag lumabas na ang baby natin kahit ito na ang last chance na ibibigay mo hindi ko na sisirain pls baby..hayaan mo ako na patunayan syo na magbabago na ako

Ako:
Talaga magbabago ka na ilang beses mo na ba sinabi sa akin yan pag ok na tayo gagawin mo ulit..hayaan mo muna makapag isip ako nakakadala ka nakakaubos ng pasensya

Deanna:
Last chance baby pls.

Ako:
sige pag isipan ko  muna umuwi ka na gusto ko na magpahinga

Deanna:
pwede ba  ako matulog dito namimis na kita

Ako:
Yan dyan ka magaling..umuwi ka na ayaw ko sige na uwi na

Deanna:
Sige wag ka na lang sumimangot baka paglabas ni Baby tatarayan agad ako..payakap na lang kiss ko na din si baby

Kinausap na din ako ni Mommy Judin  at Daddy Dean na bigyan ng last chance ang anak nila pag umulit pa daw sila na mismo ang gagawa ng paraan para itago kay Deanna kinausap na din nila ang Tita ko pumayag naman sya pero sa akin pa din daw ang magdecide..
Pumayag ako pero pagkapanganak ko na saka na ako babalik kay Deanna

Araw araw pa din pumupunta si Deanna  sinasabay nya si Waller hinayaan ko lang sya na ipakita na nagbago na nga sya minsan sya na ang nag aasikaso ng pagkain ko uuwi lang sya pag pag matutulog na ako hindi ko pa din sya pinapayagan matulog dito para makita nya na my limitasyon pa din ako sa kanya..

Kabuwanan ko na ginigising ko si Laura  sobrang sakit na ng tyan ko sinabi ko gisingin si Manang at sya naman tawagin  nya si Deanna..
Dumating sila ni Deanna buong pamilya masakit man tyan ko pero napangiti naman ako kasi lahat sila nataranta lalo na si Mommy Judin ang Tita ko naman pinakalma sya kaya ang sumama na lang sa sasakyan si Deanna ate Ly na lang ang nagmaneho kasi baka daw pataranta pa si Deanna..

Yakap yakap naman ako ni Deanna hanggang makarating kami sa ospital at inasikaso naman agad ako..

Nagising ako pakiramdam ko sobrang pagod ko..nakita ko na lang si Deanna nakasandal sa sa sofa tulog..naawa naman ako tinawag ko para lumapit sa akin..

Ako:
Asan na si baby?
(magsasalita pa sana si Deanna biglang pumasok ang nurse dala dala ang baby namin kasunod si Mommy Judin binigay sa akin ang baby lumapit na din si Deanna at umiiyak habang tiningnan ang anak namin)

Deanna:
Baby thank you binigyan mo ako ng anak magbabago na ako para sa anak natin..isang buong pamilya na tayo

SINO BA SILA???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon