10: Kita Tayong Muli

6 1 0
                                    

(Errors Ahead)




"Mahal kong Celestine,

Batid kong nangako ako sa'yo na hihintayin ko ang muli mong pagbabalik. Nangako ako sa'yo na magpapakatatag ako hanggang sa magkita tayong muli. Ngunit mahal, patawarin mo sana ako kung hindi na kita mahihintay pa. Batid ko namang may awa ang Diyos at kung gugustuhin niyang pahintulutan tayo, magsasama tayong muli. Ngunit patawad, sapagkat labis na akong naiinip. Isa pa, nagsabi naman na ang doktor. Wala ka nang pag-asang dumilat pang muli. Kung kaya't uunahan na kita. Hihintayin na lang kita roon sa paraiso. Wawakasan ko na ang buhay kong ito. Magkita na lamang tayong muli, mahal ko. Hihintayin kita roon.

Nagmamahal, Joselito."




Walang tigil sa pagpatak ang mga luhang kanina pa umaagos mula sa mga mata ko nang mabasa ko ang liham na ito ni Joselito. Ang lalaking pinakamamahal ko. Winakasan niya ang kaniyang buhay matapos niyang malaman na wala na akong pag-asang mabuhay pa. Hindi ko rin naman siya masisisi kung ginawa niya 'yon. Pitong taon na rin kasi akong walang malay. Siguro nga, nainip na siya.




"Kumusta, mahal? Masaya ka ba diyan? Marahil ay hindi. Ayan kasi e. Napakamainipin mo. Alam mo bang isang araw lang matapos mong magpakamatay ay nagising ako? Mahal, ikaw 'yung una kong hinanap. Ngunit imbis na makita kita, nandito ako ngayon. Kausap na lang ang puntod mo. Nakakainis ka. Ang unfair mo. Pitong taon lang naman 'yon e. Ikaw nga noon, halos labing dalawang taon kang nawala pero hinintay pa rin kita. Tapos ako, hindi mo man lang hinintay. Pero 'di bale, wala ka naman nang choice ngayon e. Hintayin mo 'ko diyan ha? Aalagaan ko muna 'yung mga anak natin. Tapos kapag tama na ang panahon, pupuntahan na kita diyan. Miss na miss na kita, mahal ko. 'Di na ako makapaghintay pang makita kang muli." Sambit ko sa harap ng puntod ng asawa ko bago tuluyang magpaalam.




Makalipas ang sampung taon.




"Ma, ma! Gising!"




"Ate, anong nangyayari?!"




"Dong, si mama, ayaw magising!"




"Ano?! Tara dalhin na natin siya sa hospital!"




--




"Patawad, ngunit wala na ang mama ninyo."




Rinig ko ang iyakan ng mga anak at apo ko. Nakikita ko silang yakap-yakap ang bangkay ko.




"Pasensiya na mga anak ha? Malalaki na kayo. Matanda na rin ako. Patawad kung hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa inyo. Pupuntahan ko na kasi ang papa ninyo. Miss na miss na ako no'n, panigurado. Miss na miss ko na rin naman siya. Sige na, aalis na'ko." Pagpaalam ko sa kanila bago tuluyang sumama sa liwanag.




"Celestine, mahal ko." Rinig kong tawag sa'kin ng isang pamilyar na boses.




"Joselito." Sambit ko nang makita ko na siya.




"Kanina ka pa ba?" Tanong niya.




"Hindi pa naman." Sagot ko.




"Halika, ipapasyal kita rito." Anyaya niya.









-binibining tunay♡

Pinagsama-samang Akda at Tula ni Binibining TunayWhere stories live. Discover now