CHAPTER 24: SHOPPING

27 19 15
                                    

ROSE POV

"Wow, grabe ka Rose ngayon ko lang nakita na mapasunod mo ang NCT, dagdag mo pa ang ASTRO AT BTS ah!" hindi makapa niwalang tanong ni Johnny sakin.

"Johnny, masanay ka na! Alam mo ba kung umasta yan daig pa niyan boss namin kaya takot diyan mga kasama ko eh" sagot agad ni Dodong.

"Agree, Even BTS members napapasunod niyan!"  dagdag pa ni Kim Taehyung.

"Hooy! Kayong dalawa a-anong pinagsasabi n-------"

"Bakit hindi ba totoo?!" putol ni dodong sa sinabi ko. Inis ko naman pinatong ang mga braso ko sa dibdib ko.

Pinsan ko ang nagmamaneho at ako ang katabi niya sa harap.

Sa likod naman namin ay ang magkatabing si Taeyong at Taehyung na hindi nag iimikan.

Sa likod naman nila ay si Johnny at Jaehyun na kanina pa nagdadaldalan.


"Nandito na tayo" agad na sabi ni Dodong ng maiparada ang sasakyan sa parking lot ng mall.

Agad na sinilip ko ang mga kasama ko ng mapansin wala akong kasunod ng makababa ako, nagulat ako dahil nandon pa sila sa loob at abala sa pagsusuot ng salamim, jacket at mask.

"Mukha kayong may mga sakit!" natatawang sambit ko sa kanilang lahat.

Katabi kong naglalakad ngayon si dodong na nasa kanan ko at si Kim Taehyung na nasa kaliwa ko naman.

Nang makapasok sa loob ng mall ay nagsalita si Johnny.

"So guys, mukhang magkaka hiwa-hiwalay tayo kayo kita kita nalang sa parking lot, okay?" tumango naman kaming lahat sa sinabi niya.

Magkakasamang pumasok sa isang clothing store sina Jaehyun at Johnny at nakita ko namang humiwalay si Taeyong Ko sa kanila.

Naiinis ako dahil gusto kong siya ang kasama ko, dahil kapag kasama ko tong dalawa panigurado ay hindi tatahimik ang mundo ko.

Ayos lang sana kung isa sa kanilang dalawa ni dodong at Kim taehyung ang kasama ko.

Pero, kapag itong dalawa ang magkasama at magkatabi pa panigurado daig pa nila ang babae sa dami ng bibilhin nila.

Agad kaming pumasok sa furniture store ng mall, ang gusto kong theme ng kwarto ay pink and white yung simple lang pero elegante.

Nagprisenta ang dalawa na sila ang magbabayad lahat ng pinamili ko kaya turo lang ako ng turo ng mga gamit na gusto ko at agad naman itong ibinabalot ng sales lady.

Napag desisyunan naming iwan muna ang mga pinamili namin dahil madami dami iyon, tulad ng sinabi ko kapag itong dalawa magkasama eh daig pa babae sa pinamili.

Nagmamadaling pumasok ang dalawa sa isang shoe store, sinabi ko sa kanila na may iba pa kong bibilhin pero hindi nila ako pinansin dahil na agaw na ng atensiyon nila ang mga bagong labas na sapatos, alam kong hindi ako mapapansin ng mga ito kaya umalis nalang ako.


"BASTA NAGPA ALAM AKO" sabi ko sarili ko ng maka alis sa shoe store na pinasukan nila. Panigurado kasing magtatagal ang mga iyon don at paniguradong hahanapin ako ng mga iyon kapag wala ako sa tabi nila.

Pumunta ako sa grocery store ng mall para mamili ng pagkaing lulutuin ko para sa kanilang lahat pag uwi.

Isa isa kong tinignan ang bawat stall at naisipang pumunta muna sa meat section, sumunod namam ay sa mga seasonings area.

Nahihirapan akong kunin ang soy sauce na gusto ko dahil masiyadong mataas ito, nagulat naman ako ng may kamay na kumuha nito at inabot ito sa akin.

