TWY .2

7 0 0
                                    

14.2 Fall Apart

"Haist... tatlong araw ka ng late na umuuwi. Anong ginagawa mo?" natatawang tanong ni Devyn nang makauwi ako sa dorm namin.

"Syempre... busy ako sa studies ko rin tsaka nagpapractice ako sa studio room dahil bukas na ang araw ng gig."

"Bakit? Akala ko ba.... sila Chloe ang magpeperform sa gig nila bukas. Naks... iba rin pala pag kusang tumutulong, ha!"

"Kailangan ko ring bumawi sa lahat ng binigay ni Chloe sa akin. Nagvolunteer ako bilang substitute vocalist e, wala namang ibang papalit.., puro baguhan ang kasama namin."

"Sa bagay... kagustuhan mo naman iyan." tumango-tango si Devyn at nahiga sa kanyang sofa.

———

Maaga akong nagising dahil kailangan ko ring magpraktis ng konti. Pinagluto ko na rin si Devyn ng makakain niya kaya wala na siyang irereklamo mamayang paguwi ko.

"Go, Jianné!" Masiglang sigaw ni Rhyme nang makita niya akong nasa stage at katapat ang piano.

"Oh my God, students! Magsipagpalakpakan naman kayo! Magaling na pianist yan tsaka manganganta kaya pumalakpak kayong lahat! Go!"

Dumating pala si Rodn kasama ang kakambal niya. Himala! Hindi niya kasama ang girlfriend niya, baka may inaasikaso lang?

Nagpakilala ako sa kanilang lahat at hinanda ang sarili para sa pagkanta. Inilapag ko ang mga daliri ko sa keys at dinama ang kanta.

"Ano ba yan!? Nakakatamad manood... wala bang mas igagana iyan?"

"Oo nga... akala ko ba naman energetic yung magpeperform!"

"Hala! Wala si Chloe kaya pala ang boring ng soloist nila! hahaha!"

"Alis na tayo!"

Nahinto ako sa pagkanta at nanatili pa rin ang pwesto ng mga daliri ko sa keys. Natuluan ng luha ang piano sheet na nakapatong sa hita ko. Hindi ko kayang lumingon sa kanilang lahat... napapanghinaan ako ng loob.

"Jianne! Kaya mo iyan! Laban lang, wag kang panghihinaan ng loob..."

"Jianné, 'wag mong intindihin ang sinasabi ng iba. Just continue play and sing." bigla akong lumingon sa gulat nang makita ko si Chloe na may ginawang banner na maliit para suportahan ako.

"Chloe, pafansign!"

"Ako rin, please..."

"Sana ganon din ang trato niya sa soloist na nagpeperform sa harapan! Hindi ba kayo nahihiya? Naririnig ni Chloe ang pangbabash n'yo kay Jianné! Konting abiso naman, guys.."

Napatingin ako sa songwriter ni Chloe at ang iba pa niyang kasama. Patuloy pa rin sa pagtili ang kararating fans ni Chloe. Mas dumami sila kumpara kanina.

"I will sign it later, okay? Manood muna kayo ng gig show, please? Please cooperate." ngumiti si Chloe sa mga fans kaya tahimik nang nanonood ang mga juniors.

Pinagpatuloy ko ang kanta at sa wakas ay nagsipagpalakpakan sila. I thought it was ended by nothing. Mabuti nalang at may life saver ako kung hindi kanina pa naubos ang tao sa lugar na 'to.

"Thank you for doing this. Medyo nakakarecover na ako kaya pwede na raw akong gumalaw." ngiting pinunasan niya ang pawisan kong noo.

———

"Ummm?" tinago ko ang mukha ko ag inabot sa kanya ang human face potrait.

"Thank you! Pinagdrawing mo pa talaga ako ng pagmumukha ko." ginulo niya ang buhok ko.

Together With YouWhere stories live. Discover now