"Love does not consist of gazing at each other, but in looking outward together in the same direction."
– Antoine de Saint-Exupéry –
- - -
"Papasok na ako," paalam sa akin ni Lu pero hindi ko siya magawang tingnan at hindi ko alam kung bakit. "Jeo, it's just a painting. Don't stress yourself about it, wala namang masama kung i-paint mo si Chance unless..."
Napatingin naman ako sa kanya. "Unless what?" tanong ko at nagkibit-balikat naman siya sa akin.
"Nag-away ba kayong dalawa?"
Napailing ako. "Wala naman kaming dapat pag-awayan tsaka bakit mo naman naisip na nag-away kaming dalawa?" sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin.
"Kasi siya iyong pini-paint mo kaya naisip ko na baka kaya mo ginagawa iyan ay para peace offering mo sa kanya."
Napangiti naman ako sa kanya. Napakalawak talaga ng isipan ng isang ito kahit kailan.
"Of course not," sabi ko sa kanya. "Tsaka gagawa na lang ako ng iba. Nagkamali lang siguro ako ng tracing kanina."
"No," sabi niya sa akin kaya naman napakunot ang noo ko. "Ituloy mo na iyan, ang ganda-ganda kaya. Masasayang lang kung itatapon mo."
Napa-seryoso naman ang tingin ko sa kanya. "Ipapasa ko ito sa Prof ko Lu, hindi ipapamigay," giit ko sa kanya at tinaasan naman niya ako ng isang kilay niya.
"So? Nasimulan mo na iyan kaya tapusin mo na and besides, hindi naman ata magbabago ang gradong ibibigay sa iyo ng Prof mo kahit na magpasa ka ng iba."
Bahagya naman akong napabuntong-hininga. "Look, kung wala ka nang ganang gawin iyan, itabi mo at ibibenta ko kay Chance. Baka malaki-laki rin ang kikitain ko diyan."
"You know what? Pumasok ka na at baka ma-late ka pa sa exam mo," sabi ko sa kanya bago pa mapunta sa kung saan ang isipan niya. Agad naman niya akong tinawanan.
"May sapok ka talaga sa akin kapag nalaman kong hindi mo tinuloy iyan at tinapon," aniya bago siya tuluyang nawala sa paningin ko at napabalik iyong tingin ko sa canvass.
"Whatever," I said as I slightly bit my lower lip and heave a sigh and take a closer look to my canvass.
Why Chance?
Why do you keep on smiling at me?
* * *
For the next couple of days, naging abala na ako sa pagrereview para sa major at minor exams at doon ko lang itinuon ang atensyon ko.
Then Thursday morning came, naisipan ko nang ipasa iyong canvass project ko kahit na nagpapahintay si Justin dahil hindi pa siya tapos, samantalang kahapon pa tapos iyong sa akin at tsaka wala naman kaming exam ngayong umaga kaya magpapasa na ako.
BINABASA MO ANG
Beyond Lifetimes (COMPLETED)
Romance"I found the love I no longer believed was real." All Jericho Sebastian ever wanted is for her sister to be happy and to be loved even if it means sacrificing his own happiness. But when he met Chance Rivera, things starts to change and he knew the...