20: Aking Replika

5 1 0
                                    

(Errors Ahead)




Kamusta?
Gabi na pala;
Napagod ka ba?
Sana ay nakapagpahinga ka na;
Ang haba ng araw na ito, hindi ba?
Napakaraming nangyari at dumating na mga problema;
'Sing lakas ng alon at ang tataas pa nga;
Akala ko nga'y susuko ka na;
Ngunit ako'y natutuwa sapagkat lumaban ka pa;
Nakita pa nga kitang pumasok sa banyo at nagbasa ng mukha;
Umiyak ka nanaman pala;
Lumabas ka ng banyo na ayos na;
Ay teka mali, ayos na lang pala kasi nga nangyari na;
Inayos mong muli ang iyong mukha;
Humarap sa madla na patay malisya;
Wari ay wala kang narinig ni isa sa mga panghuhusga nila;
Pinili mong maging bato mula sa mga titig na mayroon sila;
Tinapunan sila ng ngiti at nagpatuloy sa paglalakad sa kalsada;
Napuri ka nga rin pala ng iba;
Sa wakas ay napangiti ka nila;
Sinabi ko naman kasi sa'yo na hindi ka nag-iisa;
Napapansin nila ang lahat mong ginagawa;
Dapat ka nga lang talagang maghintay sa mga taong handang sumuporta;
At hayaan mong mainggit ang iba;
Ganiyan naman kasi talaga sila;
Hahanap at hahanap ng butas upang siraan ka;
Ngunit hayaan mo lang, sapagkat iniidolo ka nila;
Nahihiya lang talagang silang tanggapin sa mga sarili nila;
Oh pa'no, magpapahinga ka na ba?
Oh siya sige, matulog ka na;
Bukas ay makikipagsapalaran ka pa;
Magpakatatag kang muli ha?
Nakakatuwang pagmasdan ang mukha mong walang maskara;
Lubhang totoo, walang halong duda;
Napakaganda mo talaga;
Aking replika.









-binibining tunay♡

Pinagsama-samang Akda at Tula ni Binibining TunayWhere stories live. Discover now