Under His Sleeve
ALAS DOSE NA RIN ng hating gabi nang makaalis na sila sa art gallery. Dahil sa labis na kalasingan ay nakatulog na rin si Maximo at tila hindi alintana ang nangyayari sa kaniyang paligid.
"Mukhang alam ko na kung sino ang may gawa nito kay Lord Andrew," ani Asher habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe. Maximo was still not informed about his father's current condition.
"Who would it be?" tanong ni Venjamin habang pinaglalaruan ang isang kamay ni Ian.
"Sino bang nagbanta sa pamilya ni Maximo?" natahimik naman ang magkakaibigan sa narinig. Napa-isip sila kung sino ang maaaring sisihin sa pangyayari hanggang sa sabay-sabay nilang nabanggit ang isang pangalan.
"Si Sebastian?" they guessed in chorus.
"Allegedly." Asher was just looking out the car window, watching the hustle and bustle of the highway. "Wala naman tayong patunay na siya nga but as of now, siya ang nakikita kong suspect sa pagbaril kay Lord Andrew dahil siya lang naman ang nagbanta sa pamilya ni Maximo." Everyone was just nodding around, agreeing wth what he said.
"Malabong makatakas si Sebastian o kung sino man siya. Kilala ko si Lord Andrew at si Lady Jeddah, alam nila kung anong gagawin nila para mahuli ang may sala. Kung minsan ay pinadudukot pa nila para lang makaganti sila," pagsingit naman ni Ian na kasalukuyang abala sa pagmamaneho.
"Grabe talaga ang pamilya nitong si Maximo. Matatakot ka na lang ding kalabanin, eh."
"Talagang grabe, pero malakas ang pakiramdam ko hindi lang din basta-basta si Sebastian. He has tons of cards under his sleeves," wika naman ni France.
"Kaya ikaw palagi kang mag-iingat sa trabaho mo, ah?" may pagpapaalalang sabi ni Venjamin sa kaniyang nobyo.
"Oo naman. Hindi rin ako pababayaan ni Maximo kaya safe ako."
Kabisadong-kabisado na ni Ian kung paano tumatakbo ang buhay ng pamilya Reyes at sa ilang taon niyang pagsisilbi sa pamilyang 'yon ay nakita at naranasan niya na halos lahat ng maka-agaw buhay na senaryo na puwede niyang kaharapin. Their power and connections are enough to pave the way and win every game. Iba kung maglaro ang mga mayayaman, 'yan ang isang bagay na natutunan niya sa pamamalagi sa mga Reyes.
Habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe ay siya namang pagtunog ng cell phone ni Maximo.
"Oy, pre. May tumatawag sa'yo." Ginising naman ni France sa kaibigan.
"Hayaan mo 'yan," sambit niya sa mababa at lasing na boses.
"Sagutin mo na muna saglit." Sumunod naman si Maximo sa sinabi ni France at sinagot nga ang tawag.
"Hellㅡ" he was cut to his line when Sarah exclaimed from the other line.
"Buwisit ka! Nasaan ka?"
"Not your business."
"Fuck you! I'm your wife! Nabaril 'yung tatay mo ganiyan ka pa rin umasta? How very dare you to say that?!" Kahit na sobrang lasing si Maximo ay mabilis naman siyang natauhan sa kaniyang narinig.
"Ano?" He tidied himself up before taking the call seriously.
"Nasa hospital si tito ngayon! Dahil diyan sa paghahabol mo sa lalaking 'yan ito ang nangyari sa tatay mo!" Halos hindi maibuka ni Maximo ang kaniyang bibig dahil sa labis na pagkagulat.
BINABASA MO ANG
Wonderstruck
RomanceMaximo Reyes rejected multiple arranged marriages in pursuit of his philandering life, until he finds himself with no other choice but to walk down the aisle and marry the woman he once used for his sexual fantasy. While their family is widely known...