Chapter 4: HIStory

406 59 121
                                    

"Love is like war: easy to begin but very hard to stop

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Love is like war: easy to begin but very hard to stop."

- H. L. Menken -

- - -

"I'll make a coffee, sinong may gusto?" alok ko sa kanila. Kanina pa kasi kami busy sa paggawa ng plates at mukhang inaantok na rin sila dahil sa anong oras na rin.

"Me," sabay-sabay na sagot nilang apat at napatingin naman ako kay Chance.

"Ikaw Chance?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa ginagawa niya kaya naman hindi ko na siya ulit tinanong pa at lumabas na ng guest room.

Pagdating ko sa may sala ay nakita ko namang natutulog na si Lu sa may sofa kaya naman napalapit ako sa kanya at bahagyang umupo para makita ko ang pagmumukha niya at mukhang nagising naman siya nung kuhanin ko iyong librong hawak-hawak niya.

"Tapos na kayo?" tanong niya sa akin at napailing naman ako sa kanya.

"Mauna ka na sa kwarto, matatagalan pa kami sa ginagawa namin. Doon ka na matulog," sabi ko sa kanya pero napailing naman siya sa akin.

"You know I can't sleep in the room without you," giit niya sa akin at napabuntong-hininga naman ako.

"Fine, I'll go with you," sabi ko sa kanya tutal kaunti na lang naman iyong gagawin ko sa plates ko. Hihintayin ko na lang siguro na makatulog siya ulit bago ako bumaba.

Agad ko siyang inalalayan na makatayo.

"Chance," sabi ni Lu kaya naman napalingon ako at nakita ko si Chance na nakatingin sa amin.

"Good night," nakangiting sabi sa kanya ni Chance at agad namang lumapit si Lu sa tabi niya at hinalikan siya sa may pisngi.

"Good night," bago umakyat sa taas.

"Go," sabi naman ni Chance sa akin. "Ako na ang gagawa ng kape para sa kanila."

Napatango na lang ako sa kanya bago sinundan si Lu sa taas. Pagpasok ko sa kwarto namin ay agad kong nilapitan si Lu at inayos iyong kumot sa katawan niya bago binawasan ng lamig iyong aircon. Matapos nun ay pumunta ako sa may kama ko at binuksan iyong lampshade at kumuha ng manga ng Naruto para magbasa-basa.

Napatingin ako sa may orasan at halos mag-11:35 na ng gabi.

Tamang-tama makakapagpahinga pa ako ng ilang minuto dahil kanina pa galaw nang galaw ang kamay ko.

Agad kong itinuon ang atensyon ko sa pagbabasa at may mga sandaling sinisilip si Lu kung natutulog na ba siya ulit. Nang masigurado kong tulog na talaga siya ay naupo naman ako sa may study table ko para gawin iyong assignment ko sa Fil01 dahil may limang minuto pa ako pero hindi ko inakalang makakaidlip ako.

Dahil sa sumunod na pagkamulat ng mga mata ko, alas-otso na ng umaga.

MAY ARAW NA!

"Shit!" sabi ko at nagmamadaling bumaba papunta sa may guest room dahil iyong plates ko, hindi ko pa iyon tapos pero laking gulat ko pagpasok ko sa loob dahil nakaayos na ang lahat ng gamit.

Beyond Lifetimes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon