2: Kathang Isip

9 1 0
                                    

(Errors Ahead)




Nandito ako ngayon sa isang malaking gusali na may higit sa sampung palapag. Balak kong mag-apply ng trabaho at nasa-ikapitong palapag ang trabahong sadya ko. Gagamit sana ako ng elevator ngunit ang sabi ng guard ay sira raw ito. Iyong isa naman ay para lamang sa mga matatas na tauhan roon.




"Ano ba naman 'tong building na 'to, bulok!" Reklamo ko sa isip ko. Kung hindi ko lang talaga kailangan na kailangang magkapera ay hindi ko talaga sasadyain ang trabahong ito. Nakakapagod!




Mabuti na lamang at may escalator sa dulong bahagi ng gusaling ito. Hindi na ako maghahagdan pa. Nakakapagtaka lang sapagkat walang gumagamit niyon bagaman ayos naman at umaandar.




"Mas gusto pa nilang mapagod sa kakaakyat gamit ang hagdan kaysa maglakad papunta sa dulong bahagi ng building nila? So weird." Sabi ko sa sarili ko.




Payapa naman akong nakakaakyat sa bawat palapag ng gusaling ito. Makailang ulit kong hinananap ang bawat escalator sa bawat palagpag. Ngunit sa bawat pagsakay ko ay ni isa wala pa rin akong nakasasabay. Hindi rin naman nila ako pinag-aaksayan pa ng panahong tignan na para bang hindi ako nag-iexist sa lugar na ito.




Isinawalang bahala ko na lamang ang bawat naiisip ko hanggang sa makasakay na ako sa ikaanim na escalator patungo sa ikapitong palapag.




"Sa wakas, makararating na rin ako sa trabahong sadya ko." Bulong ko sa aking sarili.




Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa upang makatapak na sa ikapitong palapag nang maramdaman kong tila mabigat at may nakahawak dito.




Tama ba ang nakikita ko? May nakahawak na kamay sa mga paa ko! Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak ng kamay na iyon sa mga paa ko ngunit sa bawat pagpupumiglas ko ay tila mas hinahatak pa ako nito pababa.




Wala na akong ibang nagawa pa nang tuluyan nang lamunin ng escalator at ng kamay ang buong katawan ko na tanging ulo na lamang ang nakalitaw. Naulinigan ko na lamang ang pagtunog ng alarma sa buong gusali.




Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko habang na sa sahig ang aking katawan at tanging ulo na lamang ang nakapatong sa kama. Panaginip lang pala.









-binibining tunay♡

Pinagsama-samang Akda at Tula ni Binibining TunayWhere stories live. Discover now