(Errors Ahead)
I am Kyle. I have a long time girlfriend named, Leigh. Almost a decade na kaming in a relationship and today, I will going to do my proposal. I want to spend my life with her. She's the woman of my dream. Siya 'yung nakikita kong magiging ina ng mga anak ko. Siya 'yung makakasama ko hanggang sa huling hininga ng buhay ko.
Inimbitahan ko ang both sides ng family namin at 'yung mga closest friends namin. My girl is a precious one. Gusto kong magpropose sa kaniya sa harap mismo ng mga unang taong naging parte ng buhay naming pareho.
Kaninang umaga lang ay niyaya ko lang siyang magdinner date and she said yes. Walang ni katiting na ideya na yayayain ko na siyang magpakasal ngayon.
Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa venue ay agad nang tumugtog ang kantang 'A Thousand Years'. Favorite niya kasi ito at gusto ko muna siyang isayaw.
"Can I dance with you?" Masuyong tanong ko sabay lahad ng aking kamay. I was wearing a formal attire while she is just wearing her usual office uniform but darn! She's still beautiful. No. She is gorgeous!
"What is this?" Nagtatakang tanong niya.
"You are so beautiful, my love. I am so lucky to have you." Sabi ko sa halip na sagutin ang tanong niya.
"Ahuh?" May pagkasarcastic na tugon niya na nakataas pa ang kilay.
"Oh come on, let's dance." Yaya kong muli sa kaniya.
"Ugh, sure." Sagot niya na lang sabay irap. Ang babaeng ito talaga. Ayaw na ayaw ng mga ganitong bagay. Mas gusto pa niyang magtrabaho magdamag kaysa samahan ako sa mga ganitong klaseng 'kaartehan' daw. But anyways, mahal ko naman siya e, so her attitude did not really matters.
"Naalala mo no'ng una tayong nagkita sa canteen no'ng highschool? Nakasimangot ka no'n kasi may mali kang isa sa mathematics. Inalok kita ng biscuit at softdrinks para mapagaan 'yung loob mo pero sinungitan mo lang ako. Grabe! Napakataray mo talaga." Pagrereminisce ko sa mga ala-ala namin noon.
"Yah, ofcourse. Ilang ulit mo pa nga akong pinilit kaya tinanggap ko na lang." Walang emosyong tugon niya.
"Oo nga e. Tapos simula no'n lagi na kitang inaabangan sa canteen while hoping na sana makita kita. Hanggang sa tinanong ko kung pwede ba 'kong manligaw." Kwento kong muli.
"And I said no." Mabilis na sagot nito na nagpakati naman ng ulo ko.
"Haha yah. You said No a hundred times. Pero syempre 'di ako sumuko 'no? Si Kyle Alvarez yata 'to. Walang sinusukuan." Pagmamayabang ko sa kaniya. Maya-maya pa ay nakita kong tumutulo na ang mga luha niya.
"Love, what's wrong? May nasabi ba 'kong mali?" Nag-aalalang tanong ko habang pinupunasan ang mga luha sa mata niya.
"N-nothing. M-masaya lang ako. Narealize ko kasing ang swerte ko pala. Ang swerte ko kasi hindi mo ako sinukuan kahit na kasuko-suko na 'yung ugali ko. Napakaswerte ko sa'yo." She said and then hugged me.
Sakto namang natapos na ang kanta at muling tumugtong ang kantang 'Marry Me'. Isa-isa nang nagsilabasan ang mga taong espesyal sa amin na may hawak-hawak na mga salitang 'Will You Marry Me'.
"Love, simula sa unang beses na nakita kita sa school canteen noong highschool pa lang tayo, alam ko sa sarili kong ikaw na 'yung babaeng pakakasalan ko. Hindi na 'ko nagdalawang isip na ligawan ka kasi gustong-gusto ko na talagang mapasa'kin ka at ayoko ng maunahan pa 'ko ng iba. Makailang beses mo man akong binusted noon at pinahirapan, makailang ulit ka mang nakipaghiwalay at gumawa ng paraan para iwan kita, umabot man tayo sa puntong parang wala na talagang pag-asa, napunta man tayo sa pagkakataong parang wala na talaga, pinasasalamatan ko pa rin si God kasi He helped me. And until now, He still helping me. 'Yong mga taong mahahalaga sa'tin, simula sa parents nating dalawa hanggang sa mga kaibigang mayroon tayo, lahat sila saksi kung gaano kahirap lahat ng pinagdaanan natin. Pero love, 'di ba kinaya naman natin? Kaya for sure, kung may darating mang iba pang pagsubok, alam ko na kakayanin ulit natin 'yon. Love, gusto kong ikaw na 'yung babaeng makasama ko hanggang sa pagtanda ko. Gusto kong ikaw 'yung huling taong makikita ko sa pagpikit ko ng mga mata ko sa gabi. Gusto kong ikaw yung unang makikita ko sa umaga. Love, I want to spend my entire life with you. Angeleigh Reyes, will you marry me?" Tanong ko sabay luhod sa harap ng babaeng mahal na mahal ko.
"Kyle. It's almost a decade since makilala kita. Alam ko kung gaano kahirap pakisamahan yung taong kagaya ko. Alam kong hindi madali. Ang hirap kong intindihin at alam kong puro sakit lang yung naibibigay ko sa'yo. But Kyle, I just want to say thankyou because you made me feel loved. You made me feel loved even I don't know how it really feels. Salamat sa pagmamahal mo. Hindi ko man maramdaman 'yon at madalas kitang paalisin dahil ayoko sa presence mo. Madalas man kitang itaboy at iwan, hindi ko man alam kung ano yung pagmamahal na sinasabi niyo, but trust me, I am so thankful that you came into my life. Thankyou for staying and for giving color to my lifeless world. I am glad you exist. And yes, I will marry you, Kyle. I will marry you, my love." She said and kiss me on my forehead.
That was the very first time that she calls me 'love'. That was also the very first time na narinig ko yung side niya. And lastly, that was also the very first time na dumampi ang mga labi niya sa balat ko.
Nagpalakpakan ang lahat ng naroon habang nag-iiyakan. Binuhat ko siya at niyakap ng mahigpit.
Siguro nga hindi niya alam kung paano magmahal. May pagkakataong nagiging selfish siya at nagiging self-centered. Minsan naman parang wala siyang pinahahalagahan. May mga pagkakataon mang gusto na niyang tapusin ang buhay niya dahil sa pain and sadness na nararamdaman niya. Pero kahit na gano'n, never akong magsasawa sa babaeng 'to. Mahal na mahal ko siya at ayoko nang mawala pa siya. Hindi ko man marinig ang mga katagang iyon mula sa kaniya, pero isa lang ang masasabi ko. Masaya na 'ko, dahil tulad ng mga magulang at ilang kaibigan niya, gusto na rin niya 'kong maging parte ng buhay niya. At para sa akin, napakalaking bagay na no'n.
-binibining tunay♡
YOU ARE READING
Pinagsama-samang Akda at Tula ni Binibining Tunay
DiversosIsang aklat na may makulay na pabalat, tagpi-tagping mga pahina, at nakatagong mga kabanata. -binibining tunay♡