Chapter 6: In This Lifetime

422 50 79
                                    

"Love is of all passions the strongest, for it attacks simultaneously the head, the heart and the senses

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Love is of all passions the strongest, for it attacks simultaneously the head, the heart and the senses."

- Lao Tzu -

- - -

The next couple of days, Markus and I became friends.

Noong una, sila Leah at Jessica lang ang kinakausap niya hanggang sa isang araw, ako na ang kinakausap niya.

At katulad ng sinasabi nila, ang saya niya kasama at napaka-komportable kausap, at matalino din dahil tinutulungan niya ako sa mga math problems na hindi ko masagutan.

And I found out that we have this common ground, and that is watching anime. Kaya nag-eenjoy ako kapag kausap ko siya dahil kahit papano, bukod kay Justin, ay may napagki-kwentuhan ako ng mga napapanuod kong anime at nasasabihan ng mga opinyon ko.

"Are you ready?" tanong sa akin ni Lu kaya naman napahinto ako sa pag-aayos ng buhok ko at napatingin sa repleksyon niya sa may salamin.

"Nagpapasama lang siya sa akin bumili sa Comic Alley," sabi ko sa kanya pero napangiti naman siya sa akin.

"It's definitely a date, twin brother," aniya habang tinataas-baba ang magkabila niyang kilay at napapailing na lang ako bago napatingin muli sa sarili kong repleksyon sa salamin.

"We're just friends Lu, nagagaya ka na kina Jessica at Leah," sabi ko sa kanya at naramdaman ko namang lumapit siya sa may tabi ko kaya naman napatingin ako sa kanya. "Friends Lu, friends."

"I know," sagot niya pero alam kong nagsisinungaling lang siya. Halata naman kasi sa pagmumukha niya. "Date or not, enjoy your time with him," at bahagya siyang tumingkayad para ayusin iyong buhok ko.

"Bakit pakiramdam ko binibenta mo ako?" kunot-noo kong sabi sa kanya. "You know that I like girls, iyong sexy at may malaking boobs."

Napanguso naman siya sa akin. "Pero hindi naman masamang magkagusto sa lalakeng sexy na may abs," mapang-asar niyang sabi sa akin kaya naman mahina kong pinitik iyong noo niya.

"Isusumbong kita kina Mama at Papa, binibenta mo ako," pagbabanta ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"Kung alam mo lang," makahulugan niyang sabi sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nothing," mabilis niyang sagot sa akin. "Ayan tapos na, gwapo ka na."

Agad naman akong napatingin sa salamin at napangiti na lang ako. "Thanks," sabi ko bago dinampot iyong phone ko.

"Kamusta na kayo ni Chance?" tanong ko sa kanya habang tiningnan ko iyong messenger at inbox.

"We're good, still sweet as ever," sagot niya at napatango naman ako sa kanya.

"Alam mo bang absent siya ng ilang araw na?" tanong ko matapos kong ilagay sa bulsa ng pantalon ko iyong phone ng wala akong nakitang text o chat mula kay Markus.

Beyond Lifetimes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon