CHAPTER 38: REVELATION

32 18 16
                                    


TAEYONG POV

Matapos ang mga sinabi ko sa presscon kanina ay sandamakmak na sigaw ang ginawa sa akin ni Manager.

"Nasisiraan ka na ba LEE TAEYONG?"

"Walang mali sa ginawa ko okay! Sinabi ko kung ano ang totoo!" mahinahong sagot ko. 

"WALA? WALAAAAA? EWAN KO BA SAYONG BATA KA! PAANO KA NA NGAYON? PAANO NA ANG CAREER MO? DAHIL SA SINABI MO KANINA, HALOS KALAHATING MILYON ANG NABAWAS SA BILANG NG MGA FANS MO WORLDWIDE! NAIINTINDIHAN MO BA?" sigaw niya sa akin.

"Yes Manager!"

"Yon naman pala eh! Pero ano to? Ano yung ginawa mo? Hindi ito yung plano eh. Hindi ko magawang pagalitan si Rose dahil walang mawawala sa kanya eh, pero sayo??? Halos lahat ng pinag hirapan mo mawawala. Paano na ang grupo mo? Paano nalang sila kapag nawala ka? Naisip mo ba yon?"

"Alam ko kung anong ginagawa ko Manager, please hayaan mong hawakan ko ito."

"At sa tingin mo papayagan kita?"

"MABUTI NG ALAM NG LAHAT NA MAY RELASYON KAMI, MAY MGA BAGAY NA MAHIRAP SABIHIN SA INYO MANAGER."


Walang nagawa si Manager kundi iwan ako dito sa loob. Nang makalabas na ito ay agad na pumasok si Rose kasunod ang pinsan nitong si Eun Woo.


"Taeyong! Bakit mo sinabi yon! Bakit?" umiiyak na tanong nito. Lumapit ako sa kanya at niyakap ito.

Kanina bago ang presscon ay tinawagan ko si Eun Woo at sinabi sa kanya ang buong detalye ng nangyari kahapon. 

Plinano na namin na sabihin ang totoo sa media dahil ito ang paraan upang malayo si Rose sa lolo niya. 

Mismong mga ka-grupo ko na din ang nagsabi na sabihin namin ang totoong relasyon namin upang hindi masunod ang gusto ng CEO na paghiwalayan kami, dahil hindi maganda ang kutob namin sa pinaplano ng CEO.


"May mga bagay na mas mabuting hindi mo alam, Mahal ko!" bulong kong sabi rito at niyakap ng mahigpit.




ROSE POV

*AFTER 1 MONTH*

Isang beses sa isang linggo nalamang kung yayain sa guesting ang NCT 127. Napuno ng masasamang kritiko ang pangalan nila dahil sa komprontasiyong inihayag ni Taeyong sa National T.V kung kaya't minsan nalamang din kung lumabas ang mga ito sa dorm nila. 

Noon at  halos tumira na ang mga ito sa practice room nila, ngayon ay nandito lang sila madalas sa sala upang maglaro ng video games at manuod ng mga pelikula. 

Nakakapagtaka dahil parang wala lang sa kanila ang mga nangyayari. At ang mas ikipinagtataka ko ay hindi na nila ako ipinakikilos sa mga  gawaing  bahay.


"Guys, hindi ako bisita okay? Maglilinis ako kung gusto kong maglinis!" inis na sabi ko ng agawin sa akin mark ang walis tambo na hawak ko.

Continuing Our Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon