(Errors Ahead)
First day of school ngayon. Wala akong kakilala ni isa. Hindi ako gano'n kafriendly kaya walang kumakausap sa'kin. Until a girl approaches me.
"Hey, may kasama ka na bang kumain mamaya?" Tanong niya. Saglit ko muna siyang tinitigan bago nagsalita.
"Wala pa e. Bakit?" Balik tanong ko sa kaniya.
"Wala rin kasi akong kasama. I just want to ask you if gusto mong tayo na lang dalawa ang magsabay?" She asked.
"Sure. No problem." Sagot ko naman.
"Yey! By the way, what's your name nga pala?" She asked again.
"Mathea. Mathea Rodriguez. Ikaw?" Balik tanong ko.
"Hi Thea! I'm Francine. Francine Mendoza. But you can call me France if you want. I'll call you Thea nalang from now on ha? Okay lang ba?" Panghihingi niya ng permission sa'kin.
"Oo naman. Walang problema." Sang-ayon ko.
Maayos naman ang naging pagkakaibigan namin ni France. Sobrang bait niya at maganda pa. Bukod pa ro'n, matalino rin siya at maboka. Marami rin kaming bagay na napagkakasunduan. Even crushes.
"Thea, thea!" Tawag niya sa'kin.
"Oh bakit?" Tanong ko.
"Owemji, Thea! Miguel was there, our crush!" Excited na saad niya.
"Talaga? Saan?" Excited rin na tanong ko.
"Ayon oh! He's staring at us!" Kinikilig na saad niya.
"No, France. He's just staring at you. Not on me." Pagtanggi ko.
"Gano'n ba? E why naman? He should stare at you, too. Crush mo rin siya e." Reklamo niya.
"Ano namang connect no'n, France?" Takang tanong ko.
"I don't know. I just want him to stare at you, too. Para 'di unfair, hehe." Saad niya.
Dumaan ang ilang linggo. Masyado kaming naging busy kaya 'di na kami masyadong nagkakausap ni France. Kampante naman akong ayos lang siya. Alam kong kaya niya ang sarili niya. Malaki na siya.
"Thea?" Tawag niya sa'kin noong minsang nag-aayos ako ng mga paper works ko.
"Oh, ano 'yon?" Tanong ko.
"I have to tell you something." Nag-iba ang tono ng boses niya kaya itinigil ko muna ang ginagawa ko.
"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ko.
"Kami na ni Miguel." Kasyuwal na saad niya.
"Oh? Great." Gosh di ko alam irereact ko. Ultimate crush ko si Miguel at alam ni France 'yon. I feel betrayed.
"Di ka ba magagalit?" Nag-aalangang tanong niya.
"Huh? Ofcourse not. Ayos lang." Sabi ko sabay ngiti.
Aminado naman akong mas maganda siya kaysa sa'kin. Mas matalino rin at mas friendly. Pero best friend ko siya e. Dapat 'di niya ginawa sa'kin 'yon. Ang gara naman.
Lumipas ang ilan pang taon. Best friend ko pa rin si France. Ayos na kami. Wala na kaming problema.
I was walking on the aisle while seeing Miguel at the end of it, waiting. Napakasaya ko. I'm so thankful. Nakarating na 'ko sa pwesto ko. Naghihintay na lang ng senyas.
Senyas sa pagpasok ng bride. May best friend, Francine. Yes, ikakasal na siya. Ikakasal na siya sa ultimate crush ko. Sa lalaking pangarap ko. Masakit. Mahal ko silang pareho e. But at the same time, masaya. Mahal nila yung isa't-isa e. Wala na 'kong magagawa. Susuportahan ko na lang sila.
-binibining tunay♡
YOU ARE READING
Pinagsama-samang Akda at Tula ni Binibining Tunay
De TodoIsang aklat na may makulay na pabalat, tagpi-tagping mga pahina, at nakatagong mga kabanata. -binibining tunay♡