6: Friend Zone

3 1 0
                                    

(Errors Ahead)




I am Claire. I have a crush named, Marc. Classmate ko siya. Actually almost a year ko na rin siyang crush. Nagkakachat kami, shiniship kami ng mga kaibigan at classmates namin, caring siya sa'kin, at kung titignan ay parang mayroon talaga siyang nararamdaman para sa'kin. So I decided to confessed my feelings to him. I chatted him.




Me: Hi marc hehe.




Pasimulang chat ko.




Him: Oy! Hi Claire! Why?




Reply niya.




Me: Uhmm may sasabihin lang sana 'ko if okay lang sa'yo?

Okay lang naman crush diba?

Him: Sure, ano 'yon?




Emegerd kinakabahan ako.

Me: 'Di naman na siguro lingid sa kaalaman mong crush kita 'di ba? I mean, nararamdaman mo na siguro 'yon. Pero gusto ko pa ring sabihin sa'yo ng pormal. Marc, crush kita. Walang halong biro.




Mahabang chat ko sa kaniya. Naseen niya agad ito pero inabot din ng halos limang minuto bago siya nagreply. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.




Him: Claire? Alam ko namang mabait kang tao. Matalino ka pa at maganda. Ayos lang naman sa'kin kung maging crush mo 'ko. Masaya 'kong maging isa sa mga inspirasyon mo. Pero kasi Claire kaibigan lang 'yung turing ko sa'yo e. Sana 'di mo nabigyan ng ibang meaning 'yung mga ginagawa ko para sa'yo. I'm not doing it naman para mafall ka e. I'm doing it because you deserved it. You are so wonderful young lady so you deserved to be treated like one. Sana walang magbago sa'tin ha? Wala sanang ilangan.




Mas mahabang reply niya sa'kin.




Gosh! Nakakahiya ka self! First time mo na nga lang magconfessed sa crush mo nafriend zone ka pa! Arghhh nakakainis ka Claire! But no! Hindi ako basta-basta susuko. Baka naman hindi lang siya ready kasi galing siyang break up. Oo tama nga. Gano'n lang 'yon.




Me: E Marc baka naman kaya mo lang nasasabi 'yang mga 'yan kasi hindi ka pa ready? Baka naman 'pag handa ka na pwede na?




Nakakahiya ka self grabe!




Him: Siguro nga hehe.




Oh kitams? Sabi ko na nga ba e. May pag-asa pa 'ko. Tuloy ang laban Claire!




Him: Pero kung magiging ready man ako, I'm sorry pero may iba na 'kong gusto. Kapag dumating na 'yung time na handa na ulit akong magmahal, may ibang babae na 'kong gustong mahalin. Sorry talaga Claire. Hindi ko intensyong masaktan yung feelings mo. Sorry.




Pahabol na chat niya.




Me: Ay gano'n ba? Osige hahanap na lang ako ng ibang crush. Hehe bye.




Hoy bakit ang sakit?! Crush ko lang naman siya ah! Crush lang naman 'yon, Claire! Bakit ang OA ko?! Arghhh kaazar!




After ilang days nalaman kong isa pala sa mga close friends ko ang taong gusto niya. Si Ina. Di ko naman siya masisisi kung magustuhan niya 'yon. Maganda si Ina. Kalog, matalino, talented, close din sila, at maraming parehas na gusto. Compatible na compatible silang dalawa sa isa't- isa. Lugi ako.




But anyways, ayos naman na 'yon. Nakamove on na ko ngayon sa kaniya. Hanggang ngayon hindi pa rin sila ni Ina pero alam kong malapit na ring mangyari 'yon. Masaya naman sila sa isa't-isa e. Ang sarap nga nilang tignan. Ship ko sila hehe.









-binibining tunay♡

Pinagsama-samang Akda at Tula ni Binibining TunayWhere stories live. Discover now