chapter Eight.

184 3 0
                                    

ALEXA's POV.

Nagising ako ng may marinig akong ugong ng sasakyan,hindi ko man tingnan alam kona kung sino ang nagmamay ari .. umupo ako mula sa pagkakahiga ng maramdaman kong bumubukas ang pinto .

.
Nakatulog kasi ako sa sala kakahintay sa kaniya.Lagi akong naghihintay sa tuwing gigimik sila ng barkada niya di bali ng puyat basta alam kong uuwi siya sa bahay ..

Minsan nga may kasama pa siyang babae,binabalewala ko nalang ang importante sakin siya uuwe ako ang uuwian niya .. nagbubulagbulagan nalang ako sa tuwing makikita ko siyang may kahalikang iba sa harapan ko .. nagbibingibingihan sa tuwing maririnig ko siyang dumadaing dahil sa kaniyang kasiping ..

Sa kabila ng lahat ng yan nandito parin ako umaasang mamahalin niya ..

bat gising kapa? supladong tanong niya .. alam kong nakainom na siya dahil sa pula at mapupungay na ang kaniyang mga mata ..

umayos ako ng upo at naghihintay ng susunod niyang sasabihin .

ano ba !? tinatanong kita ! bat gising kapa ?! diba sabi ko huwag mona kong hintayin ?! bat ba ang tigas ng ulo mo ?! sigaw niya sakin

b-b-baka kasi .. hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil pagdating sa kaniya sobrang kinakabahan ako .

b-b-ka ano?!

L-Lasing ka utal kong sagot ..

ano bang paki mo ?! kung lasing akong umuwi ? ha ?! tanong niya ..

w-w-wala kasing aalalay sayo.. inaalala lang kita .. lumapit siya sakin at

hindi ko kailangan ng pag aalala mo .. lalong hindi kita kailangan .. kaya pwede ba umalis ka jan sa daraanan ko ! aakyat na sana siya ng hagdan ng matutumba siya buti nalang naagapan ko at nasalo ko siya kinaya ko kahit ang laki niyang tao ..

ano ba!? pagtataboy niya sakin

huwag mokong hawakan !? dagdag pa niya .. hinayaan ko siyang mag isa ngunit hindi pa man nakaka dalawang baitang e babagsak nanaman siya .. ayaw man niya, inalalayan ko parin siya hanggang sa kaniyang kwarto ..Oo sa kaniyang kwarto, hindi kami nagsasama sa iisang kwarto dahil narin sa kagustuhan niya .
.

hihiga kona sana siya kaya lang pati ako napasama dahil sa bigat niya .. pareho kaming bumagsak sa kama,pumaibabaw ako sa kaniya .. pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha.

hindi ko alam bakit nagagawa ko paring ngumiti sa kabila ng lahat ..

gustuhin ko mang sumuko hindi ko magawa .. gusto ng bumitaw ng utak ko konting tiis pa daw sabi ng puso ko..kahit nahihirapan nako hindi ko parin siya magawang iwan ..

hinaplos ko ang mala anghel niyang mukha minsan lang naman to sa tuwing lasing lasing lang siya dun ko lang nagagawang pagmasdan siya ng malapitan .. nasabi ko nalang sa isip ko .

."NAKAKAPAGOD MANG MAHALIN KA,HUWAG KANG MAG ALALA WALA AKONG BALAK MAGPAHINGA" kasabay ng pagbasak ng mga luha ko ..

hinilamusan ko muna siya inalis ang sapatos niya,ganito naman talga ang role ko sa tuwing nalalasing siya ..

aalis na sana ako ng marinig ko siyang nagsalita ..

Fi-Fiona..

Fi-Fiona huwag mokong iwan please...

kasabay ng paglabas ko ng kwarto niya ay ang muling pagpatak ng mga luha ko ..

ako yung nasa tabi niya pero iba ang pangalang sinasambit niya hanggang sa pagtulog niya ..

kahit kelan hinding hindi ko mapapalitan sa puso niya ang babaeng mahal niya ..

_________________________________________________

https://www.facebook.com/yhumiicoh

https://twitter.com/delarosajhen10

http://instagram.com/jhendelarosa10/

add and follow me guys .. SALAMAT :D

ENJOY READING GUYS:D!

My Married Life (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon