CHAPTER 28

342 23 2
                                    

Man Who Saved Him

"HOW'S THE SHOP?" Maximo asked over the phone.

"It's all good, Kuya. Don't worry."

"Mabuti naman kung gano'n. By monday baka bumisita ako riyan sa shop para naman masamahan kita." Hindi rin maiwasan ni Maximo na mag-alala sa kapatid at baka mamaya ay hindi lang ito nagsasabi na nahihirapan siya roon.

"Ayos lang ako rito, Kuya. Huwag mo na ako masyadong isipin."

"Oh, sige. Basta mag-iingat ka, ah?"

"Copy that."

"Sige na, kailangan na ako rito."

"Wait, bago mo ibaba 'yung tawag may gusto sana akong itanong."

"Ano 'yon, Lucius?"

"Okay ka na ba talaga?" Maximo was halted upon hearing Lucius' question. Hindi niya agad nasagot ang tanong ng kaniyang kapatid dahil kahit siya mismo ay napatanong sa sarili niya.

Okay na nga ba talaga ako?

Isang buwan na rin kasi simula no'ng magpunta ako sa shop at isang buwan na rin pala simula no'ng magkita kaming muli ni William.

He had no idea that I am in his shop, so he took a visit. Magsasara na sana ako ng shop dahil alas nuebe na ng gabi nang makita ko siya sa kabilang kalsada, doon nakatayo habang pinagmamasdan ako.

Halos tumigil ang mundo ko nang magkita kaming muli ni William makalipas ang halos pitong buwan.

"W-William!" pagtawag ko nang subukan niya akong takasan.

I ran as fast as I could to reach him and I didn't fail. The moment I hugged him from behind, my longing and swooning tears fell on my cheeks as if I found the most fundamental puzzle piece I needed in the game.

"Aalis ka na naman?" Hindi ko na talaga napigilan ang labis na pag-iyak dahil sa pagka-miss at mas lalo kong hinihigpitan ang pagyakap sa kaniya para hindi na siya makawala pa.

He's wearing an all black winter coat with a cap on his head. Siguro para hindi siya makilala ng mga tiga-rito na binibisita niya pa ang shop niya.

"Maximo..." mahinang pagkakasabi nito at hinahayaan lang ako na yakapin siya.

Namiss ko nang sobra 'yung boses na 'yon. Malamig, mahina ngunit nakakapanindig balahibo. Matagal ko ng gustong marinig ang boses na 'yon.

"William, mahal na mahal na mahal kita." 'Yon agad ang lumabas sa aking bibig kasabay ang mas marami pang mga luha.

"Maximo..." William tried to loosen my arms from cuddling him but I tightened it even more."Hindi ka aalis."

"Maximo, kailangan ko nang umaliㅡ" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya nang luwagan ko ang yakap ko.

"Sabi ko hindi ka aalis." At doon ay hinila ko siya pabalik sa loob ng shop.

"Ano ba Maximo?"

"Ano? Ilang buwan kang nawala tapos aalis ka na naman?" Natahimik naman si William sa narinig niya mula sa'kin.

"Hindi mo ba alam kung gaano na ka-mesirable ang buhay ko no'ng umalis ka? Ang tagal-tagal na kitang hinahanap sa tingin mo ba hahayaan na naman kitang mawala?" I know I sounded desperate and hopeless but I really love him.

"Maximo, hindi mo ba ako naiintindihan?"

"Paano kita maiintindihan kung takas ka nang takas?" Napabuntong-hininga na muna si William bago niya ako seryosong hinarap. He took his black cap off and stared at my eyes. Those stares held thousands of emotions he wanted to burst in me.

WonderstruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon