Chapter 1: HIStory

1.2K 75 120
                                    

"I believe that two people are connected at the heart, and it doesn't matter what you do, or who you are, or where you live; there are no boundaries or barriers if two people are destined to be together

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I believe that two people are connected at the heart, and it doesn't matter what you do, or who you are, or where you live; there are no boundaries or barriers if two people are destined to be together."

– Julia Roberts –

- - -

"Jeo, gising na!"

"Five more minutes," sabi ko bago mabilis na tinakpan ng unan ang ulo ko dahil ayokong marinig ang boses niyang mas malakas pa sa speaker namin.

"Hindi pwede, ihahatid tayo ni Papa sa school today, remember?"

"I know but I'm still sleepy," giit ko sa kanya. Anong oras na rin kasi ako nakatulog kagabi dahil tinatapos ko pa iyong episode ng Naruto at HuntexHunter. I know I'm such a weeb but I can't help it, I really like watching animes, in fact kinumpleto ko ang manga books ng Naruto, One Piece, Bleach at HuntexHunter at may kasama pa iyong character figures.

"Jericho Sebastian, gigising ka diyan o sisirain ko itong mga anime figures mo?" she really knows how to irritate me first thing in the morning. And she really knows that I hate someone touching my anime figures and being called by my first name.

I literally hate the name Jericho.

Agad naman akong napaupo sa kama ko at napatingin sa kanya, at naka-bihis na siya.

"Go, para masira ko rin iyong mga collection mo ng album ng Exo at ni IU, Luna Sebastian," I smirked because I also know that she hates being called by her full name.

Napairap naman siya sa akin bago dinampot iyong bag niya. "Dad! Hindi pa gising si Jericho! Iwan na natin!" sigaw niya matapos lumabas ng kwarto namin habang ako naman ay napapailing na lang.

Luna and I, we're twins and Luna is seconds older than me but between the two of us, she acts like a kid. Always.

At kahit na gusto kong magkaroon ng sariling kwarto ay hindi ko magawa dahil nasanay na si Luna na magkasama kami sa iisang kwarto, dahil hindi siya makatulog nang maayos ng hindi kami magkasama.

Kaya naman nung eight years old kami, pininturahan ni Papa ang kwartong ito ng pink at blue para kahit papano ay may sarili kaming privacy ni Luna sa isa't-isa at sa paglaki namin, ang dating blue at pink na kulay ng kwarto ay unti-unting napapalitan ng anime posters at kdrama posters.

Magkaibang-magkaiba kami ni Luna ng gusto pero sa lahat ng pagkakataon ay sinusuportahan namin ang isa't-isa. Katulad na lang nang pagsama ko sa kanya noong nagkaroon ng concert ang Exo dito sa Pilipinas at iyong pagsama niya sa akin sa isang Comic Con.

Beyond Lifetimes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon