News Article
EXCEPT FOR MAXIMO, who was eating his own food, everyone in the dining room was busy playing with the three-year-old little Maximo.
"Max, honey, don't want to join us?" nakangiting sabi ni Sarah sa kaniya pero binigyan niya lang ito ng blangkong emsoyon. Kakain na sana siyang muli nang muling magsalita ang kaniyang ama.
"Maximo, parang hindi ka kinakausap ng asawa mo, ah? Ganiyan ba ang tinuro ko kung paano tratuhin ang babae?" Lord Andrew's voice escalated immediately, and that caught everyone's attention, including little Maximo.
Maximo gracefully put down his spoon and fork before he diverted his dead gaze to his father. "Sige, iparinig mo sa anak ko kung anong klaseng lolo ka," mahina lang 'yon ngunit punong-puno nang diin.
Naputol na lang ang tensyon sa pagitan ng dalawa nang biglang magsalita si little Maximo.
"Papa, I want a wot of toys!" tuwang-tuwang pagkakasabi nito na sinabayan pa ng mosyon ng dalawang kamay na animo'y gumagawa ng malaking mundo. Napatawa naman ang lahat dahil sa bulol pa ito sa ibang mga letra. Nginitian naman ni Maximo ang kaniyang anak bago nito ginulo ang buhok niya.
"Don't worry, little human. I will buy you a lot of toys, okay? But, you need to finish your food first," he said in a child tone voice. Tila malayong-malayo siya sa ipinapakita niyang ugali kapag si little Maximo na ang kausap niya. Hindi niya kasi hinahayaan na makita ni little Maximo 'yung bad side ng pagiging ama niya kaya hangga't maaari ay pinaparamdam niya rito kung gaano niya ito kamahal.
"Anyways, my kumpare offered me an agreement about marriage between his grandchild and our little Maximo once they reach their twenties." Nanlaki naman ang mata ni Maximo nang marinig niya 'yon.
"Ano?" There was an irritation in his voice when he asked that. Padabog niyang ibinaba ang hawak niyang kutsara't tinidor sa lamesa dahilan para magulat ang kaniyang anak. "I won't allow you to have control over my son's life," may paninindigang pagkakasabi ni Maximo sa kaniyang ama.
Lord Andrew just smirked at him. "Really? Baka nakakalimutan mong anak lang kita."
Ginantihan din ni Maximo nang pagngisi ang kaniyang tatay. "Baka nakakalimutan mo rin na tatay na rin ako. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko."
Habang umiinit ang tensyon ay agad na kumapit ang malaman at maliit na kamay ni baby Ambrose sa pantalon niya.
"Papa, don't get mad. I'm sad when you'we mad." Nakita naman ni Maximo kung paano natakot si baby Ambrose kaya naman mabilis niyang tinawag si Ian.
"Ian!" Mabilis namang pumunta si Ian sa bandang likuran ni Maximo.
"Bakit, Maximo?"
"Ilabas mo na nga muna si Ambrose para makapaglaro-laro sa mini playground niya."
"Okay." Dali-dali naman niyang nilapitan si baby Ambrose at saka ito kinarga. "Let's play outside, little Max!"
Kinikiliti ni Ian si Ambrose para mawala sa isip nito ang mga nakita't narinig niya dahilan para tumawa ito nang tumawa. Nang mawala na sa senaryo ang bata ay roon na lumabas ang totoong galit ng ama ni Maximo.
"Huwag mo akong pagmalakihan!"
"Hindi naman talaga ako magmamalaki dahil hindi kita kaugali!"
"Talagang hindi! Wala naman akong baklang anak, eh!"
Maximo just smirked at him before he rubbed his chin. "'Yan, 'yan ba 'yung klaseng buhay na ibibigay mo sa anak ko? Psh, huwag na lang! Mas gugustuhin ko pang magkagusto ang anak ko sa kapwa niya lalaki kaysa tanggapin 'yang walang kuwenta niyong agreement! Tigil-tigilan niyo nga ako sa kahibangan niyo."
BINABASA MO ANG
Wonderstruck
RomanceMaximo Reyes rejected multiple arranged marriages in pursuit of his philandering life, until he finds himself with no other choice but to walk down the aisle and marry the woman he once used for his sexual fantasy. While their family is widely known...