CHAPTER 42: THE PLAN: PART 1

29 18 15
                                    


TAEYONG POV

Narito kami ngayong lahat ng buong NCT sa sala dahil kaka-uwi lang namin galing sa dinner party na ginawa ni Rose para sa aming lahat.

Totoo ngang "There's a rainbow after the rain" dahil ang mga naging madilim at masakit kong nakaraan nitong mga nakaraang buwan ay napalitan ng isang napakaganda at masarap na pakiramdam. Para itong panaginip na kung saan ay ayoko ng magising pa.

Simula noong araw na dumating si Mr. Lee Soo Man dito kahapon sa dorm namin ay nakita ko sa kanyang mga mata na puno ng sinseridad na humingi ito ng tawad sa akin at sa aming lahat. Pinatawad namin ito, dahil sino ba naman kami diba para hindi magpatawad.

Simula noong araw na nakita ko si Rose ay alam kong siya na, siya na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.

Noong araw na maghiwalay kami ay parang dumilim at nawalan na ako ng ganang mabuhay pa.

Hindi ko kayang mawala pa sa piling ko ang babaeng yon kaya desidido na ako sa gagawin kong yayain itong magpakasal.

"Guys, can i ask you a favor!"

"Naku leader ah, kung isa na naman to sa dahilan para magalit si Rose sa atin, bahala ka diyan. Ayoko na!" natawa naman ako sa naging sagot ni Mark sa akin.

"No, it's not like that. HAHAHA"

"Then, ano iyon?"

"I WANT TO PROPOSE WITH ROSE, MATUTULUNGAN NIYO BA KO?" nahihiyang sabi ko sa kanila.

Halos mabitawan ng lahat ang mga hawak nila at hindi mapaka paniwalang nakatingin sa akin.

"Taeyong? Lasing ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Yuta.

"No, I'm not. Guys, I'm serious. Please help me because I need your help" nagpapa cute ng sabi ko sa kanilang lahat.

"Okay, count me in" excited na sabi ni Lucas.

"Me too" nakatayo pang sabi ni Johnny.

"Ako din ah!" mabilis ding sagot ni Jaemin.

"Game kami diyan!" sabay sabay na sagot ng NCT DREAM AT WAY V.

"Guys, ano na, matutulungan niyo ba ako?" kinakabang tanong ko sa NCT 127 dahil hanggang ngayon ay parang hindi pa din nag si-sink in sa kanila ang lahat ng sinabi ko.

"OO NAMAN YES!" sabay sabay nilang sigaw.

Napuno ng saya at pagdiriwang ang gabing ito sa loob ng dorm namin. Napag desisyunan ng WAY V AT NCT DREAM na sama sama kaming matulog dito sa sala ng dorm naming lahat.

Dahil simula ng sabihin ko sa kanila ang plano para sa gagawing proposal ay excited na ang mga ito na gawin ang mga naka toka sa kanila kung kaya't narito kami ngayon sa sala at sabay sabay na inasikaso ito at natulog.



ROSE POV

Halos ala una ng madaling araw at nakangiting nakatitig pa din ako sa kisame ng kwarto ko  dahil sa nag-uumapaw na saya na nararamdaman ko ngayon.

Ang daming mga bagay na pumasok sa isip ko, tulad na lamang ng yayaing pakasalan si Lee Taeyong dahil alam ko sa sarili kong gusto ko ng makasama ang Taeyong ko habang buhay, ayoko ng mawalay pa sa kanya. Kinikilig naman ako lalo dahil sa mga iniisip ko.

"Bakit ba kasi mukhang walang balak yon magpro-pose, kung ayaw niya AKO ANG MAGPO-PROPOSE" napangisi naman ako dahil sa iniisip ko.

"Rose, Apo gising ka pa?"  napatayo naman ako agad ng pumasok si Lolo Soo Man sa kwarto.

"Yes Lolo, bakit po" mabilis na inayos ko ang sarili ko at bumangon sa kama.

"Narinig ko kasing nagsasalita ka mag-isa kanina pa apo, may kausap ka ba?" nag-alalang tanong ni Lolo sa akin.

Natawa naman ako ng maalala ang plano kong pakasalan si Lee Taeyong.

"Kasi Lolo may gusto po sana akong gawin, diba po nasabi ko na sa inyo ang lakad namin ng buong NCT next week?" nakangiting pagpapa-alala ko kay Lolo.

"Oo naman, bakit apo?"

"KASI LOLO, BALAK KO SANANG YAYAING MAGPAKASAL SI LEE TAEYONG NEXT WEEK DOON MISMO SA BORACAY!"

"A-ANO? NEXT WEEK????!!!!" hindi makapaniwalang tanong ni Lolo dahil ang mga singkit nitong mata ay lumaki dahil sa sinabi ko.

Mukhang hindi ata nagustahan ni Lolo ang sinasabi ko (>0<;)

PAKTAY AKO NITO (;ŏ﹏ŏ)

"BAKIT NEXT WEEK PA? KUNG PWEDE NAMANG NGAYONG LINGGO NA!"

(●__●)

SAPAKIN AKO NGAYON NA! (((;ꏿ_ꏿ;)))

"TALAGA LOLO? PUMAPAYAG KAYONG YAYAIN KONG PAKASALAN SI LEE TAEYONG?" hindi maka paniwalang tanong ko at inaalog alog pa ang balikat ni Lolo.

"OO NAMAN!" nakangiting sabi ni Lolo kaya't masayang tumalon ako at niyakap ito.

"WAAAAH LOLO, MARAMING SALAMAT PO. JUSKO LOLO KUNG ALAM NIYO LANG KUNG GAANO AKO KASAYA SA SINABI NIYO WAAAAH" masayang iyak ko kay Lolo habang yakap ito. Dahang dahang hinimas naman nito ang aking likod.

"Ssssshh tahan na apo. Lahat ng bagay na ikasasaya mo ay gagawin ko dahil Mahal na Mahal kita apo ko"

"Mahal na mahal din po kita Lolo, ikaw ang pinaka the best Lolo in the world"

Hindi ako makatulog sa saya dahil sa mga sinabi ni Lolo at dahil na rin  sa excited kong plano para sa gagawing poprosal.

Kahit madaling araw na ay tinawagan ko ang BTS AT ASTRO upang tulungan ako sa gagawin kong proposal kay Taeyong ko.

Halos hindi makapaniwala ang mga ito sa sinabi ko, inakala pa nilang wrong number ako at isa sa mga Sasaeng Fans ni Taeyong. Buti nalang sa huli ay napapayag ko ang mga ito.

Nasabi ko na rin na isasama ko sila sa Boracay at napaki-usapan ko na ang mga boss nila na i-cancell ang lahat ng schedules nila kaya halos sumigaw ang mga ito sa telepono dahil sa tuwa.

"OKAY PLANADO NA ANG LAHAT. ANG MATAMIS NA 'OO' MO NALANG LEE TAEYONG ANG HINIHINTAY KO"

Continuing Our Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon