(Errors Ahead)
"Oh, kailan ang kasal?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ko noong minsang sumama ka sa'min sa paggagala.
"Hindi ko alam pero malapit na." Mabilis mong sagot sabay tingin sa'kin. Napabilis niyon ang pagpintig ng aking puso. No'ng mga panahong 'yon, do'n ako unang nakasigurong gusto na nga kita.
Lumipas ang ilan pang buwan at mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko para sa'yo. Umabot pa nga sa puntong kahit hindi kagandahan ang boses mo ay patuloy ko pa ring pinakikinggan ang vm na sinisend mo sa'kin na para bang ito ang pinakamagandang musika na maaari kong marinig.
Hindi nagtagal ay nagkaroon tayo ng mas malalim na pagtingin para sa isa't-isa. Minahal kita, at minahal mo rin ako. Nagkaro'n pa nga tayo ng endearment 'di ba? Babe. Nakakatuwa lang kasi parang unang beses kong makaranas ng ganito. Hindi ko naman first time na magkaro'n ng lalaki sa buhay ko pero para bang 'una' lahat ng bagay na ginagawa mo para sa'kin. Sa'yo ko naranasan ang lahat ng 'first' sa buhay ko. Nahulog ako sa'yo na para bang isa kang bangin na walang hangganan.
Ngunit hindi nagtagal, nalamang kong ikaw ay lilisan na. Masakit nga lang kasi hindi mo man lang nasabi sa'kin ang bagay na iyon noong magkasama pa tayo. Pakiramdam ko tuloy ay parang wala lang ako sa'yo.
Hanggang sa tuluyan na nga tayong hindi nag-usap. Doon ka na rin nag-umpisang magpost at magshare ng mga bagay na alam kong hindi para sa'kin. Para sa kaniya. Sa babaeng hindi naman ikaw ang gusto. Ewan ko ba naman kasi sa'yo, nandito naman ako pero pilit mong hinahabol ang babaeng binibini rin naman ang gusto. Pero wala naman akong magagawa e. Sa kaniya tumibok ang puso mo. Bagay na hindi mo nagawa no'ng magkasama pa tayo. Siguro nga tama ang mga kaibigan ko, nagawa mo na rin sa iba ang mga bagay na ginawa mo sa'kin noon. At ngayon, sa kaniya mo naman ginagawa ang mga ito.
Ngunit ayos naman na'ko ngayon. May iba na rin akong nakakausap. Napaparamdam niya sa'kin ang mga bagay na hindi mo naparamdam noon. Nalagpasan niya yung standards na sinet mo. Pero parang may kulang pa rin e. Sa tuwing nakikita kitang nagcocomment at nagrereact sa mga shared post niya, naiisip kong sana ako nalang siya. Nakita ko nga pala kayong magkasama no'ng isang araw sa mall. Grabe, ang saya mo. Ang saya-saya ng mga mata mo. Hindi ko nakitang ganiyan 'yan noong ako ang kasama mo. Wala e, hindi kasi ako. Hindi kasi ako siya. Kahit ano naman yatang gawin ko, hindi ko siya malalagpasan.
Pero bakit ko pa nga ba siya kailangan pang lagpasan? Makikita ko rin naman ang lalaking para sa'kin na batid kong hindi ikaw. Magiging masaya rin naman ako. 'Yung saya na hindi lang abot hanggang tenga. Kun'di ay ngiting kita sa mata. Geniune happiness kung baga.
Ngunit sa ngayon, hahayaan ko munang maghilom ang sugat ng nakaraan bago ko muling suungin ang panibagong laban. 'Time will heal the wounds' ika nga nila. 'Things will be fall into places soon'. Sabi nga ng isa sa mga kaibigan ko. Malalagpasan ko rin ito. Lalaban ulit ako.
-binibining tunay♡
YOU ARE READING
Pinagsama-samang Akda at Tula ni Binibining Tunay
AléatoireIsang aklat na may makulay na pabalat, tagpi-tagping mga pahina, at nakatagong mga kabanata. -binibining tunay♡