ROSE POV"Ms. Ferrer gusto po ata kayong kausapin ng NCT 127, nasa labas po silang lahat muk------"
"Papasukin mo si Ms. Park" kinakabang utos ko sa kanya.
"Masusunod po."
Binuksan nito agad ang pintuan ng opisina ko at dahang dahang lumantad doon ang mga nakatayong miyembro ng NCT 127, kumpleto silang siyam na narito ngayon sa harap ko ngunit ang buong atensiyon ko ay nakatuon lamang sa iisang lalaki na nakatayo na sa mismong harapan ko, suot suot ang nagliliwanag na bracelet nito sa kanyang kamay.
"Lee Taeyong!" maluha luhang tinawag ko ang pangalan nito.
"Masaya akong makita na muli mong isinuot ang bracelet na yan pero mas masaya ako dahil nakita na ulit kita ngayon!"
Mabilis na tumakbo ako sa kanya at tumalong niyakap ito.
Isang mahigpit na yakap ang binigay namin sa isa't isa, yakap na punong puno ng pananabik dahil sa tagal na hindi namin ito naramdaman.
Pimagmasdan ko ang buong miyembro ng NCT 127 at nakitang umiiyak ang mga ito kung kaya't nilapitan ko silang lahat at niyakap din ng mahigpit.
"Rose, sorry! Hindi namin alam na hahantong sa ganto ang lahat." umiiyak na sabi ni Johnny.
Jaehyun: "Ginagawa lang naman iyon para protektahan ka, Rose!"
Mark: "Importante ka sa amin, ayaw naming makita kang nasasaktan kaya nagawa din naming ilihim iyon."
Haechan: "Mapatawad mo sana kami, Rose"
Umiiyak na sinabi nilang lahat ito sa akin. Parang hinaplos ang puso sa mga narinig ko sa kanila.
Alam ko na ginawa nga nila ito para sa ikabubuti ko pero ang sarap sa pakiramdam na sa kanila ko mismo naririnig ang lahat ng ito.
"Sssshh. Huwag na kayong umiiyak, alam ko na ang lahat. Sinabi na ni Lolo ang lahat ng nangyari. Ako dapat ang humingi ng tawad dahil hindi ko muna inaalam ang totoo bago ako umalis sa inyo. Sorry NCT 127, Sorry!" umiiyak ding sabi ko sa kanila.
Napuno ng iyak ang loob ng opisina ko, kahit na ang dalawang sekretarya ko ay nakita kong umiiyak na din sa sitwasyon namin ngayon.
"Pano ba yan? Mukhang kailangan na muna naming iwan kayong dalawa dito" nagbibirong sabi ni Yuta.
"Oo nga. Mukhang marami raming pag-uusapan tong dalawa to eh!" dagdag pa ni Taeil.
"HAHAHA (≧▽≦), SALAMAT TALAGA NCT. MAHAL KO KAYO!" nakangiting sabi ko sa kanilang lahat.
"MAHAL KA DIN NAMIN ROSE-AH!" sabay sabay nilang sabi at muli nila akong niyakap. Natatawang bumitaw naman ang lahat sa akin dahil sa ginawa ni Taeyong.
BINABASA MO ANG
Continuing Our Love Story [COMPLETED]
FanfictionWhat if ang K-POP IDOL na ULTIMATE CRUSH mo ang siyang lalaking itinandhana para sayo? Anong gagawin mo? Lee Taeyong NCT / KIM TAEHYUNG BTS / CHA EUN WOO ASTRO / ROSE FERRER 💜 Ranking #1 LEETAEYONG (November 2020) #1 SMENTERTAINMENT (December 2020...