Anguish
"IT'S IMPOSSIBLE FOR HIM TO DO THIS TO ME!" Gaya nang nakasanayan, sinamahan nina Asher at France si Maximo sa art gallery nito para roon mag-inom.
"Pre, para kang tanga kanina ka pa sigaw nang sigaw. Mag-inom na lang kasi tayo at kuwentuhan," natatawang sabi ni France habang inaakbayan si Maximo. Dahil sa kalasingan nito ay hindi na niya nauunawaan nang maigi ang mga naririnig niya galing kina France at Asher.
"Ang sakit no'n, France! Sobrang sakit kung alam mo lang! Halos makalimutan ko na 'yung sarili kong buhay dahil sa kakaisip ko sa kaniya dahil sobrang mahal ko nga siya tapos ganito? Masaya siyang bumubuo ng pamilya kasama si Sebastian habang ako rito naghihintay at hinahanap siya!" napakahaba ng kaniyang sentimyento at nauunawaan naman ng dalawa kung saan siya nanggagaling.
They've seen what he's been through these past seven months just to find the man he really loves, but Asher was not oblivious to this. He had imagined this beforehand. He knew that it was possible for William to get his peace of mind and move on, especially if he's with Sebastian to help him forget Maximo.
"Pero hindi natin maaaring isisi kay William 'yung nararamdaman mo dahil unang-una sa lahat valid naman 'yung dahilan ng tao kung bakit kinailangan niyang lumayo," pagpapaintindi naman ni Asher sa kaibigan.
"Kahit na!" He stood up while his body's swerving, looking at the big nude painting in front of him. "Akala ko talaga kami na ni William hanggang dulo. Akala ko ilalaban niya 'yung nabuo naming samahan but I was wrong." Tumayo naman si Asher para akbayan si Maximo dahil umiiyak na naman ito sa harapan ng painting ni William.
"Gabi-gabi ka na lang kamo umiiyak."
"Wala, eh. Mahal ko talaga 'yang lalaking 'yan."
"Maximo?"
His question elicited no response from the latter.
"Why don't you try to move on?" mabilis namang napatingin si Maximo sa kaniya.
"What? I wouldn't do that. Kung mas mahina ang loob ni William, mas kailangan kong maging matatag para sa kaniya. Kapag sumuko ako, hindi ko alam kung magiging masaya pa ba ako sa buhay ko."
"But, your man was with Sebastian already," pagsingit naman ni France na mabilis ding sinabatan ni Maximo.
"Hindi mahal ni William 'yung kaibigan niya. He told me that before. Naniniwala ako na hindi niya ako magagawang ipagpalit sa mokong na 'yon!" matapos niyang sabihin 'yon ay agad naman niyang nilagok 'yung hawak niyang alak.
"Paano kung totoo nga 'yung sinasabi ko?" France asked in a whisper and in all seriousness. Napalunok lang ng laway si Maximo at doon mas lalong tumulo ang luha niya. Ramdam na ramdam ng dalawa kung gaano nilalabanan ni Maximo 'yung gano'ng klaseng ideya. Alam kasi ni Maximo sa sarili niya na posible 'yong mangyari kina William at Sebastian pero mas pinipili niyang huwag isipin 'yon dahil may tiwala siya kay William.
Tang ina, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag nalaman ko pang may relasyon silang dalawa. Sebastian was with him along the way. Maaaring siya ang maging kasangga ni William sa lahat ng pagkakataon at sa oras na maipanganak na ang anak niya. Ayokong mangyari ang bagay na 'yon. Sa'kin lang si William. Walang ibang lalaki ang dapat na umagaw sa posisyon ko sa buhay ni William kundi ako lang dapat.
BINABASA MO ANG
Wonderstruck
عاطفيةMaximo Reyes rejected multiple arranged marriages in pursuit of his philandering life, until he finds himself with no other choice but to walk down the aisle and marry the woman he once used for his sexual fantasy. While their family is widely known...