Chapter 2: HIStory

595 62 112
                                    

"This is the miracle that happens every time to those who really love; the more they give, the more they possess

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"This is the miracle that happens every time to those who really love; the more they give, the more they possess."

– Rainer Maria Rilke –

- - -

It's already been two months since our college life started.

Nakakapag-enjoy pa ako noong mga naunang linggo pero nung mga sumunod na ay medyo nahihirapan na rin ako dahil sa mga ipinapagawa sa amin.

Both major and minor subjects.

Nakaka-stress lang.

"Mauna na ako Jeo," pagpaalam sa akin ni Lu kaya naman napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin ako sa kanya.

"Papasok ka na? Akala ko ba wala kang klase ngayong umaga?" tanong ko sa kanya at napatango naman siya sa akin.

"May pupuntahan lang kami ni Chance tapos dederetso na ako ng school," sagot niya at akmang magsasalita pa sana ako nang makarinig kami ng isang busina ng kotse. "He's here, mauna na ako. Bye!"

"Enjoy Lu," at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto habang ako naman ay napatayo sa kinauupuan ko at lumapit sa may bintana at sumilip sa may labas.

Agad kong nakita si Chance na nakatayo habang nakasandal sa may kotse niya at ilang sandali pa ay lumabas na si Lu at nakangiti niyang sinalubong ito nang yakap at hinalikan sa may pisngi.

Napabuntong-hininga na lang ako bago bumalik sa kinauupuan ko at pinagpatuloy iyong ginagawa ko.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat, basta nagkita na lang silang dalawa isang araw at matapos nun ay madalas na silang magkasama, madalas magkausap at madalas magkita.

Tinanong ko rin si Lu sa kung paano sila naging close agad-agad ni Chance at iisa lang ang isinasagot niya sa akin:

"There is something in Chance's smile that makes me drawn to him. He's kinda special."

Tinanong ko rin si Chance tungkol sa bagay na iyon at ang sagot niya sa akin.

"Your sister is cute when she's smiling and I think I already like her."

Matapos nun ay hindi ko na sila tinatanong pa dahil paniguradong iyon at iyon lang din ang isasagot nila sa akin.

Something about that kind of smile.

At tsaka ang gusto ko lang naman ay masigurado na masaya si Lu dahil hindi sa ayokong nakikita siyang malungkot.

And I think Chance wouldn't hurt my sister, after all we're friends. Alam niya ang mangyayari sa kanya kapag sinaktan niya ang kapatid ko.

Napahinga ako nang malalim, may mga bagay talaga na minsan ay hindi mo maintindihan.

Mga bagay na akala mo totoo pero isang kathang-isip lamang pala.

Beyond Lifetimes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon