Caught
THREE YEARS AGO, the time when William and Maximo's lovely journey was officially ended. It was a pathway direction and a whirlpool of undetermined kind of pain but they had to surmount it. Tatlong taong nakalipas mula noong ikasal si Maximo at ang panahong tinuldukan na ang pag-ibig gamit ang pagtakas.
Panahong hindi pa matanggap ni William sa sarili niyang wala na talagang pag-asa ang kanilang pagmamahalan ni Maximo ngunit alam niya rin sa sarili kung ano ang dapat panghawakan at bitiwanㅡand in their case? Maximo is worth letting go as he had his own reponsibilities that needed to be resolve. 'Yon na lang para matapos na ang lahat.
Malaki rin ang pasasalamat ni William kay Sebastian dahil hindi talaga siya nito iniwan hanggang sa kasalukuyan. He helped him get over of the past and started a new journey with the same person he was with since six years ago, the first person who spent his life just to live with him in the shopㅡSebastian Portavaga.
Sa muling pagbabalik nila sa London, sinigurado ni Sebastian na hindi na muli mangungulila si William.
I will always be his shoulder whenever things get heavy and I will always be arms whenever he wants someone to hold on.
Limang buwan ang lumipas at nakikita ni Sebastian ang malaking pagbabago sa buhay ni William. Naging masiyahin na ulit ito at kung iisipin ay hindi na siya naaapektuhan pa ng nakaraan. Dahil doon ay napagpasyahan ni Sebastian na opisyal nang manligaw kay William pero sinigurado na muna niya na magiging maayos ang sitwasyon ng kaniyang magulang sa lalaking liligawan niya.
"William? We knew that we did a ridiculous repulsion to your life and we're very sorry for that. Sa totoo lang, 'yung limang buwang pananatili mo rito sa mansion, doon ko lang nakita na totoo pa lang mabuti kang tao. Ang sama tuloy ng loob ko sa sarili ko dahil hinusgahan agad namin 'yung nararamdaman ni Sebastian para sa'yo."
"P-po?" Hindi maintindihan ni William kung bakit bigla na lang naging ganito ang usapan sa salas kung saan sila naroroon ngayon. He looked at Sebastian meaningfully, hoping to get some clue about the current strange conversation. The latter just let him hear the words of his parent and didn't say a word.
"Alam namin naguguluhan ka pero hahayaan na namin kay Sebastian ang pagpapaliwanag. Pero gusto ko sanang sabihin sa'yo na matagal-tagal ding nawala si Sebastian para lang mamuhay nang simple kasama ka at ngayon na bumalik na siya rito sa amin? Doon lang namin mas naintindihan na wala pa lang dapat husgahan sa nararamdaman ng anak namin."
"W-wait po. I'm really trying my best to connect the pieces." William was just smiling sheepishly while scratching the back of his head. Napatawa na lang ang magulang ni Sebastian bago sila tumayong dalawa at saka pumunta sa pang-isahang sofa kung saan nakaupo si Sebastian.
"Alam namin kung gaano mo kamahal si William, kaya anak gawin mo ang lahat para mahulog din ang loob niya sa'yo, ah? Just trust the timing. May tiwala kami sa'yo."
William was speechless.
Nagkatitigan lang sina Sebastian at William dahil sa sinabi ng tatay nito.
"Maiwan na muna namin kayo." Hindi pa man nakakapagsalita si William para linawin ang nangyayari nang biglang hawakan ng ina ni Sebastian ang kamay niya.
"Kung sakali mang mahanap ni Sebastian 'yung lugar niya sa puso mo, lagi mo lang tatandaan na nasa inyo ang blessings ko."
"S-salamat po," 'yon na lang ang tanging sagot niya kahit na sobra siyang naguguluhan.
Hindi ko alam ang isasagot ko.
Matapos nilang sabihin 'yon ay iniwan na nila ang dalawa sa salas para makapag-usap ito nang masinsinan.
BINABASA MO ANG
Wonderstruck
RomansaMaximo Reyes rejected multiple arranged marriages in pursuit of his philandering life, until he finds himself with no other choice but to walk down the aisle and marry the woman he once used for his sexual fantasy. While their family is widely known...