Chapter 3: HIStory

474 54 118
                                    

"Lovers don't finally meet somewhere

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Lovers don't finally meet somewhere. They're in each other all along."

– Rumi –

- - -

"Why can't I see your room?" tanong sa akin ni Justin matapos niyang ilapag iyong mga gamit niya sa guest room. "Gusto ko lang naman makita iyong collection mo ng anime figures."

"Kasi hindi nga pwede," giit ko sa kanya dahil hindi ko lang naman kwarto iyon, kwarto din iyon ni Lu.

"It's okay Jeo if they want to see our room," rinig ko namang sabi ni Lu kaya napatingin ako sa kanya.

"Seryoso ka?" paninigurado kong tanong sa kanya at napatango naman siya sa akin.

"Friends ko rin naman sila so okay lang," sabi niya at napatingin naman ako kay Justin na mukhang tuta, na sabik na sabik mabigyan ng bolang hahabulin.

"Fine," I said, giving in. I really hate it when he's giving me that kind of look. Naawa ako sa kanya. "Just make sure na wala kayong guguluhin sa kwarto," paalala ko sa kanila habang umaakyat kami sa taas papunta sa kwarto namin ni Lu.

Bago ko buksan iyong pinto ay napalingon ako sa kanila. "Behave or else, hindi na kayo makakaulit dito."

"Opo Daddy Jeo," sabi ni Justin at napairap na lang ako sa kanya bago tuluyang buksan iyong pinto.

At kitang-kita ko iyong mangha sa pagmumukha nila pagkapasok nila sa loob.

"This is awesome," sabi ni Justin.

"No, this is beautiful," komento naman ni Jessica.

"Simple lang pero may dating," sabi naman ni Leah. "Sino nag-design ng kwarto niyo? Mama mo o Papa mo?" tanong niya pa.

"It's actually me," sagot ko sa kanya at mas lalo silang namangha. "I was 8 back then and straight line really looks boring to me that's why I asked my father to separate the room diagonally, Lu's space on the upper side while I'm at the lower part."

"Siguro hindi dapat Architecture ang kinuha mong course, dapat nag-interior design ka," komento naman ni Justin.

"Iyon din sana ang kukunin ko pero mas nagustuhan ko mag-Archi," sagot ko sa kanya. Architecture is my first love, ever since nakakita ako ng iba't-ibang model house noon, talagang nagkagusto na ako sa kursong ito.

"Ang ganda naman ng pagkaka-drawing nitong sunflower sa pader, ikaw rin ba ang nag-drawing nito?" rinig kong tanong ni Jessica kaya naman napatingin ako sa kanya at tiningnan iyong tinutukoy niya bago napatango.

"Ako ang nag-drawing pero kaming dalawa ni Lu ang nagkulay."

"Pero hindi ba, yellow lang ang sunflower, bakit parang halo-halo ang kulay?" nagtatakang tanong ni Leah.

Beyond Lifetimes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon