(Errors Ahead)
Ako at ikaw;
Bata man o matanda;
Kawakasan at simula;
Darating tayo sa hangganan.
Ehemplo noon ng salitang 'paraiso';
Gaya ng hardin kung saan nanirahan ang unang mga tao;
Hayop na malaya at hindi pa uso ang salitang 'gulo';
Ilan lamang sa mga mumunting ala-ala nito.
Lahat ay pawang naglaho;
Maglalakbay tayo sa mundo at tayo ang dayuhan nito;
Nasaan na ang dating saya mo?;
Oh wala na nga, nabura na ang mga ito.
Paraisong aking nakagisnan;
Yaong na sa panaginip na lamang.-binibining tunay♡
YOU ARE READING
Pinagsama-samang Akda at Tula ni Binibining Tunay
De TodoIsang aklat na may makulay na pabalat, tagpi-tagping mga pahina, at nakatagong mga kabanata. -binibining tunay♡