ROSE POV"Woooooo Hoooo! Finally makikita na din kita! Mr. Lee Taeyong!" sabi ko habang titig na titig sa mga litrato niyang nasa cellphone ko!
Hello! I'm Rose Ferrer, 24 years old. I'm working here in South Korea as an English Professor at Cyber National University at 11 months narin akong nandito para mag work.
I'm an NCTizen for 8 months because of a special reason. There was a guy in my dream and every time I dreamed, I always see him!
I don't know his name, voice, attitude, character, or where this guy lives.
Until one day, my life changed when I went to my friend's house to tutor his nephew Colleen, which is an avid NCTizen for a year.
Flashback"Hello Colleen what are you doing?" sabi ko ng madatnan ko siyang nanunuod ng isang Korean variety show instead of doing her homework.
"I'm watching Weekly idol ate, look those are my idol, NCT 127!" ani niya na kumikinang pa ang mata habang nakatitig sa TV.
Hinayaan ko nalamang ito dahil masiyado pa nga namang maaga para mag umpisa kami sa aming gagawin kaya we both watching the program until I saw the guy! Yes, that guy!
"A-aaaaaaah COLLEEN!" sigaw ko.
"Aray ko ate Rose, makasigaw! Huwag ka maingay, mamaya muna ko turuan sa English, tapusin ko lang to oh!" nagmamaktol na sabi niya.
"Ito! Itong lalaking to! Sino to?".sigaw ko ulit, habang nakatayong nakaturo doon sa lalaki sa TV.
"Ahhhhh! Si Taeyong yan! Siya si Lee Taeyong! Ang pogi and responsible leader ng NCT 127. Cold and serious kung tignan but sweet and mabait kapag nakilala muna! Siya nga din pala ang blablablabalabalabala!"
Ang dami niyang sinabi pero pangalan niya lang ang tumatak sa isip ko!
Lee Taeyong, yan pala ang pangalan mo, gusto kitang makita.
End of Flashback
During that day, nag search ako tungkol sa kanya, kung sino siya, at anong klase siyang tao.
Bakit sa dami dami ng lalaki ay siya ang laging laman ng panaginip ko simula pa noong kahit bata pa ako.
Habang kinikilala siya, napagtanto ko na ang dami naming similarities from likes, dislikes, and hobbies.
Mas nakilala ko din ang grupo nilang NCT 127. And I found myself being one of their fan! And start to liking that guy, name Lee Taeyong!
NCT 127 consists of 9 members: Lee Taeyong, Jung Jaehyun, Kim Jungwoo, Mark Lee, Nakamoto Yuta, Kim Dong Young, Johnny Suh, Moon Taeil and Lee Haechan.
When I surfing on the net, I saw a job opportunity in South Korea! Yes in Seoul, South Korea!
♡(> ਊ <)♡
I grab the opportunity na agad doon magturo because of the good offers na nilahad nila sakin nung mag apply ako at para makita na din si Taeyong sa personal dahil bukod siya ang lalaking nasa panaginip ko, siya na din kasi ang lalaking iniidolo ko. Because of my achievements in an early young age, natanggap ako agad kaya agad kong tinawagan ang best friend kong nasa Seoul.
"Hello, V!" sigaw ko!
"Wae Rose?!" ani niya.
"Pupunta ako diyan! Next month! Diyan na ko magtatrabaho!" natutuwang sabi ko.
"Jinja?!" gulat niyang sabi at ipinaliwanag ko sa kanya ang plano kong pagtira at pagtatrabaho don.
"Pano ba yan? Sunduin kita don sa airport ha, sa ayaw at gusto mo!" sabi niya mula sa kabilang linya.
"Ano?! Hindi pwede, alam mo namang sikat ka na ngayon tapos susunduin mo ako?! Ayos ka lang?! Baka mamaya ma issue ka niyan?" nag-aalalang sabi ko.
"Kung ganon edi, tatawagan ko yung pinsan mo para sunduin ka sa Airport!" sagot niya.
"Tsk. Huwag na! Aasarin lang ako non. Atsaka, pareho kayong sikat diyan sa bansang yan, baka pag kaguluhan pa kayo sa Airport pag nagkataon."
"I don't care! Basta I'll fetch you. Okay?"
"Per---- ." habol ko pero pinatay niya ang tawag.
"Haist!" Naiinis kong binato yung cellphone, pero pinulot ko lang din naman agad dahil maraming pictures don si Taeyong na naka save, hindi pwedeng mabura yon.
Pinulot ko din naman agad ang Cellphone ko at nagpapasalamat na hindi ito nabasag. Binuksan ko ang screen at nakita doon ang numero ni V.
"Tong mokong na to talaga!"
Naiinis na sabi ko sa sarili."Humanda ka talaga pag nagkita tayo diyan Kim Taehyuuuuuuuung!"
Yes! He is Kim taehyung also known as V! He is the famous and worldwide handsome V na kilala ng lahat from BTS! We're best friends, my childhood best friend, his grandparents and my grandparents used to become a business partners.
Dinadala nila noon si V dito sa pinas. Magkapitbahay kami noon, magka klase at mag kaibigan dahil sa kanya, nakakaintindi at nakakapag salita ako ng Hangul (Korean language).
Nagkalayo lang kami nung umuwi na sila sa Korea at nakita siya doon ng isa sa mga staff from Big Hit Entertainmnet habang naglalakad ito pauwi sa kanila, because of that ginawa siyang trainee hanggang sa maging isang sikat na idol and then our communication stopped because of that. I always see V (Kim Taehyung) as my brother and a best friend dahil wala ako non.
Nag-iisang anak lang kasi ako, lumaki ako sa pangangalaga ng aking lolo't lola dahil maagang namatay ang aking mga magulang due to car accident.
Siya ang nagsilbing kuya, kaibigan, at kapatid ko at lahat ng yun ay sa kanya ko lang nakita. I really treasure him since pamilya na ang turing ko sa kanya at ayaw kong mawala siya sa akin. Mahal na mahal ko ang best friend ko at ang siraulo kong pinsan.
BINABASA MO ANG
Continuing Our Love Story [COMPLETED]
Fiksi PenggemarWhat if ang K-POP IDOL na ULTIMATE CRUSH mo ang siyang lalaking itinandhana para sayo? Anong gagawin mo? Lee Taeyong NCT / KIM TAEHYUNG BTS / CHA EUN WOO ASTRO / ROSE FERRER 💜 Ranking #1 LEETAEYONG (November 2020) #1 SMENTERTAINMENT (December 2020...