"Here" sabi nito at inabot sakin ang soy sauce.

(●__●)

"Lee Taeyong" gulat ngunit nakangiting sabi ko sa kanya.

"Bakit ikaw lang? Nasan mga kasama mo?!" tanong niya sa akin.

"Tsk. Busy yung mga yon! Daig pa mga babae non kung mamili" natatawang paliwang ko sa kanya.

"So I guess, tayong dalawa muna ang magkasama ngayon"

⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄

"Mmm. Tingin ko nga!" tumatango-tangong sabi ko pa.

Nalaman kong namimili siya ngayon ng stock ng pagkain para sa buong miyembro niya. Bilang leader ng grupo nila, makikita mong sobrang hands on niya at napaka responsible, patunay na mahal na mahal niya ang mga ka-miyembro.

"Ikaw lang namimili mag-isa?" tanong ko.

"Madalas Oo, pero minsan sinasamahan din ako ng nila Jaehyun".

"Naniniwala na talaga akong JaeYong is Real" natatawang pang-aasar ko.

"Yuck, HAHAHA" natatawang sagot din niya.

"Love" tawag nito sa akin.

"Yes?" sagot ko habang kumukuha ng chips at inilalagay ito sa cart niya.

"Hindi ko talaga maiwasang mag selos" nahinto naman ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya.

"HAHAHA, wala ka dapat ika selos Love alam mo yan"

"Nagsisisi tuloy ako na bakit pa natin ililihim ang relasyong meron tayo" sabi niya at lumapit sa akin.

"Desisyon mo yan Love, panindigan mo HAHAHA!" pang-aasar ko.

"Waaah nagsisi na ako Love" kahit naka mask siya kitang kita ko sa mga mata niya mangiyak ngiyak na siya.

"BTS and ASTRO are My Families" paninimula ko at hiwakan ang pisnge niya.

"AND ALL OF NCT MEMBERS ARE NOW MY FAMILY TOO!" nakangiting sambit ko sa kanyan.

"And YOU! IKAW NAMAN ANG PINAKA MASAYANG NANGYARI SA BUHAY KO! HINDI KITA IPAGPAPALIT KAHIT KANINO, MAHAL NA MAHAL KITA TANDAAN MO YAN!"

"LOVE, HINDI AKO MAKAHINGA!" sabi niya at mariing hinawakan ang dibdib.

"A-ano?!" natakot naman ako sinabi niya at natatarantang hinawakan ang dibdib niya.

"ANG PUSO KO TUMITIBOK NG MABILIS PARA LANG SAYO!" sabi nito habang uma-acting na masakit ang puso at hawak hawak ang kamay kong nasa dibdib niya.

Agad ko naman siyang hinampas.

⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄

"Ouch love, nakaka ilan ka ng palo sa akin ah!" pagmamaktol niya.

"Ikaw kasi eh"

"Ang dami daming tao oh baka akalain nila SADISTA GIRLFRIEND KO!" sabi nito at itinuturo ang mga taong naglalakad.

"Huwag kang maingay baka may maka rinig!" hampas ko ulit sa kanya.

"ISANG PANG PALO MO PA, HAHALIKAN TALAGA KITA DIYAN!" pananakot niya.

⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄

"Sige hahampisan kita ng malakas!" pagbabanta ko.

"Madaming tao diito oh!" sagot niya at tinuro turo ulit ang mga taong naglalakad.

"Eh ano naman?!"

"Madaming maka ka-kita sayo, kapag pinalo mo ang isang gwapong tulad ko na walang ibang ginawa kundi mahalin ka!"

"Tsk. HINDI KO SILA NAPAPANSIN DAHIL IKAW LANG ANG NAKIKITA KO!" seryosong sagot ko sa kanya, nakita ko namang namula ang mga tenga nito.

"WAAAH ROSE, MABABALIW TALAGA AKO DAHIL SA IYO!" sigaw niya habang pinipisil ang mga kamay ko.

Continuing Our Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon