12: Disenchantment

5 1 0
                                    

(Errors Ahead)




Hi, I'm Steve. Bored ako ngayon kaya magkukwento na lang ako. There was a girl na sobrang gusto ko. Since elementary pa lang ay crush ko na siya. Grade 2 to be exact. Araw-araw lagi ko siyang hinihintay sa may harap ng gate ng school namin para lang sabayan siya sa pagpasok. Classmates kasi kami. Lagi ko rin siyang tinutulungan sa mga assignments niya sa tuwing nahihirapan siya.




Hanggang sa nagmoving-up na kami. Lumipat siya sa probinsya nila sa may Batangas habang nagstay naman ako dito sa Bulacan. Uso naman na ang facebook noon kaya naaupdate pa rin ako sa mga happenings sa buhay niya. Mahilig kasi siyang magpost.




Tapos hanggang sa naging college na kaming pareho. I heard na mag-iengeneer siya. Kasama rin naman 'yon sa mga choices ko sa mga course so nagtake na rin ako ng entrance exam para do'n. Although, law talaga ang gusto kong maging course. But anyways, nakapasa naman ako do'n sa test e so wala na 'kong rason para magback-out.




After several years, nakagraduate na 'ko. Alam kong nakagraduate na rin siya. Napag-alaman kong magtatrabaho siya sa Maynila so I decided na magtrabaho din do'n. Nagkita kami ulit.




Naging magkaibigan kami at masasabi kong mas nahulog ako sa kaniya. I confessed to her. Balak ko na sanang manligaw no'n kaso nagkasakit siya. Kailangan niya ng lung transplant. I donated mine. After ng recovery niya, I was hoping na papayag na siyang ligawan ko siya. Kaso hindi. Ikakasal na pala siya sa iba. And guess what?




Last week lang natuklasan kong may nana na pala yung natitirang baga ko.









-binibining tunay♡

Pinagsama-samang Akda at Tula ni Binibining TunayWhere stories live. Discover now