CHAPTER 1

1.6K 56 11
                                    

Arrange Marriage

ABALA ANG LAHAT ngayong hapon dahil sa isinasagawang reopening ng art gallery ni Maximo Reyes. Ito ang kahulugan ng buhay para sa kaniya, ang sining. This is what I want, it feels like I'm being true to myself every time I stroke the paint brush on the plain white canvas.

Naka-antabay na ang mga reporter at ibang media sa labas ng gallery kung saan naroroon ang red carpet. Naging laman ito ng usap-usapan dahil tanging si Maximo lamang ang gumawa nito sa kanilang pamilya. Para sa mga Reyes maliban kay Maximo, ang sining ay parang isang play moneyㅡwalang halaga.

The art gallery of Maximo Reyes was reopened to the public for some personal reason. Nitong nakaraang dalawang taon, sapilitang ipinasara ng ama't ina ni Maximo ang kaniyang art gallery sa kadahilanang ayaw niyang tanggapin ang inaalok na kasal. I don't know her face, her likes and dislikes, in short I have no idea about her life. Hindi ako pakakasal sa taong hindi ko naman mahal.

Nabalot na lang ng ingay ang buong paligid ng art gallery nang tuluyan na ngang dumating ang tagapagmana ng mga Reyes. Maximo's wearing a black suit matching the white longsleeve as an internal clothing, a branded wrist watch, and a brown leather shoes. Mabilis na naaagaw ang atensyon ng mga kababaihan dahil sa labis na kaguwapuhan nito. He's tan, tall, and masculine that makes him even more enticing. May mga bagong patubo rin siyang facial hairs na mas lalong nakapag-bigay ng hollywood vibe sa kaniya.

"Sir! Please look on this side!"

"Left side, sir!"

"At the center, sir!"

"Look at this camera, sir!"

Mga samut saring sigawan at utos ng mga photographer hanggang sa tuluyan na nga siyang makapasok sa loob.

May mga naganap na seremonya sa loob ng gallery hanggang sa tuluyan na nga silang mag-ribbon cutting. Nagpalakpakan ang lahat at gano'n na rin ang mga tagahanga ni Maximo na naka-antabay sa labas. Maximo couldn't explain how delighted he is right now.

"Sir Maximo, can we have a message from you for your fans or even a short story about the reopening of your art gallery?" tanong ng isang reporter. Kasalukuyan sila ngayong nasa ground floor ng art gallery ni Maximo kung saan naroroon ang karamihan sa kaniyang mga portrait.

"Hi, I'm Maximo," pagpapakilala nito sa masaya at malalim na boses. "Thank you for coming to the reopening of my art gallery. You made me really happy because it's just simply shows that you also love arts. I was so glad that I was able to show you my talent when it comes to arts, especially painting. Art is everything to me, you know, so thank you for coming. Katulad ng dati, hindi ko ipinagbebenta ang aking mga likha dahil ginawa ko ang mga ito ayon sa kagustuhan kong ipakita at ilabas ang tunay kong nararamdaman. Hanga ako sa mga taong kumikita sa sining dahil sila lamang ang nagpapatunay na ang sining na kinagigiliwan natin ay hindi kagaya lang ng isang play money na walang halaga." Agad namang nagpalakpakan ang mga tao sa loob kung saan sila naroroon.

Matapos ang pangyayaring 'yon ay isa-isang ipinakilala ni Maximo ang kaniyang mga likha sa mga bisita bago nito pinapasok ang kaniyang mga tagahanga. His art gallery is all for free.

"Sir Maximo, bakit po walang portrait or kahit na anong painting 'yung wall na 'yon?" pagtutukoy ng isang babaeng tagahanga ni Maximo sa isang dingding sa dulo na walang kahit na anong nakalagay. May maliliit na spotlights na nakatapat sa dingding na 'yon tanda na isa 'yon sa mga dapat paglagyan ng painting o portrait ngunit nananatili 'yong blangko. Tumitig lang si Maximo sa puting dingding na 'yon bago tumingin sa babae.

"I want to hang there my most valuable, memorable, and greatest portrait that I will ever make. Sa tingin ko hindi ko pa 'yon nagagawa dahil hindi pa rin naman ako nakakalaya sa..." napahinto na lang si Maximo sa kaniyang pagsasalita nang may bigla na lang sumigaw mula sa entrance.

WonderstruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon