ROSE POVDahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at iginala ang pangin sa magarang kwarto na ngayon ko lang nakita.
Sinubukan kong tumayo pero nahihirapan akong igalaw ang mga paa ko, nagulat naman ako ng makitang naka higa sa sofa si Kim Taehyung at kung anu-anong mga gamit pang ospital ang naka kabit sa katawan ko.
Nagising naman agad ito ng marinig ang galaw ko kaya mabilis itong lumapit sa akin at inalalayan akong bumangon.
"V, a-anong ginawa ko dito? Bakit ako nandito? I-ikaw, paano mo nalamang nandito ako" sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"Nandito ka ngayon sa Bahay ng Lolo mo, Rose".(●__●)
"Anoooo? Paano ako napunta dito?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Nung araw na nakita kita sa kalsada ay ang araw na magkasama rin kami ng Lolo mo, tinawagan niya ako at nais na sumama sa kanya para puntahan ka. Nabigla din ako ng malamang siya ang lolo mo kaya't kahit masama ang loob ko sayo noon ay hindi ako nag dalawang isip pa na sumama sa kanya at ipakilala siya sayo dahil alam kong bata pa lang tayo ay ito na ang isa sa mga pangarap mo, ang makita ang lolo mo at Rose, sorry sa lahat ng mga maling nagawa at sinabi ko sayo noon sana mapatawad mo ako".
Kahit nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon ay mabilis kong niyakap si Kim Taeyhung ngayon at lubos na nagpasalamat.Sa dami dami ng taong nakapaligid sa akin, hindi ko inaasahang ang best friend na sinaktan ko noon ang magsasabi sa akin ng totoo.
Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko ng pumasok si CEO sa loob ng kwarto kasunod ang sina Lolo Simoun at Lola Anastasia.
"Jusko apo ko, ano bang nangyari sayo huh? Nag-aalala kami sayo ng lolo mo." nag-aalalang sabi ni Lola at walang tigil na hinalikan ako sa pisnge."Lola, sorry po (༎ຶ ෴ ༎ຶ)"
Mabilis namang naagaw ng atensiyon ko si CEO na umiiyak sa gilid ko kaya tinawag ko ito.
"Mr. CEO, come here gusto ko po kayong mayakap." walang anu-anoy tumabi ito sa akin sa kama at niyakap ako ng mahigpit.
Sobrang sarap sa pakiramdam na mayakap ang lolo ko, para bang unti unti ng nabuo ang mga piraso ng tanong ko buhay.
"Don't call me CEO apo, I want you to call me Lolo" lumuluhang sabi nito at marahan kong pinunasan ang mga patak ng luhang nasa mga pisnge niya."Masaya po akong makita at makilala ka Lolo"
Muli ay mahigpit na niyakap ako ni Lolo, isang mahigpit at mainit na yakap na matagal ko ng gusto maramdaman mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
Continuing Our Love Story [COMPLETED]
Fiksi PenggemarWhat if ang K-POP IDOL na ULTIMATE CRUSH mo ang siyang lalaking itinandhana para sayo? Anong gagawin mo? Lee Taeyong NCT / KIM TAEHYUNG BTS / CHA EUN WOO ASTRO / ROSE FERRER 💜 Ranking #1 LEETAEYONG (November 2020) #1 SMENTERTAINMENT (December 2020...