Chapter 5: HIStory

388 53 92
                                    

"Love is that condition in which the happiness of another person is essential to your own

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Love is that condition in which the happiness of another person is essential to your own."

– Robert Heinlein –

- - -

After that talk with Chance, he suddenly became distant to me at hindi ko naman siya masisisi sa bagay na iyon lalo na at gusto ko lang naman maging maayos ang lahat at gusto kong malaman niya napaka-halaga sa akin ang kasiyahan ni Luna.

Iyon lang at wala ng iba.

"Jeo," bahagya akong napatigil sa ginagawa ko at napatingin kay Jessica. "May pinag-awayan ba kayo ni Chance?" tanong niya sa akin at napailing naman ako. "E' bakit parang hindi na kayo nagpapansinan?"

Bahagya naman akong napangiti sa kanya. "You're just imagining things Jessica," sabi ko sa kanya since ayoko rin namang malaman pa ng tropa iyong pinag-usapan namin ni Chance. Siguro kakausapin ko na lang siya kapag maayos na ang lahat, sa ngayon hahayaan ko na lang muna siya.

"Whatever," she said. "Pero kung may hindi kayo pagkakaunawaan, pag-usapan niyo o pag-usapan natin para maayos agad-agad. Ayokong magkasiraan tayong magto-tropa."

"Ayoko rin namang mangyari iyon," sabi ko sa kanya. "But we're good Jessica dahil kung hindi, e' 'di hindi mo na sana nakikita si Chance na sumasama sa atin o kaya naman ako."

"Kung sabagay, siguro nga masyado lang akong nag-iisip dahil kulang na ako sa tulog kakareview para sa mga quizzes tapos exam week na next week. Ang daming gawain!" she blurted out.

Bahagya naman akong natawa sa kanya. "Okay lang iyan," sabi ko sa kanya. "Kaya natin lahat ng iyon."

"Guys tapos na kayo?" tanong ni Justin nang lumapit siya sa pwesto namin ni Jessica.

"Patapos na," sagot ko sa kanya.

"Kaunti na lang din iyong sa akin," sagot ni Jessica. "Ikaw ba?"

"Hindi pa," umiiling nitong sagot. "Pero si Lukas at Chance tapos na kaya pinakiusapan ko na bumili ng pagkain para dito na lang tayo kakain habang tinatapos ito."

"Thank you Justin," nakangiting sabi ni Jessica habang ako naman ay napatingin sa may relos ko bago napatingin sa ginagawa ko at doon ko lang napagtanto na wala pa ako sa kalahati nang ginagawa ko pero ilang oras na ang lumilipas.

Napasulyap naman ako sa mga kaklase ko at hinanap ng mga mata ko si Chance at nakita ko siyang kausap si Markus. Mukhang seryoso iyong pinag-uusapan nila hanggang sa mapatingin sa akin si Markus na sinundan naman nang tingin ni Chance.

"Anong ipapabili mo Jeo?" tanong ni Justin sa akin kaya napabaling agad sa kanya iyong tingin ko.

"Tonkatsu na may white sauce," sagot ko agad sa kanya at napatango naman siya. "Okay, pwede na kayong bumalik sa ginagawa niyo. Papabilihin ko na sila Chance at Lukas."

Beyond Lifetimes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon