Chapter 10: In This Lifetime

451 52 60
                                    

FINAL CHAPTER:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


FINAL CHAPTER:

His Story In This Lifetime

"When two hearts become one, it cannot be undone. A promise has been made and cannot be broken or swayed. For this love will last an eternity and will not fade."

– Charlene M. Martin –

- - -

"My heart will always remember you. I will always remember your smile. I will find you, my love, in every universe existing. I will find you... And I will prove my love to you over and over again, in all of my lifetimes, in all iterations of our lives, Luna."

"Jeo, wake up," rinig kong sabi ni Lu sa akin. I tried to open my eyes but I'm still sleepy.

"Five more minutes please," sabi ko sa kanya bago tinakpan ng unan iyong pagmumukha ko.

"Hindi pwede," giit niya sa akin. "Maraming naghihintay sa iyo sa baba."

Agad naman akong napaayos nang upo sa kama ko at napatingin sa kanya.

"But it's your party Lu," sabi ko sa kanya. Gusto ko lang naman magpahinga sandali dahil sa kaninang umaga pa ako abala sa pag-aasikaso para sa party niyo.

"Our party Jeo. It's our party," mariin niyang sabi sa akin. "Kaya tumayo ka na diyan bago ko pa paakyatin sila Justin dito para lang hilahin ka paalis ng kama mo."

Bahagya naman akong napabuntong-hininga. Limang minuto lang naman ang hinihingi ko sa kanya, bakit hindi niya maibigay sa akin.

Nakapamewang lang siya habang seryosong nakatingin sa akin kaya naman napatango na lang.

"Okay fine, bababa na ako," sabi ko sa kanya.

"Magpalit ka muna ng damit," sabi niya sa akin. "Hindi ka bababa doon ng ganyan ang suot mong damit."

"Oo na, magpapalit na," sabi ko sa kanya bago tumayo sa kama at pumunta sa may cabinet para kunin iyong suit na inihanda niya para sa akin kanina pero tinago ko lang.

"Oo na, magpapalit na," sabi ko sa kanya bago tumayo sa kama at pumunta sa may cabinet para kunin iyong suit na inihanda niya para sa akin kanina pero tinago ko lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Beyond Lifetimes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon